Pwede ko bang kasuhan yung exhusband at yung kalive in niya dahil buntis na at napapabayaan na mga anak ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Magandang gabi Atty. Tanong ko lang po kasal po kami sa huwes ng dati kong asawa mag 4 yrs narin po kaming hiwalay, may dalawa po kaming anak at may kalive in na rin po siya ngayon at buntis daw po? Yung mga bata po na sakanya po dahil nung naghiwalay kami nasa abroad ako at sa pangangalaga nila yung dalawa hanggang sa dumating ako nasa kanila pa rin pero minsan dumadalaw mga anak ko sa bahay minsan namamasyal kami pero ang akin lang atty. Pwede ko ba silang kasuhan dalawa dahil hinihingian ko panglakad birth mga anak namin dahil since birth di pa naregister yung dalawa gawa ng wala pong valid id yung xhusband ko kahit isa kaso ayaw niya magbigay ano po dapat kong gawin balik abroad po ako ngayon kaso kailangan ng birth ng dalawa para sa pg-aaral nila! Pwede po kaya kung apelyido ko na lang dadalhin nila para maregister lang wala na kasi pakialam yung papa nila dahil may kinakasma na at buntis pa saka yung sahod niya binibigay na niya sa kalive in niya? Pwede ko po ba kasuhan sila? Please. Help me, ano po dapat kung gawin Atty.? 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pwede po kaya lang kung magpapafile po kayo ng concubinage kailangang may sapat po kayong ebidensya at mga witnesses na magtestify sa inyo po in court. Kaya lang if makukulong ang asawa po ninyo paano naman ang mga anak mo sino ang magsusuporta sa kanila. So isipin po ninyo ng mabuti ang inyong hakbang. Regarding naman sa pagparehistro ng mga anak mo baka po pwede kausapin mo ang iyong asawa tungkol diyan na siya nalang mismo ang magpaparehistro alang2x sa kapakanan ng mga bata total nasa kanya naman ang mga ito. Siyempre pepirma ka rin sa birth certificate na ipapafile for late registration. Naku ang daming requirements for late registration. If the children are conceived and born within the marriage ito ay legitimate children at ang surname ng kanilang ama ang dapat gamitin nila po.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.