Pwede ba magparebond o magpakulay ang buntis? Pwede ba magpagupit ang nagdadalang tao?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Bawal po ba magpa rebond  ang buntis? Pwede po ba magpakulay ang nagdadalang tao? Pwede ba magpagupit ang babae na may sanggol o baby sa sinapupunan?

Natatakot po kasi ako baka maapektuhan ang baby sa tiyan ko. Ok lang po ba magpakulay o magpa hair treatment? May nagsabi rin daw po na bawal din daw po pagupit ng buhok. Totoo po ba?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Pag gupit po ,hindi naman po bawal yun.ako nga nagpapagupit kahit buntis ako ,ok naman ako
Medical Team
is a Medical expert in United States
Ang pag-aayos ng sarili lalo na ang buhok ay likas na at hindi maaalis sa mga babae, kahit sila’y nagbubuntis. Ngunit kailangan ng isang buntis magdoble ingat sa ipapagawa nila sa kanilang buhok. Bakit? Maaari kasing may mga di ligtas na sangkap o kemikal na kasama sa mga hair treatment sa mga parlor o salon.

Ayon sa pagaaral, may mga nagsasabing ang mga buntis ay maaaring makunan dahil sa paglalagay ng labis na tina o kulay sa buhok. Mayroon din namang nagsabi na ang mga kemikal na naaabsorba o nasisipsip ng bunbunan, mula sa pagpapakulay ng buhok ay kakaunti lang at hindi makakaapekto sa sanggol. Alin kaya ang dapat sundin dito? Higit na pinapayo na maghantay ng 2nd trimester o makalipas ang labing-dalawang linggo, bago magpagawa ng kahit anong treatment sa buhok. Ito’y sa kadahilanang ang unang 3 buwan (1st trimester) ay kung saan nabubuo ang mga importanteng parte ng katawan ng sanggol o baby. Kabilang dito ang mga vital organs at muscles nito.

Kung ikaw naman ay payagan ng iyong doktor sa treatment sa iyong buhok, mas mainam na limitahan ang mga gagawin dito. Mas magandang mag pa-highlights na lang imbes sa magpakulay ng buong buhok. Sa ganitong paraan mas kakaunti ang tiyansang ma-expose sa mga kemikal na ilalagay sa buhok. Halimbawa ang keratin hair treatment at mga tinatawag na Brazilian rebond ay madalas may kemikal na formaldehyde. Maaari itong masipsip o maabsorba ng balat at sinasabing nagdudulot ito ng kanser, kapag matagal o patuloy ang pag-gamit nito.

Magandang alamin din ang mga nilalaman ng produktong ilalagay sa iyong buhok. Hanapin ang may pinakamababang ammonia at kung maaari gumamit ng produktong mas maraming natural na ingredients gaya ng vegetable dye. Mas pipiliin mo pa ba ang magandang buhok kaysa sa ligtas na pagbubuntis?

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.