Sana po matulungan nyo ako, nabagabag na aking isipan dahil sa lab result ko?

Zay A
is in the Philippines Medical History

Sana po matulungan nyo ako, nabagabag na aking isipan dahil sa lab result ko?
Una po sa lahat gusto ko po manghingi ng advice sa mga doctor pang kalusugan. Sana'y matulungan po ninyo ako.

Sumasakit po ang aking tagiliran/balakang, nagpa doctor po ako at sabi po ng doctor magpa lab po ako. So eto na po nakuha ko na ang resulta ng lab ko. Mataas po yung sugar, uric at creatinine ko. Ang sabi po ng doctor sakin hindi niya daw ako muna bibigyan ng gamot. Mag try daw po muna ako mag low-carb saka ako bumalik at magpa lab ulit after 2-3months daw po. So ako po natatakot ako sa mangyayare sa akin lalo nat mataas po yung creatinine level ko, sabi po kasi ng hipag ko nakamamatay daw po pag mataas yung creatinine saka uric. Sa mga butihing doctor sana po matulungan nyo ako kung ano ang dapat kong gawin para bumaba yung creatinine at uric, may pa kirot pa rin sa tagiliran. Ayoko pa po mamatay, ayoko din po ma dialysis(wag naman po sana) Please Tulongan nyo naman po ako sa aking sakit. Maraming salamat. 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Mataas ang iyong blood sugar, creatinine at cholesterol. Unang una mo dapat imodify ang iyong diet or ang mga iyong kinakain. bwasan ang matatamis, maaalat at mamantika na pagkain. Gayon din ang mga meat lalo na ang matataba. Kumain ng maraming gulay at mag ehersisyo. Ugaliin din na sapat ang iyong pahinga or tulog at hindi napupuyat. Mas mabuti rin na magkaroon ng monthly check up ng iyong laboratory upang masubaybayan ang progress ng iyong mga lab results kung ito ba ay magbabago.