SAKIT SA LALAMUNAN: MABISA HALAMANG GAMOT SA NAMAMAGA SORE THROAT TONSILITIS PHARYNGITIS LARYNGITIS

Medical Team
is a Medical expert in United States

ANO MABISANG HALAMANG GAMOT SA PAMAMAGA NG LALAMUNAN O SORE THROAT?
 SAKIT SA LALAMUNAN: MABISA HALAMANG GAMOT SA NAMAMAGA SORE THROAT TONSILITIS PHARYNGITIS LARYNGITIS
Nagdudulot ng sakit, iritasyon, o pangangati, ang pamamaga ng lalamunan. Maaaring mahirapan kang lumunok ng pagkain at likido, at ang sakit ay maaaring lumala pa kapag sinusubukan mong lumunok agad. Maaari ka ring magkaroon pa ng iba pang mga sintomas tulad ng tuyong lalamunan, pamamaga sa leeg, puting tagpi sa mga tonsils, at pagkapaos.

Paguusapan natin sa videong ito ang iilang mabisang halamang gamot, na kahit sa kusina ay makikita mo, at hindi na kinakailangan ng reseta ng doktor.
Ano mga Dahilan o Sanhi Ng Namamagang Lalamunan? Causes
Bago ang lahat, importanteng malaman ang sanhi ng pananakit o namamagang lalamunan, upang matukoy ang ugat ng problema, masolusyonan at hindi pabalik balik ang sakit.
Mayroon ilang mga kadahilanan ng namamagang lalamunan:
- Viral na impeksiyon. Ito ang mga impeksiyon na dulot ng virus, tulad ng sipon at trangkaso.
- Bacterial na impeksiyon. Ang mga uri ng impeksiyong ito ay kinabibilangan ng strep throat, diphtheria, at whooping cough.
- Mayroon ding mga kadahilanan mula sa kapaligiran. Hindi lahat ng sore throats ay viral o bacterial. Mayroong iba pang mga kadahilanan ng sakit sa lalamunan. Halimbawa, kung ikaw ay may allergy sa amag, pet dander, pollen, o iba pang mga irritants, maari kang magkaroon ng post-nasal drip. Nagdudulot ito ng pagdami ng plema sa likod ng iyong lalamunan. Maaaring, makairita ito sa iyong lalamunan at maging sanhi ng sakit o pamamaga.
- Pwede ring magdulot ng sore throat ang tuyong hangin.
- Ang paninigarilyo ay maaari ring magdulot ng pamamaga ng lalamunan. Pati na rin ang pagsigaw at matagal na pagsasalita.


Babala
Karamihan sa mga sore throat ay hindi mapanganib. Ganunpaman, magpakunsulta sa duktor kapag tumagal pa kaysa sa isang linggo ang iyong sore throat at kung nakakaranas ka ng mga sumusunod:
- Kahirapan sa paghinga
- Pananakit ng kasukasuan
- Kahirapan sa paglunok
- Sakit sa tainga
- Mga pantal
- Lagnat na mahigit pa sa 38 degrees centigrade
- Plema o uhog na may dugo
- Pagbabara ng lalamunan
- Pagkapaos na nagtatagal ng higit pa sa dalawang linggo

 
Ano pinakamabisang gamot sa pamamaga ng lalamunan?
Bagamat, maaaring hindi kinakailangan magpatingin sa doktor kung ang pananakit ng lalamunan, ay hindi malala, sagabal ito sa ating gawain, at pati narin sa pagtulog.
May mga halamang gamot na makakatulong upang pagalingin ang sore throat at hindi na kinakailangan uminom pa ng anti-biotics. Ang iilan pa nga sa mga ito ay makikita mo mismo sa iyong kusina:
1.      Pagmumog ng mainit-init na tubig na hinaluan ng asin
Ayon sa mga doktor, isa sa pinaka-epektibong halamang gamot sa tonsilitis ay ang pagmumog ng tubig na hinaluan ng asin. Nakakaginhawa ang paginom nito at pinapatay nito ang mga germs sa lalamunan. Nakakabawas rin ito ng pamamaga.

