Scorpio Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Scorpio Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Scorpio

Ang mga Scorpio ay magiging masigasig sa pagpasok ng taong 2018. Isantabi muna ang mga matatayog na pangarap at tiyakin na panatilihing nakaapak sa lupa ang iyong mga paa. Maging mapagkumbaba dahil ito ang magiging susi upang magtuloy-tuloy ang mga magagandang oportunidad na papasok sa iyo sa taong 2018.
Base sa mga galaw ng mga planeta at mga bituin, nariyan ang magandang oportunidad upang palaguin ang iyong sarili. Subalit, nariyan din ang pangangailangan na maging maingat at maging praktikal dahil kailangan mo ang mga ito upang banayad at tuloy-tuloy ang iyong pag-asenso. Kung may ninanais kang gawin, kailangan mong magplano nang mas maaga at masusing gawin ang mga plano upang maging matiwasay ang tagumpay na iyong makakamit. Matatamasa mo ang tamis ng buhay sa pagsapit ng buwan ng Agosto.

Buhay Pag-ibig
Magiging kapana-panabik at puno ng iba’t ibang karanasan ang buhay pag-ibig ng mga Scorpio. Asahan na rin ang may halong kalungkutan at kasiyahan sa iyong relasyon. Magiging mainit muli ang romansa subalit mayroon din nakikitang pagsubok sa tatag ng iyong pagsasamahan.   
May tsansa rin na magkakaroon na ng nobyo o nobya ang mga single na Scorpio sa taong 2018. Kung kayo ay magkakatuluyan, malaki din ang tsansa na mahaba ang iyong pagsasamahan. Sa madaling salita, kung ang mga single na Scorpio ay makakahanap na kapareha sa taong 2018, malaki ang posibilidad na sila ang magkakatuluyan. Asahan na rin ng mga single na Scorpio sa 2018 na sila ay magkakaroon na mainit na romansa sa kanilang iniibig.
Sa mga may partner o kasal na Scorpio, asahan na magiging maganda ang taong 2018 para sa inyo. Kung balak din nilang magpakasal, maganda din ang taong 2018 para sa kanila dahil malabo ang pagkakaroon ng hiwalayan sa kanilang magiging asawa.
Sa kabuuan, magiging mabuti ang buhay pag-ibig ng mga Scorpio sa taong 2018. Sila man ay single o may kapareha. Gamitin din ang pagkakataon nito upang maging motibasyon sa pang-araw-araw na gawain.

Buhay Karera
Para sa mga nag-aambisyon na umangat ang kanilang buhay karera, asahan ang maraming pagsubok upang makamit ito. Nararapat na maging buo ang iyong loob at bukas ang iyong isipan upang maging banayad at matagumpay ang mga bagay na ipapagawa sa iyo.
Asahan ang bugso ng mga gawain sa kalagitnaan ng buwan ng Marso. Nariyan ang iyong pagmamadali upang matapos ang lahat ng iyong gawain. Ang iyong boss ang magtutulak sa iyo na tapusin nang maaga ang mga dapat tapusin at kailangan pataasin ang iyong perpormans sa trabaho. Huwag magpakapagod sa mga gawaing ito at panatilihin na maging mapagkumbaba kung ikaw ay pinupuri dahil sa maganda mong perpormans. Kung ikaw ay makikipag-usap sa iyong boss, maging mahinahon at huwag magtaas ng boses. Nakasalalay sa iyong boss at ng iyong magandang perpormans ang pag-angat ng iyong buhay karera.

Buhay Pinansyal
Ang paggalaw ng planetang Jupiter ay siya rin pag-usad at pagyabong ng estado ng iyong pinansyal. Samakatuwid, tuloy-tuloy ang pagyabong ng iyong pera. Nakikita rin na titibay ang buhay pinansyal sa mga Scorpio sa taong 2018.
Kasabay ng pagyabong ng iyong pananalapi ay siya ring pagtaas ng gastusin ng pangangailangan ng iyong pamilya. Nakikita rin na madadagdagan ang iyong gastusin dahil may hindi inaasahang tao na darating sa iyo. Magiging problemado ka dahil sa pagbudget ng iyong pananalapi. Sa kabilang banda, matatamasa mo naman ang tamis ng iyong pagsasakripisyo sa huling bahagi ng taong 2018.
Magiging abala ka rin sa pagplano kung papaano mo palalaguin ang iyong pera. Subalit, nakikita sa iyong kapalaran ang pahamak ng maling pamumuhunan sa unang bahagi ng taong 2018. Maging maingat sa paglabas ng pera sa mga panahong ito. Hanggat maari ay huwag munang maglabas ng pera at hintayin ang tamang pagposisyong ng mga planeta at bituin. Magandang tiempo na mamuhunan o hindi kaya ay bumili ng ari-arian sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo. Gamitin ang pagkakataon na ito kung ninanais mong mamuhunan o bumili ng ari-arian dahil paborable ang pagposisyon ng mga planeta at mga bituin sa mga Scorpio. Sunggaban agad ang magandang oprtunidad subalit kailangan mo rin samahan ng pag-iingat at detalyadong plano.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.