PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Naniniwala ka ba sa mga prediksyon? Malamang na interesado ka na malaman kung ano ba ang kahihinatnan ng 2021 para sayo at sa pamilya mo.

Sa pagbubukas ng year of the metal Ox sa 2021, may panibagong simula at pag-asa sa ating buhay. Itong taon na kaya ang pinakahihintay nating swerte sa buhay pagdating sa pera? May masasabi ba ang mga bituin sa iyong kapalaran sa trabaho o negosyo para sa 2021?
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
Panuorin para malaman ang prediksyon sa labindalawang Chinese Zodiac signs patungkol sa pera, trabaho, at negosyo.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
RAT
Kung ikaw ay naghahanap ng hanapbuhay, maaaring marami kang maging kakumpitensya na nagnanais na makuha rin ang iyong inaasam na posisyon. Kaya’t pagsikapang pagiigiin ang iyong iyong trabaho, upang mapansin ng mga boss.
Kung mayroon mang mag-alok sayo ng trabaho at hindi naman ito ang iyong hilig o gusto, makabubuting huwag na lamang itong tanggapin. May darating ding trabaho na mas naaayon sa iyo.
Inihahalintulad sa apoy ang iyong salapi. Konting tyaga lang dahil may liwanag din na darating sayo. Kakailanganin mo ng sapat na lakas at oras upang kumita ng salapi.
Kung ikaw naman ay may utang, huwag mo masyado isipin ito. Pagtuunan ng pansin ang mga oportunidad na darating, upang mabayaran ang utang.
Iwasan ang mga bagay na hindi naman makakatulong sa buhay mo.
Magingat din sa pamumuhunan ng iyong salapi ngayong taon. Mahalaga ang matutong mamuhunan at palaguin ang pera, ngunit kailangang pagaralan muna maigi ang papasukin.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
OX
Kung mayroong mag-alok sa iyo ng bagong trabaho na naaayon naman sa iyo, makabubuting tanggapin mo ito. Marami kang makakasundo sa iyong magiging trabaho, dahilan upang mas pagbutihin pa ito. Hangga’t pinagbubutihan at isinasapuso mo ang iyong tungkulin, mas malaki ang tyansang magkaroon ka ng malaking kita.
Kailangang maging mapagkumbaba sa pagkakaroon ng malaking kita. Panandalian lamang aayon sa iyo ang kapalaran. Kailangan maging matalino sa paghawak ng salapi sapagkat ang swerte ay hindi pangmatagalan at maaaring mawala ito kalaunan. Kung ikaw naman ay magkakaroon ng malaking suliranin pagdating sa pananalapi, maging masipag at habaan ang pasensya. Malalagpasan mo din ito at makakaahon sa pagkakautang.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
TIGER
Posibleng hindi ka ganahan minsan magtrabaho sapagkat hindi naaayon sa iyo ang kapalaran. Kung mayroon mang mag-alok sa iyo ng panibagong trabaho, maaaring ipagpaliban na lamang muna ito kung hindi naman mo ito naaayon sa iyo. Tiyak na makakahanap ka rin ng trabahong nababagay para sa iyo. Dahil ang mas nakatataas sa atin ay palaging nariyan upang gabayan at protektahan ka.
Kung ikaw ay kasalukuyang may trabaho, hindi ito magiging mahirap para sa iyo. Kailangan mong maghanda sa malaking proyekto ng inyong kumpanya upang makuha ang matagal mo ng inaasam na promotion.
Maaaring magulo ang magiging sitwasyon ngayon kung ikukumpara sa nakaraang mga taon sa negosyo. Dahil dito, mas makabubuti kung makakahanap ng iba pang mapagkakakitaan. Kinakailangang madagdagan pa ang iyong kita galing sa pangmatagalang pamumuhunan. Gayunpaman, kailangang mag-ingat at pag-isipang mabuti ang anumang papasuking pamumuhunan sa taong 2021.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
RABBIT
Maaaring hindi nasiyahan ang boss sa iyong trabaho noong mga nakaraan kaya ito ang oras mo para makabawi.
