Sino nga ba si Gliceria Marella-Villavicencio sa mga Pilipino?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines


Halos lahat ng mga kabataan kapag tinanong kung sino ang mga bayani sa Pilipinas ang kanilang sagot ay si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Melchora Aquino at iba pang mga sikat. Ngunit, sa bawat sikat na mga bayani na laging tinatalakay sa paaralan mayroong mga hindi nakikilala na mga bayani na nalimot na sa kasaysayan. 

Isa sa mga nalimot na bayani ay si Gliceria Marella-Villavicencio, ipinanganak noong Mayo 13, 1852 at namatay noong Setyembre 28, 1929. Isa sya sa mga nag-ambag ng kaniyang buhay talino, at katapangan para sa bayan.



Si Doña Gliceria Marella-Villavicencio ay kilala din bilang si Aling Eriang. Mayaman ang angkan ng pamilya ni Gliceria at kilala siya bilang tumulong sa mga nag-aaklas noong Rebulosyong Pilipino gamit ang kanyang kakayahan, oras, yaman, at lakas. Nakilala siya bilang bayani ng Himagsikan, isang masigasig na tagahanga at tagasuport para sa kalayaan sa panahon ng kolonyal noong panahon ng mga Kastila. Dahil sa kanilang kaugnayan sa rebolusyon, pilit na pinasok at hinalughog ang kanilang tahanan. 

Ibinigay niya ang kanyang bahay, barko, at buusan kay Hen. Emilio Aguinaldo. Ang barkong ipinagkaloob niya sa mga hukbo ng Pilipinas ay ang kauna-unahang barkong pandigma ng mga rebolusyunaryo. Nag-ambag din sila ng kanyang asawa ng 18,000pesos kay Rizal noong 1892 bilang suporta sa pamahalaan.

Pinilt ng mga Kastila na ibunyag ni Gliceria ang lahat na mga impormasyong nalalaman tungkol sa mga Katipunan kapalit ng paglaya ng kanyang asawa, ngunit matigas siyang tumanggi. Namatay ang kanyang asawa sa piitan dahil sa labis na panghihina ng katawan. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin ni Gliceria ang kanyang taos-pusong pagtulong sa mga hukbo.

Ginawaran siya ng titulong Madrina-General de las Fuerzas Revolucionarios (Inang Heneral ng Puwersang Rebolusyonaryo) noong Hunyo 12, 1898.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.