Saan kami pwede lumapit para makapagfile ng child support?

Katzumi Cavan
is a Student in Norway

Lumapit n po kami sa city hall..pina asa lang kami tapos ang ending sabi hanap nalng daw kami ng private lawyer. Di nag support since birth, promodizer ang father

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Una po ninyong gawin kung humihingi kayo ng child support is to send a demand letter sa ama ng bata. Kailangang personally mareceive po niya ito. Maari po kayong magpatulong sa opisina ng PAO or sa mga IBP offices na malapit sa inyo kung saan nagbibigay po sila ng libreng serbisyo. Maari rin po ipatawag muna sa Barangay para po makausap po ninyo ang ama ng bata. Kung talagang ayaw po na magbigay ng support after nakatanggap na po ng demand letter pwede na po kayong magfile ng petition for support or kaya kasuhan nalang po ng Violation against Women's and Children (RA 9262) ito po ay kriminal case so pwede po kayong magpatulong sa Office of the Prosecutor. Maari namang po namang kumuha ng isang private lawyer kung may kakayahan po na magbayad sa kanilang serbisyo po.
Recommend Reply Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.