Ang bilis ng panahon sa kasalukuyan. Mabilis lumaki ang mga bata. Napatunayan na malaki ang impluwensya sa kanila ng telebisyon. Sa mga murang edad pa lamang ay meron na silang crush o nagkakagusto na sila. Malaki din ang mga naging impluwensya nila sa teknolohiya gaya ng gadgets at social media. Imbes naglalaro sila ng mga bahay bahayan, taguan, piko, tumbang priso, sungka at iba pa, inaatupag nila ang panunuod ng telebisyon at paglalaro ng mga gadget.
Nakakalungkot man isipin pero totoo. Minsan lang sila maging bata, ngunit hindi nila naranasan ang tamang salitang musmos. Maging handa sa pagdadalaga at pagbibinata, ngunit huwag madaliin ang sarili. I-enjoy ang pagiging bata ika nga.
Ayon sa pag-aaral mas maunang magdalaga ang mga batang babae kesa sa pagbibinata ng mga batang lalaki. Ngunit, bata pa rin silang ituring ng kanilang mga magulang. Hindi sila matawag na bata, pero hindi pa din naman sila mga dalaga at binata. Dahil sa ganitong pangyayari, nalilito na din ang mga matatanda o kahit sila sa sarili kung paano sila tratuhin.
Binatilyo- Ang tawag sa lalaking nagbibinata. Oras na nagpatuli na ang lalaki, ipinapahiwatig nito na siya ay binatilyo na.
Dalagita- Ang tawag sa babaeng nagdadalaga. Oras na siya ay datnan ng buwanang dalaw o mestraution, masasabi na siya ay dalagita na.
Betweeners - Ito ang tawag sa mga dalagita o binatilyos sa ingles. Dahil sa kanilang alanging gulang, alanganing bata at alanganing matanda.