Pwede ba Mabuntis sa Withdrawal? Safe ba Magpaputok sa Labas Hinugot Hinila ari Nilabasan?

Precious Gomez
is in the Philippines Medical History

Oo, maaari kang mabuntis. Ang paraan ng paghugot o paghila ay tinatawag na withdrawal method, huwag masyadong maging kampante sa pamamaraang ito na maiwasan ang pagdadalang tao. Ngunit pwede na rin ito, kaysa walang ginagawang paraan. Maaari gamitin ito ng mag-asawang hindi inaalala kung mabuntis ang babae.
 
Kung nagagawa ng tama ang paghugot o paghila ng ari, ito ay mabisang paraan upang maiwasan ang pagdadalang tao. Ngunit marami pa din ang nahihirapan sa withdrawal method sa oras ng pakikipagtalik. Hindi ka mapoprotektahan ng withdrawal na pamamaraan laban sa sakit na STDs. Mas mabuti na gumamit ng condom, upang maiwasan ang STDs at iwas na makabuo ng bata.
 
Oras na labasan, hugutin agad ang titi bago may lumabas na semilya. Mas sigurado kung malayo ito sa ari ng babae. Gawin ito sa tuwing makikipagtalik upang maiwasan ang pagdadalang tao. Sa kada 100 babae na ginagawa ang pamamaraan ng paghugot ng ari kapag labasan, 4 dito ay nabubuntis. Medyo mahirap gawing perpekto ang pagpapalabas. Kaya sa totoong buhay, 22 sa 100 mga kababaihan ang nabubuntis kada taon dahil sa maling pamamaraan o 1 sa 5 ang nabubuntis.
 
Paano ito nangyayari?
Kung ang paghugot ng titi sa ari ng babae ay gagawin bago lumabas ang semilya, mas kakaunti ang tyansa na may pumasok rito. Ngunit hindi ito ganun kadali gaya ng mga naririnig. Kinakailangan ng lalaki na makontrol ito ng husto upang magawa sa tamang oras. Balewala ito kung hindi niya mararamdaman na malapit ng lumabas ang kanyang semilya o kung huli na bago pa niya mahugot ang kanyang ari.
 
Mga ilang paalala upang magawa ng maayos:
·         Gumamit ng spermicide
 
·         Huwag umasa sa withdrawal sa mga araw na maaari kang mabuntis (fertile). Alamin kung kailan ang mga araw na ikaw ay ligtas sa pagdadalang tao (calendar method).
 
·         Maaaring padumihin ang iyong kapareha bago magsimulang makipagtalik upang maalis ang anumang semilya na maaaring makuha.
 
·         Kung ilalabas na ng iyong katalik ang kanyang semilya, siguraduhing hindi ito mapupunta sa hita o sa singit sapagkat maaaring mapunta sa iyong ari ang kanyang semilya.
 
Mga bagay na dapat nalalaman sa pagpapaputok sa labas:
1. Kakayahan o kasanayan- Mababa ang bilang na naging epektibo ito sa karamihan dahil sa pagkakamali ng lalaki. Marami talagang lalaki ang hindi kaagad nahihila ang kanilang ari kapag lalabasan na.  Ang unang patak ng semilya na lumalabas sa ari ay ang pinakamalakas na semilya sa lahat (most loaded of sperm).
 
Tandaan, isa lamang ang sperm na kailangan upang makabuo kasama ng egg cell. Upang makasanayan ang pamamaraang ito, kinakailangan, kapag nakaramdam na ang lalaki na para bang mayroon ng lalabas, hilahin kaagad ito bago pa man tuluyang lumabas sa loob ng pepe ng babae.
 
2. Libre- Ang katotohanan sa likod ng pamamaraang ito ay walang anuman na gagastusin, ito lamang ang pakinabang rito. Sa katunayan, hindi lahat ng ginagamit na condoms at contraceptives para sa mga babae ay libre. Ngunit hindi ligtas sa pagdadalang tao, Aids, at STI o tulo. Kailangan talaga na mamili kung maliit na gastusin ngayon o malaking gastusin sa hinaharap.
 
3. Maging sigurado- Kung nagawa ito ng tama palagi, kinakailangang maging sigurado pa din sa susunod na gagawin ang pagpapaputok sa labas. Kapag hindi kabisado ang ganitong pamamaraan, mas makabubuti na agad humanap ng over-the-counter na contraceptive.
 
4. Pagdami- Dumarami ang mga lalaking gumagamit ng pamamaraang paghugo o paghila sa paglipas ng dekada. Dumoble ang bilang ng gumagawa ng withdrawal simula 9.8 % noong 2002 na naging 18.8% noong 2011 hanggang 2015.  Ayon sa pagsisiyasat, natuklasan na 23 porsyento ng mga lalaking hindi pa kasal ang gumagamit ng ganitong pamamaraan. Kung ihahambing natin, 13 porsyento lamang ng mga lalaking kasal o tapat sa kanilang asawa ang gumagamit ng withdrawal na pamamaraan.
 
Ang pagpapaputok sa labas ay hindi maaasahang pamamaraan kung ayaw mo talagang mabuntis. At hindi ka nito mapoprotektahan laban sa sexually transmitted diseases (STDs). Kaya hindi ito karapat-dapat piliin sa anumang pagkakataon.
 
Ngunit sa mga mag-asawa o magkasintahan na hindi iniisip ang tungkol sa pagdadalng tao, kapakipakinabang ang pamamaraan ng withdrawal. Ito ay madaling gawin at libre. Walang masamang epekto, at hindi kinakailangan na kumunsulta sa doktor o magpareseta.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.