Safe ba ang paggamit na dalawa condom sa pakikipagtalik?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ang huling regla ko ay noong February 12 2019. 
February 22 2019 ng siping kami ng asawa ko gamit ang condom. Ang ginawa ng asawa ko ngsuot siya ng dalawang condom para daw safe. Totoo po ba yun? Malaki po ba ang chance na di ako mabubuntis? Nitong mga nakaraan araw nakakaranas ako na pananakit ng balakang. At may lumalabas na rin na white blood na parang ihi. Senyales ba na darating na ang regla ko? Sana masagot nyo po ang katanungan ko. Salamat.

 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Hindi safe ang dalawang condom. Mas mataas ang chance na ito ay mabutas o mapunit dahil sa friction ng dalawang condom. magkikiskisan itong dalawang rubber habang nagtatalik. Mas mabuting isang condom lamang ang gamitin ngunit dapat tama ang paggamit, walang hangin sa loob at tama ang pagsuot. Hindi pa masasabi kung ang discharges mo ay senyales ng regla o pagbubuntis. Kung gusto malaman kung buntis, maaaring magsagawa ng PT 3 linggo matapos ang huling pagtatalik ninyo ng iyong asawa. Kung regular naman ang iyong regla, maaaring bantayan kung ikaw ay daratnan sa nakaschedule na dating ng regla.