Possible po bang buntis ko hindi po kasi ako dinatnat ng buong February tapos nagkaroon na po ako March 7 na po and then until now hindi pa rin po ako nagkakaroon?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History



The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Kamusta ka? Ang general rule ay kung may regular period ka, hindi ka buntis. Ang normal na menstrual period ay nasa humigit kumulang tamang petsa, nasa pangkaraniwan na daloy, at nagtatagal ng mga 3-5 days.
 
May mga buntis na nagkaka-vaginal bleeding, lalo na sa mga bagong buntis pa lamang. Ngunit hindi ito katulad ng regular mensturation, dahil mas maliwanag ang kulay (lighter color) ng regla at irregular, parang spotting (or post implantation bleeding).
 
Upang makasiguro, pinakamaganda ay magpa-pregnancy test. Mayroong mga over the counter pregnancy test kits sa pharmacy, o pumunta kaagad sa pinakamalapit na OB Gyne upang mag-pregnancy test at para sa mas komprehensibong consultasyon. Ano man ang mangyari, sana ay matanggap mo. Hanggang sa muli.
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nag-take po ako ng pregnancy test kaninang umaga first urine in the morning pero negative po kaya nagtataka po ako bakit po halos 2months nakong di dinadatnan.
Recommend Reply Report abuse
Dr. Jen Cruz
is a Medical expert in United States
Madaming dahilan kung bakit nade-delay ang mensturation, tulad ng stress, pagbabago ng oras tulog at gising, weight issues (malaki na tinaas o binaba ng timbang), paginom ng gamot, sakit, sobrang pagehersisyo, at iba pa.
Recommend Reply Report abuse
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Posible po ba na mabuntis ako kahit after kong magka-mens eh wala naman na ulet nangyare sa amin ng bf ko?
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. Jen Cruz

U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco