Bakit 1 day regla lang ako pagkatapos manganak? Bakit di pa ako dinadatnan 7 months after ko manganak?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

September last year po ako nanganak. Nitong February nagka regla po ako, pero 1 day or overnight lang siya. Until now di pa din po ako dinadatnan. Any reason po kaya?March at hanggang ngayon po di pa rin ako niregla. Naka 3x PT naman na po ako negative naman po . Breastfeed po si baby hanggang ngayon .

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines

Kung kayo po ay "Exclusive Breastfeeding" (ibig sabihin ay sa suso ng ina lang nakadepende ang isang sanggol at walang halong pagdede sa bote o kahit na paginom ng tubig ng sanggol) sa inyong sanggol, maaari pong ang inyonog nararanasan ay "Lactational Amenorrhea".

Ang "Lactational Amenorrhea" ay isang pangyayari kung saan ang isang bagong panganak na ina na ekslusibong nagpapasuso sa kanyang sanggol ay hindi dinadatnan ng kanyang regla sa loob ng anim na buwan o higit pa. Ang ekslusibong pagsuso ng sanggol sa kanyang ina ang pumipigil sa mga "hormone" (natural na kemikal sa katawan) na sanhi ng pagkakaroon ng regla.

Normal na maranasan ang "spotting" o malimit na pagdurugo dahil sa mga pagbabago ng hormone sa katawan ng isang inang bagong panganak.

Narito ang isang artikulo na maaari mong basahin upang magkaroon ng ideya at kaalaman tungkol sa lactational amenorrhea.

https://www.healthline.com/health/parenting/spotting-while-breast-feeding

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.