Possible po ba na may makuha ang nanay ko as a Common Law wife at kami ng kapatid ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

20 years na po silang hiwalay ng Papa ko at ng una niyang asawa ng magkakilala sila ni mama. 27 years na po silang magkasama ng hindi kasal gawa ng hindi po na annul and kasal ni papa sa una niyang asawa. Retired Marine Soldier po si papa. Then he passed away last night. eto na po yung moment na alam po namin na kahit sa tagal na ng panahon posibleng maghabol na po yung una niyang asawa, kasi hindi naman po sa lingid sa kaalaman ng lahat na mas malaki po ang Pension ng retired/deceased soldier ngayon. 5 po kami mag kapatid, 3 po sa una na may mga asawa at anak na at magaganda na ang buhay sa ibang bansa , and kami po ng kapatid ko. 26 years old na po ako at ang kapatid ko naman ay kasalukuyang nasa college palang at 18 years old na po. Gusto ko lang po  malaman kung pwede rin po ba kaming mag habol? batid ko po na malakas po ang dokumentong Marriage contract nila. Pero , sa 27 years po lahat po ng dokumento ni papa even yung AFP/Military ID niya ay si mama ko po ang may hawak. Possible po ba na mag karoon ng kasulatan na pwede kaming mag hati? aNawa po ay matulungan nyo po ako. sobra po ang sakripisyo at pagmamahal ni mama kay papa. kay deserve pa rin po niyang ma suklian yun kahit wala na si papa, marameng salamat po and More power. God Bless po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ikinalulungkot ko po na when it comes to pension ng isang married government employee ang legal na beneficiary lang nito ay ang legitimate na family. Maari rin naman makatanggap ang mga illegitimate na anak kaya lang kalahati lang sa makukuha ng legitimate children. In your case, parang lahat na kayong mga anak sa una at ikalawa ay of legal age na. Kapag legal age na kasi ang anak hindi na makaavail sa pension pa kung hindi ang survivor na asawa lang. Maari po kayong mag inquire sa office ng AFP para sa karagdagang impormasyon kung up to what age lang makakatanggap ang pension ng isang anak. In SSS up to 21yrs sila after that cut off na. If katulad lang sila pwede pong macover sa pension ang isa mong kapatid provided recognized ng tatay ang birth certificate niya.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.