Maghalo ng isang kutsarita ng asin sa mainit na tubig. Imumog ng mga isang minuto pagkatapos ay iluwa ang tubig. Wag inumin ang tubig.
 

2.     Pag-inom ng mainit-init na likido, tulad ng tsaa, sopas, at tubig. Nakakatulong ang paginom ng mainit na inumin tulad ng tsaa, para mabawasan ang pananakit ng lalamunan. 
 

3. Raw honey o pulot pukyutan - Isang natural na antibiotic ang honey o pulot pukyutan. Mayroong anti-bacterial properties ang honey na nakakapatay sa mga germs at impeksiyon. Maaring rin ihalo ito sa maiinit na tsaa, atsaka inumin.

Babala: Tandaan na ang honey ay hindi dapat pinapainum o pinapakain sa mga batang…isang taong gulang pababa.
 
4. Turmeric - Ang turmeric ay may antibiotic action at anti-inflammatory effect. Nabibili ito na pino na sa supermarket o may nabibili ring mga capsules sa heath food stores.


Pinapayuhan na ihalo ang kalahating kutsarita ng turmeric at kalahating kutsarita ng asin sa isang basong mainit na tubig. Imumog ito tuwing umaga at gabi. Epektibo raw ito sa pagtanggal ng pamamaga, lalo na bago matulog.
 
5. Garlic o Bawang - Ang pagsipsip rin ng garlic o bawang ay makakatulong sa pag-gamot ng sore throat dahil sa antibacterial properties nito. Kailangan lang ay mag-toothbrush pagkatapos gawin ito.
 

6. Luya o Ginger – Kilala ang luya sa benepisyo sa kalusugan. Pinapa-galing ng luya ang iyong namamagang lalamunan dahil sa taglay nitong anti-inflammatory at anti-bacterial activities, na nagpapatibay ng ating katawan laban sa mga germs. Iba’t ibang paraan ang paggamit ng luya. Isa sa pinaka-epektibo at madali ay, ang pagbalat, at pagnguya, ng sariwang luya. Pwede ring ihalo sa tsaa, atsaka inumin.


Nabibili ang luya sa mga palengke at binabalatan ito, bago kinakain. Pwede mong nguyain ng nguyain hangang mapiga, atsaka mo iluwa. O pwede ring lunukin ito pagkatapos. Ngumuya ng mga 2 o 3 beses sa isang araw.
 
 
Paano Maiwasan Ang Sore Throat?
May ilang mga hakbang na maaaring makatulong sa iyo upang maiwasan ang impeksiyon sa hinaharap.
-  Ang paghuhugas ng iyong mga kamay ay pumapatay ng mga mikrobyo. Ang karagdagang mga hakbang na maaari mong gawin upang maiwasan ang namamagang lalamunan ay:
- Huwag ipahiram o hayaang gamiting ng iba ang iyong baso sa pag-inom.
- Gumamit ng mga hand sanitizers kung walang sabon at tubig.
- Limitahan ang paghawak sa mga gamit sa labas o sa publiko.
- Bawasan ang exposure sa mga allergens, tulad ng mga alikabok, at mga amag.
- Pag-iwas sa mga irritants, tulad ng usok ng mga kemikal.
- Iwasan rin ang mga sigarilyong usok.
 
WeMD. (2019 April 2). Sore throat causes. Retrieved from: https://www.webmd.com/cold-and-flu/understanding-sore-throat-basics
 
Mayo Clinic. (2020, February 1). Sore throat. Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sore-throat/symptoms-causes/syc-20351635
 
Healthline. (2017 September 27). Sore throat 101. Retrieved from: https://www.healthline.com/health/sore-throat
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)