Puwede po bang mabawi saakin ang lupa na nabili ko 30years ago dahil may nangyari daw na sabwatan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nabili ko po ang lupa kay Mr. A na may Statement of Adjudication na nagsasabing siya ang sole heir ng lupang pagmamay ari ng namatay niyang ama five years ago. Wala pong titulo ang lupa pero may tax declaration po ito na nkapangalan na kay Mr. A. Binili ko po ito, pinarehistro sa Registry of Deeds ang Deed of Sale at ipinalipat sa pangalan ko ang tax declaration at ako na rin po ang nagbubuwis. Matapos po ang bentahan, nalaman ko po na hindi sole heir c Mr. A. Madami siyang kapatid pero lahat naman po ay pumayag na ibenta ang lupa at naghati hati pa nga sila sa pinagbilihan ng lupa. At yung isa pong kapatid ay nakiusap pa saakin na makikitira sa nabili ko nang lupa. Pumayag po ako at pinagawa siya ng kasulatan na nakikitira lang siya. Nang maglaon po ay namatay na c Mr. A at ang iba niya pang mga kapatid kabilang na ang kapatid niya na nakitira sa lupa ko. Ang naiwan po na nakatira sa lupa ko ay ang asawa at mga anak ng kapatid ni Mr. A. Dahil duon po sila nakatira, sila na rin po ang pinagkatiwalaan ko ng pag aasikaso ng lupa gaya ng pagkokopra. Hati po kami lagi sa benta. Minsan kulang pa nga ang ibinibigay saakin. Pero ngayon po, almost 30years na ang nakalipas bigla po akong ginugulo ng isa sa mga anak na naiwan ng kapatid ni Mr. A.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Dapat sana pinaprocess mo ang titulo ng lupa nuon pa ng hindi mo pa alam na may mga kapatid pa pala ang seller mo. At that time buyer in good faith pa po kayo at protected po kayo na hindi na pwedeng mapa annul ito sa paglipas ng panahon lalo na kung nuon pa rin alam na rin nilang binenta na ito sa inyo. Ngayon na alam muna na may iba pa pong legal heirs at hindi pa rin titulado ang nasabing lupa mas mabuti nalang po na magpagawa nalang po kayo ng panibagong extra-judicial settlement with deed of sale bayaran nalang po ninyo ang respective shares nga ibang mga heirs para piperma sila sa document na ito. Kung piperma iprocess mo agad ang pagpapatransfer ng title sa pangalan mo. Lumapit nalang po kayo sa isang private lawyer na siya gagawa po nito. Dahil kung hindi mo yan gagawin maari po silang lalaban sa iyo sa korte para kunin ang parte nila sa lupang ito.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Salamat po attorney. Ibig sabihin po ba nun na hindi ako buyer in good faith dahil hindi ko pa napapatituluhan ito? Registered po ang deed of sale sa Registry of Deeds at saakin na rin po nakapangalan ang Tax Declaration at ako po ang nagbubuwis hanggang ngayon. At nuon pa man po ay wala talagang titulo ang lupa.

At kung ganun nga po ang sitwasyon na hindi pala ako buyer in good faith sa kabila ng mga iyan, ang tanging solusyon po ba ay gumawa ng extra judicial settlement? Sino sino po pipirma? Patay na po yung ibang kapatid ni Mr. A.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang piperma niyan ay mga kapatid ng seller at kung wala na po ang mga kapatid po niya ang mga anak bilang heirs ng mga nasabing kapatid. After issuance of title kasi maaring wala na sila right to recover it from you. But in your case hindi mo pa nailipat sa pangalan mo so you are giving the right to fight for their share from that property po.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.