Senyalis po ba dugo sa pagdumi sa sakit na cancer?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Sana kung ano po dapat gawin kasi po yung kalive in partner ko dumudumi ng puro dugo po. kapag dumudumi siya talagang dugo. PLS PO TULONG naman. Ayaw niya kasi magpatingin sa doctor nata2×kot siya. Nahihilo siya at madaling mapagod doc.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Maaaring siya ay may problema sa kanyang lower intestinal tract. sa large instestine or sa rectum. Maraming maaaring dahilan ang pagdumi ng dugo, maaaring siya ay may bukol sa loob ng tiyan, o almuranas sa loob ng rectum, o di kaya ay bowel inflammatory disease. Hindi ito maaaring isawalang bahala. Kailangan na siya ay personal mismong magpasuri sa doktor. Upang malaman kung makita mismo at masuri ang dahilan ng pagdurumi niya ng dugo. At malapatan ng agarang lunas. Siya ay nahihilo marahil ay nakukulangan na siya ng dugo o pula sa dugo dahil sa kanyang pagrurumi nito. Dalhin agad sa pinakamalapit na doktor o center sa lalong madaling panahon