Pwede ba Mabuntis kahit Irregular ang Regla? Maaari Magdalang tao Di Regular Buwanang Dalaw Menstruation Hindi Fertile

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Maaari ka bang mabuntis kung matagal dumating ang buwan ng dalaw?
Oo, ngunit mas mahirap ito para sa iyo kaysa sa mga regular na nireregla. Ayon sa pag-aaral, ang mga babaeng nagkakaroon ng buwanang dalaw na hindi bababa sa dalawang araw ay doble ang posibilidad na magdalang tao kaysa sa mga babaeng tumatagal ang regla ng higit anim na araw. Sa iba pang pag-aaral, ang mga regular na dinadatnan ng buwanang dalaw ay apat na beses na mas malaki ang posibilidad na mabuntis kumpara sa mga babaeng nireregla na itinatagal ng 10 araw.
 
Ang pagbubuntis ay may kaugnayan sa obulasyon (paglabas ng egg cell) na sa oras na ang babae ay maraming egg cell (fertile) ay mas malaki ang posibilidad na magdalang tao. Mayroon pa ring itlog (egg cell) ang babaeng hindi regular ang regla. Ngunit hindi gaya ng regular ang regla, maaari mong mahulaan kung kailan ka pwedeng magkaanak.
 
Mahirap ang magdalang tao para sa mga hindi regular ang buwanang dalaw. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na maaring magdalang tao. Kung ikaw ay nagkakaproblema, huwag mabahla dahil maraming lunas upang dumami ang iyong egg cell (maging fertile).
 
Ang mga babaeng hindi regular ang menstraution ay kinakailangan ng gamutan upang dumami ang egg cell. Minsan, ang pagbabago sa mga nakagawian ay maaaring maging lunas upang maisaayos ang irregular na buwanang dalaw at makatulong upang ikaw ay magdalang tao.
 
Hindi ba regular ang iyong buwanang dalaw?
Ang irregular na regla ay binabase sa kung ito ba ay hindi bababa sa 21 na araw o mas mahaba pa sa 36 na araw. Matatawag din na irregular kung hindi dinadatnan buwan-buwan. Halimbawa, sa loob ng isang buwan ang iyong cycle ay tumagal ng 23 na araw  at ang susunod ay 35 na araw, ito ay irregular.
 
Ayon sa pagsasaliksik, matutukoy kung gaano katas naag tyansa na mabuntis sa iksi at haba ng regla. Kung ang iyong cycle ay medyo mahaba sa normal na bilang, at sakto sa bilang ang pagdating ng regla, mababa ang posibilidad na makaranas ka ng problema sa pagdadalang tao. Samantala kapag pare-pareho ang cycle ngunit ang haba ng buwanang dalaw ay hindi tumutugma sa bilang, may posibilidad na mahihirapan sa pagbuntis ang babae.
 
Ano ang pagkakaiba ng normal sa di-normal?
Kung ang cycle ng iyong buwanang dalaw ay dumarating ng isang beses o dalawang beses kada buwan, hindi kinakailangang mag-alala. Ngunit kapag mas mahaba ng lima o higit pang araw, mahihirapan kang magdalantao.
 
Ang paminsan-minsan na pagkakaroon ng irregular na buwanang dalaw ay normal lamang. Ang stress at sakit ay nagiging dahilan rin ng pagkakaantala nito. Nagiging dahilan upang mas mapahaba pa ang cycle, at kung minsan naman ay mas mapaikli, kaysa sa nakasanayan. Kung ikaw ay nakakaranas ng isa o dalawang beses na pagreregla sa loob ng isang taon, hindi na kailangan na mag-alala.
 
Gayunpaman, kung ang iyong buwanang dalaw ay kadalasang hindi normal o hindi ka dinatnan ng matagal na panahon kinakailangan ng pumunta sa doktor o OB para sa pagsusuri.
 
Ano ang sanhi ng irregular na regla?
Gaya ng nabanggit, maraming bagay ang kinakailangan gawin upang ikaw ay magkaroon ng pagkakataon na magdalang tao. Ang irregular na buwanang dalaw ay sanhi ng hormonal imbalance. Ikaw ay maglalabas pa rin ng egg cell buwan-buwan, kung ang panahon ng iyong paglalabas ng egg cell ay iba-iba. Kung ikaw ay fertile (maraming egg cell), ikaw ay maaaring magdalang tao kahit na walang tulong ng anumang fertility drugs.

Gayunpaman, minsan ang irregular na buwanang dalaw ay sintomas rin na ikaw ay hindi makapaglabas ng itlog. Ang Anovulatory cycle (hindi makapaglabas ng itlog) ay ang pagkakaroon ng buwanang dalaw ngunit hindi napupunta sa tama nitong lugar. Kung ikaw ay hindi makapaglabas ng egg cell, ikaw ay hindi maaaring magdalang tao ng walang tulong ng gamot,

Mga dahilan ng irregular na buwanang dalaw:
1. Polycystic ovarian syndrome (PCOS)- Ang irregular na buwanang dalaw ay sintomas ng polycystic ovarian syndrome (PCOS). Ang PCOS ay karaniwang sakit ng babae na nakakaapekto sa 1 out of 8.
 
Hindi lahat ng babaeng may PCOS ay nakakaranas ng infertility, ngunit ang karamihan ay matagal bago makabuo ng sanggol. Lubhang mapanganib para sa babaeng may PCOS na madalas sanhi ng maagang makunan.
 
Inaakala ng karamihan sa mga babae na ang sanhi ng irregular na buwanang dalaw at hirap sa pagdadalang tao ay dahil sa PCOS. Wala itong katotohanan. Mayroong ibang posibleng dahilan kung bakit irregular ang buwanang dalaw at hirap sa pagdadalang tao.
 
