Pwede po bang paalisin ang tito ko sa bahay ng lolo ko (deceased) dahil gusto na ibenta ng mga kapatid niya ang bahay at lupa ?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Naibenta na po ng tito ko ang ibang share niya sa lupa. Ipinaglalaban niya na meron pa siyang karapatan. Actually meron naman po talaga. Kaya bibigyan siya ng 300k once na naibenta na ang lupa. Yung ibang portion po pala ng lupa na naibenta niya kumita siya ng 380k pesos. Kami po pala ang buyer ngayon sa natitirang lupa. Kaya naiistress kami. Gusto namin bilhin yon at pumayag naman ang mga magkakapatid kaysa daw ibenta sa iba yung lupa. Ngayon hindi nila maibenta dahil inaangkin ng tito ko ang bahay ng lolo ko. Ipaglalanan daw niya ito sa korte. Ayaw naman po namin at ang kanyang  mga kapatid na umabot doon. Unang una mahirap, tapos matagal pa po at magastos. Magkakasakitan pa sila ng loob. Yung bahay po na yon wala naman siyang nagastos don. Nakitira lang po. Tsaka dahil ang hirap ibenta yon e nasa harapan ang bahay. At kailangan po tambakan ang lupa sa likod. Hindi po makakadaan ang truck. Ano po kaya ang magandang gawin aside po sa extra judicial and judicial settlement? Maaari po ba nilang ibenta yon tutal majority naman kahit ayaw nung isa? 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
If ayaw niya mahihirapan kayo na magpapasign ng extrajudicial partition maaring aabot talaga kayo sa court nito. Let the court give order kung paano ang hatian if yan ang gusto niya. Maaring angkinin niya ito at kayong mga heirs ay babayran niya sa value ng share if papayag kayo. If ayaw talaga ng niyang makipagsettle at ito ay ibenta ninyo sa iba maaring magpapafile po siya ng kaso dahil walang consent ang pagbenta at wala siya natanggap na consideration. Baka pwede pa pong pag usapan ninyo ito sa Barangay para atleast makaiwas sa gastos sa korte lalo na sa lawyer na hahandle sa case po ninyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Tanong ko lang din po kung maaari bang sa 5 na magkakapatid pwede po bang yung 3 lang na mag bebenta ng share nila ang pipirma sa extrajudicial settlement? Kasi po yung isa may naibenta na siyang ibang portion. At ang isa naman po ay may nakuha na siya na part at nakapag patayo na ng bahay. May proof naman po yung sa na deed of sale
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Pasensya na attorney. Ang dami kong tanong. Itanong ko lang po if pwede i-execute ang sale I mean hindi na pipirma ang tito ko as seller sa deed of sale dahil naibenta niya na ang part niya? Naka gawa po siya ng deed of sale na wala ang pirma ng mga kapatid niya. Napaka unfair naman po ata na kailangan pa ang pirma niya sa deed of sale.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming Salamat Attorney sa pag bibigay oras sa aming problema. Itanong ko lang din po sana, kung doon sa 1,745 sqm na kabuuan na lupa kasama ang ilog doon. Dati po ay maliit lang yon. Ang ginawa po ng government ay pinalalim at pinalapad po ito para sa daluyan ng tubig ng aming Baranggay. Kung papasukat (survey) po namin ulit ito kasama pa ba ang ilog sa titulo at paghahatian ng magkakapatid? O yung natitirang lupa na lamang po ang kanilang pag hahatian?

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.