Sagittarius Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Sagittarius Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Sagittarius

Puno ng pagsubok ang naghihintay sa iyo sa taong 2018. Lahat ng mga bagay ay naaayon sa iyo subalit magiging mabagal ang pagdating ng mga ito. Kailangan mo lamang habaan ang iyong pasensya upang lubos mong matanggap ang biyaya na sa iyo ay darating. Dagdag na riyan ang pagiging praktikal mo pagdating sa paghawak sa pananalapi itong taong 2018.
Ang mga Sagittarius ay magiging abala upang mapabuti ang kanilang sarili pagdating sa kakayahan o hindi kaya ay sa trabaho o negosyo. Subalit nariyan din ang suliranin tungkol sa pera kung kaya kailangan mong magdoble ingat. Kailangan mong matutong magbudget na kayang umabot sa mahabang panaho. Nariyan din ang pangangailangan mo na magtabi ng emergency fund kung sakaling may darating na hindi maganda sa iyo. Asahan din ang biglaang gastusin at dahil dito ay matututo kang maging praktikal sa paghawak ng iyong pera. Nariyan din ang pangangailangan mo na iuna muna ang mga importanteng gastusin kumpara sa mga bagay na pangluho mo lamang. Hanggat maaari ay iwasan na ang gastusin sa mga bagay o gawain na hindi naman talaga mahalaga. Nakikita sa iyong guhit ng kapalaran ang pagkakaroon mo ng problema pagdating sa paghawak ng pera. Maganda na rin itong paalala para sa mga Sagittarius na kailangan talaga nilang mag-ipon, magtipid, alisin ang mga luho, at unahin muna kung ano talaga ang kailangan para sa ikakabuti ng pang-araw-araw na gawain.
May usapin din na kailangan mong resolbahin ang isyu na umiikot sa iyong pamilya. Huwag maging padalos-dalos ng desisyon at kailangan din ng iyong partisipasyon para maging mabuti ang inyong kalagayan. Para naman sa mga Sagittarius na may-asawa, huwag mong pababayaan ang iyong kapareha dahil magiging susi ito sa maayos na relasyon at masayang pagsasama.

Buhay Pag-ibig
May posibilidad na magkaroon ng kapareha ang mga Sagittarius sa simula ng buwan ng Marso hanggang sa matapos ang buwan ng Agosto. Mga ganitong panahon din magandang magpakasal dahil paborable sa kanila ang pagposisyon ng mga planeta at bituin. Subalit mahihirapan ang mga ilang Sagittarius na suyuin ang mga magulang o mga nakakatanda ng bawat isa. Kailangan mahingi ang kanilang basbas upang maging maganda ang pagsasamahan ng buong pamilya. Sa huling bahagi ng taong 2018, nariyan ang pagsubok na darating. Maging handa ang magkapareha kung papaano lutasin ang mga isyu. Kung kinakailangang magsakripisyo o magsakripisyo ang isa sa inyo, gawin ito upang sa ikakabuti ng kanilang relasyon at ng kanilang pamilya.

Buhay Karera

Ang mga propesyunal ay mabibiyaan ng magagandang proyekto sa pagpasok ng taong 2018. Para sa mga negosyante at may mga trabaho, magiging kumportable na kayo sa kalagayan na tinatamasa ninyo ngayon. May mga trabaho din na iaatas o gagampanin ninyo at nararapat na gawin ito nang buong husay dahil ito ay magdadala sa inyo sa inaasam ninyong tagumpay.
Masusukat ang iyong katalinuhan at kakayahan sa anumang ipapagawa o gagawin ninyo sa taong 2018. Gawin ito nang tama at ibuhos ang iyong buong galing. Magsisilbi itong tulay upang makamit ang iyong ninanais na tagumpay. Maganda ang taong 2018 para sa mga Sagittarius na gustong umangat ang buhay karera o sa kanilang propesyon.

Buhay Pinansyal
Magiging mailap ang pagyabong ng pananalapi ang taong 2018 para sa mga Sagittarius. Dahil dito sa mga hindi pag-ayon sa pagposisyon ng mga planeta at mga bituin sa kanilang kapalaran. Nariyan din ang pangangailangan ng pag-iingat at sa mga gastusin na hindi inaasahan. Pinapayuhan ang mga Sagittarius na kailangan nilang mag-impok at magplano para sa mahabang panahon upang hindi maging hikahos ang 2018 para sa kanila. Matatagumpayan pa rin ng mga Sagittarius ang pagsubok na ito dahil matututo silang maging praktikal at humawak ng kanilang pera.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Shirley Peralta
is in the Philippines
Makakarating po ba ako ng Germany pinanganak po ako December 8.1970
Recommend Reply Report abuse

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.