SAANG BAHAGI NG MUNDO MATATAGPUAN ANG PILIPINAS? ILAN PULO ANG PINAS? UNANG MAPA NG PILIPINAS

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang Unang Mapa ng Pilipinas
Ang kauna-unahang mapa ng Pilipinas ay iginuhit ni Padre Pedro Murillo Velarde taong 1734. Siya ay isang Heswitang pari at mananalaysay. Tinulungan siya ni Nicolas de la Cruz, isang Heswitang mang-uukit sa palimbagan, na siyang nag ukit ng mga ilustrasyon sa mapa.
 
Ang mapang ito ay nakatanghal sa BGR Museum na makikita sa General Trias, Cavite. Ito ang nagsisilbing pangunahing sanggunian ng mga sumusunod na nilikhang mapa ng Pilipinas.
 
Ang mapa ay isang klaro na larawang iginuhit upang malaman ang anyo, direksiyon, hugis, nilalaman, at hangganan ng isang lugar. Malaki ang naitutulong nito upang matiyak ang wastong kinalalagyan ng isang pook, bayan, o bansa.
 
Saan Matatagpuan ang Pilipinas?
Ang Pilipinas ay nasa bahaging Timog Silangang Asya. Matatagpuan din ito sa hilaga ng guhit ekwador ng mundo.
Ang ekwador ay kathang-isip na guhit na humahati sa hilaga at timog ng daigdig.
 
Mga Bansang Nakapaligid sa Pilipinas Ayon sa Mapa
Taiwan at Tsina- Hilaga
Hapon sa hilagang- Silangan
Myanmar at Thailand- Hilagang-Kanluran
Brunei, Singapore at Malaysia- Timog-Kanluran
Vietnam- Kanluran.
 
Mga Katubigang Nakapaligid sa Pilipinas
Balintang Channel at ang Bashi Channel- Hilaga
Dagat Celebes at Dagat Sulu- Timog
Karagatang Pasipiko- Silangan
Dagat Timog Tsina o West Philippine Sea- Kanlurang
 
Mga Pangunahing Direksiyon
H (Hilaga)
T (Timog)
Sa (Silangan)
K (Kanluran)
 
Karaniwang nakikita ang north arrow na siyang palatandaan ng kinaroroonan ng Hilaga. Sa pamamagitan ng kompas mas mabilis na natutukoy kung nasaan ang isang lugar. Lagi itong nakaturo sa hilaga. Kapag nais mong matagpuan ang lokasyon ng isang pook, gawin mong batayan ang hilaga. Dito nalalaman ang lokasyon ng mga lugar na nasa timog, kanluran, at silangan. Kung walang kompas, maaaring maging batayan ang araw. Ito ay sumisikat sa silangan at lumulubog naman sa kanluran.
 
Mga Pangalawang Direksiyon
Hilagang-Silangan (HS)
Hilagang-Kanluran (HK)
Timog-Silangan (TS)
Timog-Kanluran (TK)

Napapagitnaan ng hilaga at silangan ang hilagang-silangan. Ang timog-kanluran ay nakapagitan naman sa timog at kanluran at ang hilagang-kanluran ay nakapagitan naman sa hilaga at kanluran. Laging isipin na sa pagsasabi ng pangalawang direksiyon, unang sasabihin ay ang pangunahing direksiyon.
 
Ang mundo ay may dalawang bahagi ito ay mga bahaging lupa at bahaging tubig. Mas malaking parte ang nasasakop ng karagatan kaysa sa lupa.

Ang Kapuluan o arkipelago ang tawag sa isang bansang may malalaki at maliliit na isla o pulo.
Kung titingnan mula sa kalawakan, ang mga pulo ay tila mga butil ng perlas na nakalutang sa karagatan. Ito ang rason kung bakit ang ating bansa ay tinaguriang Perlas ng Silangan.
 
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 mga pulo. Kapag dinugtong ang lahat ng mga lupain at mga kapuluan sa ating bansa, sinasabi na ito ay halos kasinlaki ng italya, España, at Britanya na may kabuuang lawak ng 301,000 kilometro kuwadrado.
 
Ang karagatan ng Pilipinas ay isa sa pinakamahaba sa buong daigdig at ito ay kakikitaan ng iba’t ibang uri ng likas na yamang siyang pinupuntahan ng madaming turista.
 
Ang Sampung Pangunahing Pulo sa Pilipinas
1. Luzon
2. Mindanao
3. Samar
4. Negros
5. Palawan
6. Panay
7. Mindoro
8. Leyte
9. Cebu
10. Bohol
 
Ano Ang Kahalagahan ng Pagiging Isang Kapuluan
Nakabubuti sa ating bansa ang pagiging isang kapuluan, dahil:

1. Ang mga katubigang nakapalibot sa kapuluan ay sagana sa yamang tubig na nagsusuplay ng kabuhayan sa maraming Pilipino. Kasama dito ang iba’t ibang uri ng isda, korales, kabibe, at perlas.

2. Dianadarayo ng mga turista ang ating mga magandang karagatang paliguan o beach resort. Dahil dito nakakatulong ito sa ating pamahalaan para sa karagdagang kita.

3. Nagsisilbing daugangan ng mga malalaking sasakyang pandagat ang ating baybayin. Ang mga barko ay nagluluwas at nagdadala ng mga produkto mula sa iba’t ibang bansa at pampasahero.

4. Nakakatulong ang sariwang hangin na nanggagaling sa mga katubigan upang magkaroon ng magandang klima ang ating bansa.

5. Naging proteksyon natin ang mga katubigang nakapaligid sa ating bansa, laban sa mga dayuhang nagbabalak sumakop sa atin.
 
Ano ang Mga Negatibo ng Pagiging Isang Kapuluan
Ang watak-watak na mga pulo ay nagreresulta ng mga suliranin sa paglalakbay, pagkakaisa, at pagkakaintindihan pati na sa mga pamumuno ng mga lider ng ating pamahalaan. Dating panahon ng digmaan, malaking suliranin para sa mga Pilipino ang hiwa-hiwalay ng mga pulo sa tuwing nagnanais silang ipagtanggol ang bansa laban sa mga dayuhang mananakop.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.