Tandaan na ang mga magagandang pangyayari sa buhay ay hindi pangmatagalan. Maaaring mawala ang lahat sa isang iglap lamang kung hindi ito iingatan. Ang importante sa lahat, dapat ay alam mo kung kailan ka dapat magpakumbaba. Matutong magbigay sa iba ng pagkakataon upang ipakita ang kanilang kakayahan.
Kung ikaw ay naghahangad ng masaganang buhay, kailangan mo ng tulong ng iba. Ang mga taong ipinanganak sa taon ng Ox ay makabubuting gawing tagapayo. Ang Ox ang magbibigay sa iyo ng swerte sa taong year of the Ox. Kung hindi man makahanap ng taong ipinanganak sa taon ng Ox, maaaring sumangguni sa mga taong ipinanganak sa taon ng Goat, Dog o Dragon.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
DRAGON
Magkakaroon ka ng maraming kaibigan sa taon ng rat. Ipapasok ka ng iyong kaibigan sa isang magandang trabaho kaya tanggapin kaagad ito. Mas malaki ang maaaring kitain rito. Makabubuting magdesisyon kaagad sapagkat ang opurtunidad na ito ay hindi pangmatagalan.
Ang pagkakataon na magkaroon ng salapi ay minsan lamang mangyayari. Isa itong pagpapala galing sa langit.
Masasabing ikaw ay suswertehin pagdating sa kayamanan. Maraming darating na salapi sa iyo kaya kailangan samantalahin ito para makapag-ipon, sapagkat darating ang panahon na titigil ang daloy ng swerte sa iyo.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
SNAKE
Maaaring magkaroon ng kaunting suliranin pagdating sa trabaho, kaya kailangang alam mo kung paano kontrolin ang isang sitwasyon. Kung ikaw man ay alukin ng iyong kumpanya sa panibagong posisyon, makabubuting pagisipan muna mabuti ang gagawing desisyon.
Ang swerte ay pabugso-bugso. Kaya magingat at wag maging kampante. Ilaan ang oras sa mga bagay na mas importante o mas kailangan. Kung hindi maaaring mauwi sa wala ang mga pinaghirapan at maaaring malubog sa utang.
Kaysa aksayahin ang oras sa pag-iisip ng mga bagay na walang katuturan, mas makabubuting tumutok na lamang sa iyong trabaho. Dito ay mas malaki ang tyansa na mas lalaki ang iyong kita.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
HORSE
Sa taong 2021, mabibigyan ka ng oportunidad na magkaroon ng trabaho. Ngunit kailangang malagpasan mo ang mga pagsubok. Kailangang gamitin mo ang iyong kaalaman upang malagpasan ito.
Maaaring humingi ng tulong sa iyong mga kakilala tungkol sa mga maaaring maging responsibilidad mo sa iyong magiging trabaho. Hindi magiging madali ang pakikisama sa iyong mga katrabaho sa panahong ito. Kung ikaw man ay nakaramdam ng hirap sa dati mong trabaho, maaaring mararamdaman mo rin ito sa iyong bagong trabaho. Ngunit kailangang kayanin mo ang mga pagsubok na ito. Dahil may paparating na swerte sa buhay mo. May kasabihan, kapag may tiyaga may nilaga.
Sa negosyo naman, maaaring isa sa mga rason ng pagkalugi ay kapabayaan sa negosyo. Kaya habang maaga, maging alerto at maingat sa mga hakbang nagagawin sa negosyo. Huwag hayaang mawala ang negosyong pinaghirapan. Basta’t masigasig ka lamang magtrabaho para sa iyong mga layunin, magkakaroon ka ng sapat na salapi.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
GOAT
Ang ox ay konektado sa goat pagdating sa pananalapi. Ito ay nangangahulugang maaaring tumaas ang iyong sahod o makatanggap ng bonus. Kung mahusay ka sa iyong trabaho, asahan na may kapalit ito. Importante na marunong kang tyumempo. Sunggaban kaagad kung may oportunidad na dumating dahil ang biyaya ay maaaring mawala rin kaagad.
Maaaring sunud-sunod na dumating ang pagkakataon sa iyo. Ngunit maaari ring mawala ito kalaunan. Kaya sunggaban kaagad kung may pagkakataon sapagkat magkakaroon ka ng problema pagdating sa pera kung hindi ka marunong humawak nito.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
MONKEY
Ang ox ang magbibigay sa iyo ng pagkakataon upang mas pagbutihin pa ang iyong trabaho. Ito na ang iyong pagkakataon upang ipakita sa iba ang iyong kakayahan at talento.
