Pwede po ba mahawa ng virus ang dumalaw sa burol ng namatay na nakagat ng aso?

Lyn Benavice
is in the Philippines Medical History

Dumalaw po kase kami ng baby ko...sa burol ng tatay ng friend ko...hindi ko po alam na sa kagat po ng aso namatay ang tatay nya...pag dating po namin dun umupo po kami malapit sa patay...wala pong ibang taong nagbabantay kundi mga apo ng namatay...dahil nagpaturok daw po ang mga anak at asawa ng namatay...dahil sila daw ang nagbantay sa ospital...nagulat po ako bakit nagpaturok...yun pala ay dahil sa nakagat daw ng aso ang namatay at almost 1month na palang nakagat...naghain po ng merienda  ang apo ng namatay...hindi po kami kumain ng inihain nilang pagkain...after 1hr.po dumating po yung friend ko na anak nung namatay...sandali lang po kami nag-usap...after po po nun nagpaalam na po ako na uuwi na...pero sumandali po ako sa patay in seconds lang po...nag iwan ako ng kaunting pera...at umalis na po kami ng aking anak..


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Kailangan po ba magpabakuna ng anti-rabies kahit dumalaw lang sa patay...na kinagat ng aso? May masamang epekto po ba yun sa baby? Kailangan po ba syang pabakunahan ng anti-rabies?
Lily June Garcia
is a Registered Nurse in United Arab Emirates
Hi po miss anonymous, hindi po kayo mahahawa nun kasi po yung rabies po ay nasa laway nung aso at dapat po ay may open wound na nalagyan ng laway ng aso o ng tao na may rabies kaya wag po kayong mabahala dahil hindi po kayo mahahawa sa ganyang lagay. yung rabies po ay makukuha sa kagat ng aso o ng iba pang hayop na may rabies, pwede rin sa kagat ng tao na may rabies. Pwede rin ito makuha kung dinilaan ng isang may rabies na aso o hayop ang open wound. Uulitin ko po, kung pumunta lang po kayo sa burol ng namatay dahil sa rabies, hindi po kayo mahahawa o magkaka rabies sa ganyang paraan. Sana po nakatulong. Maraming salamat po.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.