2. Thyroid imbalance- Ang hindi aktibo o sobrang aktibong thyroid ay nagiging dahilan ng irregular na buwanang dalaw gayun na rin ng pagdadalang tao. Ang iba pang posibleng sintomas ng thyroid imbalance ay ang pagbabago ng timbang, hirap sa pagtulog, palaging pagod sa lahat ng oras, hindi maipaliwanag na pagkabalisa o pagkalungkot o problema sa pagdumi.
 
3. Hyperprolactinemia- Ang Prolactin ay klase ng hormone na siyang responsable upang makapagproduce ng gatas ang suso ng ina. Kahit na hindi nagdadalang tao o kasalukuyang nagpapasuso ang babae, tumataas ang hormone nito. Ito ay tinatawag na Hyperprolactinemia.
 
Ang abnormal na taas ng lebel ng prolactin ay nagiging dahilan ng irregular na buwanang dalaw o nagiging dahilan upang lubusing tumigil ito. Ang iba pang posibleng sintomas ay ang pamamaga o paglambot ng suso, may tumutulong gatas galing sa suso, o may masakit na parte kapag nakikipagtalik (panunuyo ng ari ng babae).
 
4. Primary ovarian insufficiency (POI)-  Ito ay tinatawag din na premature ovarian failure (POF), ang primary ovarian insufficiency ay isa ring dahilan ng irregular na buwanang dalaw o ang tuluyang pagkawala ng buwanang dalaw. Madalas nangyayari sa may POI/POF ang pagkakaroon ng mababang estrogen level, at ito ay humahantong sa pagkatuyot ng vagina (ari ng babae), pananakit ng ari kapag nakikipagtalik, paglabas ng likido galing sa ari, hirap sa pagtulog, o hindi maintindihang pagkabalisa.
 
5. Obesity- Ang obesity ang pinakamadaling pigilin upang maiwasan ang irregular na menstruation at mabilis mabuntis. Minsan, ang sobrang timbang o katabaan ang pinagbabatayan sa kahirapan ng pagbubuntis.
 
Halimbawa, ang pagkakaroon ng PCOS at hypothyroid ay nagiging sanhi ng pagtaas ng timbang at gayundin ang hirap na pagbabawas ng timbang.
 
Kung nagkakaroon ng problema sa iyong timbang, at biglaang pagdagdag ng timbang sa kabila ng hindi pagbabago ng dami ng kinakain, o hirap sa pagbabawas ng timbang, sumangguni sa iyong doktor. Kung ang iyong problema sa timbang ay dahil sa hormonal imbalance, maaaring itong gawan ng paraan ng manggagamot na makakatulong sa kalagayan mo.
 
6. Ang pagiging kulang sa timbang (magaan)- Ang pagkakaroon ng sobrang timbang na nagiging dahilan ng irregular na buwanang dala. Ang kakulangan sa timbang ay nagiging dahilan rin upang maging irregular ito at hirap mabuntis. Ang problema sa pagkain ay nagiging sanhi ng infertility (hindi pagkakaroon ng egg cell) at pagkawala ng buwanang dalaw.
 
7. Labis na pag-eehersisyo- Malaki ang posibilidad na maging irregular ang buwanang dalaw ng babae kung labis ang pag-eehersisyo at labis ang pagdidyeta. Ang mga babaeng manlalaro ay mas malaki ang tyansa na makaranas ng infertility ng dahil dito.
 
Ilan sa mga mag-asawa ay humahanap ng tamang pagkakataon upang hindi mabuntis ang babae ng hindi sila nababahala. Huwag subukang makipagtalik kung ikaw ay fertile.
 
Hindi kailangan mag-alala kung ikaw ay hindi makapag-ovulate. Kung ikaw ay nakikipagtalik ng tatlo hanggang apat na beses sa loob ng isang linggo, malaki ang tyansa na ikaw ay nakikipagtalik sa oras na ikaw ay fertile (maraming egg cell).
 
Ang mga gamot ay makakatulong upang mabuntis kahit irregular ang regla. Kung patuloy na hindi nakakapaglabas ng egg cell, kinakailangan na ng gamot upang maging fertile at mas mapabilis ang paglabas ng egg cell. Kahit na ikaw ay nakakapaglabas ng egg cell ngunit ito ay minsanan lamang o huli ng nangyayari, kinakailangan pa rin itong gamutin.
 
Lahat ng mga babae na irregular ang regla ay nakakapagproduce ng egg cell ngunit sa iba ibang panahon. Ngunit imposibleng din na malaman nila kung kailan sila may pinakamaraming egg cell. Hirap rin matukoy nito kung sila ay nagdadalang tao dahil hindi normal ang kanilang buwanang dalaw at hindi nila alam kung kailan darating ang kanilang buwanang dalaw.
 
Ang pagbubuntis ang pinakadahilan ng pagtatalik. Sa lahat ng oras ng pakikipagtalik, lalo na ng walang proteksyon, malaki ang posibilidad na magkaroon ng sexually transmitted disease (STD). Ang paggamit ng condoms ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagdadalang tao at STDs.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
tanong ko lang po yung sitwasyon ko.. 7 months na po akong hindi nireregla, toos nagkaroon po kami ngbcintact ng bf ko, then lately napapansin ko ko po may mga nararamdaman akong mga sintomas ng pagbubuntis.. nagpt naman ako lge siyang negative. nagpaultrasound na din po aqnegative din po.. ano po kaya yun? may sakit po kaya ako?

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.