Gayunpaman, kailangan mong maging mapagkumbaba at tanggapin ng maayos ang pagpupuri ng iba sa iyo. Ang pagiging arogante at abusado ay maaaring ikasira ng iyong trabaho.
Gamitin ang iyong talento at pagiging malikhain upang kumita ng salapi. Samakatuwid, ang pagiging masipag at masigasig ang magbibigay sa iyo ng biyaya.
Limitado lamang sa mga taong tamad, ang swerte sa salapi. Pati ang mga pabigla-biglang desisyon ay maaaring maging dahilan ng pagkaubos ng iyong pera. Kaya iwasan itong mangyari.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
ROOSTER
Maaaring hindi mo pinupursige ang iyong sarili upang tumaas ang iyong posisyon sa iyong trabaho. Ibig sabihin lamang nito ay walang masyadong pagbabago sa iyong trabaho sa taon ng rat kapag hindi ka nagpursige.
Ngunit ang iyong husay pagdating sa pagtatrabaho ang magbibigay sa iyo ng malaking kita. Kung magkaroon man ng problema sa iyong trabaho, makabubuting humingi ng tulong sa mga taong ipinanganak sa taon ng Ox.
Magpakita ng magandang pag-uugali sa mga tao. Kailangan mong gamitin ang iyong talento at husay upang kumita ng salapi.
Ang manok ay maihahalintulad sa mga nabubulok na prutas na kailangang maibenta kaagad. Samakatuwid, kailangan mong maging masipag upang magkaroon ng malaking kita. Kung magkaroon man ng sobra-sobrang kita, maaaring magbahagi sa mga charity upang makatulong. Ngunit tandaan rin na palaging magtira para sa sarili, sa biglaang pangangailangan.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
DOG
Kung ikaw ay aalukin ng isang bagong posisyon, makabubuting tanggapin ito. Maganda ang iyong pakikisama sa iyong mga katrabaho at maganda rin ang pasok ng salapi sa iyo. Ito ang tamang pagkakataon upang tanggapin ang promotion. Ngunit kailangan mo ng sapat na lakas upang gawin ito. Kailangan mong magdesisyon sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, maaaring mawala ang oportunidad na ito sayo.
Pagdating sa mga negosyante, mayroong darating na biyaya sa iyo tungkol sa salapi ngunit maaaring mawawala rin ito kalaunan kung hindi mo ito susunggaban. Maaaring magkaroon ng problema pagdating sa pag-iipon ng pera, kaya’t magingat sa paggastos. Makabubuting humingi rin ng tulong sa eksperto sa pananalapi.
 PREDIKSYON SA 2021 Chinese Signs FENG SHUI: YAYAMAN BA AKO? ANO KAPALARAN KO? SUSWERTEHIN BA SA NEGOSYO? Zodiac
PIG
Kung ikaw ay maghahanap ng trabaho, marami kang makakasabay na naghahanap rin ng katulad ng hinahanap mong trabaho. Ganunpaman, ito ay magtutulak sa iyo upang dagdagan ang kaalaman kung saan ka mahina.
Kung nais mong magtayo ng isang negosyo, ito ang tamang panahon upang humanap ng taong makakatulong sayo upang mapalago ang iyong papasuking negosyo. Kung ikaw naman ay nagmamay-ari na ng isang negosyo at unti-unti na itong nalulugi, makabubuting huwag na lamang munang magtayo ng panibagong negosyo sa ngayon.
Kung hindi mo itutuon ang iyong sarili sa isang pamumuhunan, huwag umasang may darating na biyaya sa iyo. Mag-ingat pagdating sa pamumuhunan sa iba. Mas makakabuting makipagkaibigan na lamang kung hindi sigurado sa pakikipagsosyo.
 
Anuman ang mangyari sa darating na 2021, nasa sayo naman talaga kung paano ka magpapasiya. Abangan nalang natin kung gaano ka-posible ang mga prediksyon na ito.
 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.