Ang aerobic exercise ay mainam sa nagbubuntis at sa kanyang sanggol. Pinalalakas nito ang puso at mas gumaganda ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan.
Ang swimming o paglangoy ay magandang halimbawa ng aerobic exercise at isa sa mga pinakaligtas na ehersisyo ng isang buntis. Alamin din ang mga karagdagang benepisyo nito tulad ng:
i. Pangtanggal maga sa braso, paa, at binti - ang mga fluids sa binti o braso kapag lumalangoy ay mas natutulak pabalik sa ugat. Mula dito, tutungo ito sa bato o kidney at nailalabas sa pag-ihi.
ii. Maibsan ang sciatic pain (pananakit ng ibabang likod) - dahil sa paglutang ng katawan sa tubig, ang sentro ng presyon o bigat ay hindi pababa. Ito’y nakatutulong ma-relax ang likodang bahagi ng katawan.
iii. Nakakabawas ng pagsusuka o pagkaduwal – maraming nagsasabi na nabawasan ang kanilang pagsusuka simula nang magswimming sila habang buntis.
iv. Nakakatulong makontrol ang pagbigat ng timbang at gawing nasa normal na saklaw ng buntis
v. Mapalakas ang mga muscles at maihanda ito sa mismong panganganak.
Kung makaranas ng biglaang sakit, pagkakapos ng hininga, pagkahilo, at pagdurugo (vaginal bleeding), agad huminto sa pag-eehersisyo at magpatingin sa pinakamalapit na doktor.
PWEDE BA MAG SWIMMING ANG BUNTIS? BAWAL BA MAG EXERCISE? MERON BA MASAMA EPEKTO SA NAGDADALANG TAO AT SANGGOL?