Pwede ba Mabuntis Agad ang Bagong Panganak? Mabilis Bang Mabundat o Magdalantao Naglilihi Pregnant Papadede Papasuso

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Matapos manganak, malamang na iniisip mo kung gaano nga ba kalaki ang posibilidad na muli kang mabuntis. Marami kang naririnig sa kapwa mo may sanggol, na kapag ikaw ay nagpapasuso ay hindi ka madaling mabuntis. Ito ang mga kailangan mong malaman upang makatulong sayo at siguraduhing ang susunod na pagbubuntis ay naaayon sa iyo at kung magiging ligtas sa sarili at sanggol.
 
Ikaw ay maaaring mabuntis bago pa man ang iyong first postpartum period, ito ay mangyayari bago ang ika-apat na linggo pagkatapos na ikaw ay manganak. O di kaya ay hindi lalagpas ng dalawampu’t apat (24) na linggo matapos manganak, depende kung ikaw ay purong pagpapasuso lamang o hindi.

Maaari kang mabuntis bago ang iyong first post-delivery period. Karamihan sa mga kababaihan, ang kanilang unang regla ay mahina. Sa madaling salita, hindi sila makabuo ng itlog habang sila ay nasa kalagitnaan ng cycle. Yung iba naman ay nakakabuo ng itlog bago magkaroon ng regla. Ibig sabihin maaari kang mabuntis ulit kahit na hindi ma nagkaka buwan ng dalaw. Hindi alam kung ano ang mauuna, ang regla o ang itlog. Ang paggamit ng contraceptives o pills ang isa sa mabisang paraan kung gusto mong planuhin ang sunod na pagbubuntis.
Ayon sa naitala, halos karamihan ng mga nagpapasusong ina (breastfeeding mothers), tumatagal ng apat hanggang anim na buwan bago magsimula ang kanilang normal menstruation cycle, ang first period’sa post-delivery. Para naman sa mga babaeng hindi nagpapasuso, nagsisimula ang kanilang normal menstruation cycle sa mas maaga. Anim hanggang labindalawang linggo matapos manganak. Gayunpaman, iba-iba ang katangian ng katawan ng mga babae, ang iba ay maaring mag-ovulate ng mas matagal o mas mabilis lamang. Sa katunayan, hindi mo masasabi kung kailan ang susunod mong pagbubuntis.

Maaari ka bang mabuntis habang ikaw ay nagpapasuso?
Ayon sa mga haka-haka, ang breastfeeding ay nagiging dahilan upang mabawasan ang oxytocin, ang hormone na pumipigil upang makabuo ng egg cell (itlog). Ito ay obserbasyon lamang ng mga karamihan. Gayunpaman, hindi ito pwedeng gawing batayan upang gamitin sa birth control, ito ay hindi magandang ideya. Ang mga nagpapadede na ina ay maaaring magkaroon ng regla sa loob ng anim na linggo postpartum, ngunit ang iba naman ay naaantala o delay nang hanggang 18 buwan.

Kailan nga ba ang tamang panahon upang magbuntis pagkatapos manganak?
Kailan nga ba pwedeng magbuntis matapos manganak? Ito ang tanong na gumugulo sa isip ng marami, lalo na ang mga magulang na naghahangad ng higit sa isang anak. Ang mga propesyonal, obstetricians at gynaecologists ang mga dapat hingan ng opinyon matapos manganak ng isang taon. Ang iba naman ay nirerekomenda na dapat ay may pagitan ng 18 buwan bago ulit magbuntis. Ang pagbubuntis ng wala pang labing-walong buwan ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang komplikasyon sa susunod na pagbubuntis. Kasama na rito ang pagkakaroon ng premature na panganganak ng sanggol o may mababang timbang. Dahilan upang ang bagong silang na sanggol ay malagay sa panganib at magkaroon ng mga congenital disabilities tulad ng asthma, pagkabingi o hindi paglaki.
Ang iba pang dahilan na dapat isaalang-alang ay ang katawan ng babae ay may sapat na pahinga, upang makabawas sa stress o pagod sa huling panganganak. Ang stress ay maaring makaapekto sa kanilang uterus. Kailangan din na mapalitan ang nawalang nutrisyon at bitamina sa katawan ng babae pagkatapos niyang manganak.

Ang mga babaeng gustong magkaroon pa ng higit sa isang anak ay kinakailangang panatilihin ang kanilang malusog na pangangatawan upang maiwasan ang mga kumplikasyon gayundin sa kanilang magiging anak. Ang paggamit ng contraceptives ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis pagkatapos manganak. Ito ay nirerekomenda ng mga doktor sa mga nagpapasuso man o hindi.
 
Paano mapaghandaan ang susunod na pagbubuntis?
Ang pagiging magulang ay nakakatakot na tungkulin. Samakatuwid, kinakailangan ng magulang na maunawaan ang responsibilidad ng pag-aalaga ng isang sanggol, bago magplano ng panibagong anak. Ang pagitan ng oras ay mahalaga upang masigurado na ang pangangailangan ng unang anak ay napupunan bago magkaroon ng susunod. Ang pag-aalaga sa maraming anak ay nakakaapekto sa pag-iisip. Hindi natin sigurado kung ang ina ay talagang gumaling sa kanyang huling panganganak bago magplanong magbuntis ulit.
 
Ano ang Panganib sa muling pagkakaroon ng sanggol?
Nirerekomenda ng mga eksperto na kinakailangan ay may pagitan na labindalawa hanggang labingwalong buwan bago ulit ang panganganak. Ilan sa mga naitalang pag-aaral na ang babaeng mabubuntis sa loob ng anim na buwan pagkatapos manganak ay maaaring manganib dahil sa mga komplikasyon. Mga komplikasyon tulad ng maagang panganganak, pagkalaglag ng sanggol at mababang timbang ng bata. Mahalaga na dapat ay mapanatili ang pagitan ng pagbubuntis upang masigurado ang kalusugan at kapakanan ng ina at anak.

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang malaking tagumpay. Mahalagang isa-alang alang ang kaligtasan ng ina at mga anak. Importante isa-isip ang pagitan ng pagbubuntis.

Mas ligtas o sigurado ang paggamit ng birth control bago makipagtalik, pagkatapos na manganak. Kahit na ikaw ay nagpapasuso o hindi. Sa ganitong paraan ay maiiwasan mo ang hindi planadong pagkakaroon ng maraming anak. Higit sa lahat magiging malusog ang iyong susunod na anak kung ikaw ay handa na.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)