Pwede bang mag sampa ng kaso sa agency kung di nila kami tinulunagan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Dalawang taon kontrata pinirmahn. Pero ang kontrata na pinirmhan hinde natapos ng company. Inalis kami sa trabho pero di kami tinulungan ng agency.di nila kami hinanapan ng bagong employer. May karapatan ba kami mag samapa ng kaso sa kanila. At kunin ang ilang buwan na hinde natapos ng kontrata? 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kailangan po muna nating malaman anong pong rason at hindi natapos po ang kontrata ninyo. Ang ating batas ay may mga just or valid causes na pwede pong madismiss ang isang empleyado katulad halimbawa ng may sakit po siya, closure of business or retrenchment to prevent losses (kailangang gawin ng company para po hindi malugi) ilan lang ito sa mga just cause na pwedeng materminate ang contrata ng isang empleyado po. Dahil hindi naman po ito kasalanan ng agency pero kailangang may kaulang aksyon naman po silang gawin upang hindi naman masyadong mailagay sa alanganin ang apektadong empleyado. Pwede po kayong magpersonal demand sa kanila lalo na kung ang ganitong sitwasyon ay nakasaad sa inyong kontratang pinirmahan at sa kung ano po ang kanilang obligasyon sa inyo. Kung may tungkulin sila at ito ay hindi tinupad pwede po ninyong isumbong ito sa POEA para po mabigyan sila ng kaukulang action.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.