Pwede ba maningil ang anak ng presidente ng assosation ng lupa?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Kung ano po ang pwede namin gawin sa lupa ng lolo ko. 65yrs na po sila nakatira doon, ngayon po ang titulo ay nakapangalan sa assosation. Patay na po yung presidente, ngayon po yung anak po ng president ang my hawak ng original copy. Hinihingian po niya kami ng 300k para ibigay ang original title para matransfer na po sa lolo ko. Pero kami po ang nagbabayad ng amilyar sa city hall. At my rights din po c lolo sa lupa na yun. My karapatan po ba ang anak na maningil ng ganun kalaking halaga kung sa assosation naman po nakapangalan ang lupa at hindi sa kanya. Ano po ang maganda namin gawin? 37sqm lang po ang lupa. Sabi po niya tumutubo daw po kaya lumaki ng ganun.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung ang anak ng Presidente ay official din ng association maaring may karapatan siyang humingi ng bayad provided ito ay ayo sa by laws ng inyong association. Dapat kayong lahat na miyembro ay magpatawag ng meeting tungkol po dito. May mga board of directors naman po siguro kayong namamahala hindi lang naman Presidente ang official ninyo sa inyong association. So sa meeting itangon po ninyo kung bakit kailangan pong magbayad ng ganung kalaking halaga para matransfer ang titulo ng lupa ng lolo ninyo. Dahil wala na ang lolo ninyo kailangan ang pagclaim ninyo ng titulo at pagprocess sa transfer ng title ay with permission sa lahat ng heirs yan. Kung talagang walang action ang inyong mga board of directors pwede po kayong maghain ng complaint sa HLURB po ng inyong lugar.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.