Sapat bang ebidensya ang pirma sa notebook pagdating sa bentahan ng lupa?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Araw po. Gusto ko lamang pong sumangguni sa inyo dahil kami po ay ginigipit ng buyer ng aking byenan sa lupang iniaward sa kanila ng DAR. Sa tax declaration po ay nakasaad na beneficiary ang kuya ng byenan ko pero nung ito po ay namatay ay binigay ito sa kanya ngunit hindi na po nagawang asikasuhin sa pagpaparehistro. Ibinenta po ito ng byenan ko sa isang bbaeng nagpapautang ng 5 6 sa halagang 300 thousand, na ginawang hulugan ng buyer nang walang maayos na kasulatan. Basta kapag nagbabayad sila ng 50k ay pinapupunta nila ang byenan ko sa bahay nila para papirmahin sa isang notebook at iyon po ang ipinapanakot nila sa amin na katibayan daw po na binayaran nila ang lupa. Sa kalagitnaan po ng bayaran, nakapaghulog na po sila ng 225k at ito po ay 6 years ago, umatras po sila at sinabing ayaw na nila ang lupa dahil matagal pa daw ang proseso ng pagpapatitulo. Ibalik na lang daw po namin ang perang binayad nila. Wala po silang maski anong papel na hawak maliban sa vicinity map at yung notebook na pinirmahan ng byenan ko kada kukuha siya ng cash sa kanila.
Nag ipon po ang byenan ko para mabuo ang 225k na binayad nila pero nung pumunta sila sa bahay ng buyer ay ayaw na din nila itong tanggapin at gusto daw po nila 275k ang ibalik dahil matagal daw po bago naibalik ang refund, kung ipinautang daw nila ito sa 5 6 ay malamang na tumubo ito kaysa natulog ng matagal sa kamay ng byenan ko. Sinindak po nila ang byenan ko para makapirma sa isa na namang notebook na nakalagay na ibabalik ng byenan ko ang pera sa kanila na 275k within 75 days at kung hindi matutupad ay ito ay forbidden na. Pumirma po ang byenan ko sa takot sa kabila ng walang kaalam alam ang asawa ko na siyang tagapagmana sana ng lupa.
Ngayon po ginigipit kami ng buyer at ipinipilit na kami daw ang umatras at papatayuan na daw nila ng bahay ang lupa, ibibigay daw nila ang kulang na 100k pero ibabawas na nila doon ang tubo sa refund nila. Ayaw po nilang pumayag na hindi na iyon for sale dahil nakapagbayad n daw po sila. Matibay na ebidensya po ba ang mga kasulatang hawak nila? Wala po silang deed of sale o notarized na formal agreement. Nagharap po kami sa baranggay ngunit hindi po kami pinakinggan ng baranggay at sila ang pinanigan. Salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.