Sino po ang may karapatan sa lupa na pinahiram ng bangko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nais ko lamang pong magtanong para may patunay ako sa Lola ko kasi hindi po siya kombensido sa aking sinasabi patungkol sa kaniyang Issue.

Taong 1989 nang isanla ng pinsan ng lola ko ang lupa na pahiram ng bangko sa kaniya. Ang kaniyang pinsan ay nag-iwan ng sulat patungkol sa kanilang kasunduan na kapag hindi na niya ito natubos ay wala na siyang habol. Subalit ang sulat ay naka-address/naka-pangalan sa isa pa nilang pinsan naa sa ngayon ay yumao na. Simula nang maisanla sa lola ko ang lupa, sila na ang nagbayad ng lupa sa bangko at nagbayad ng tax katulong ang anak ng namayapa nilng pinsan. Sa makatuwid, ang nagbayad at nag-asikaso na ng lupa ay lola ko at pamangkin niya (anak ng nakapangalan sa sulat) at ni minsan ay hindi nagbayad at hindi tinubos ng nagsanla. Sa ngayon, tapos ng bayaran ang lupa at tanging tax na lang nito ang binabayaran taon-taon. Subalit kahit tapos ng bayaran ang lupa ng lola ko ay hindi pa niya nakukuha ang titulo na dapat sa kaniya na nakapangalan dahil kailangan pa raw ng Valid ID ng nagsanla/nakapangalan sa lupa ng pinahiram ng bangko.

Ang tanong ko po;

(1) May karapatan pa po ba 'yung nagsanla?

(2) Maaari pa po ba niyang mabawi ang lupa tutal sa kaniya naman pinahiram noon subalit hindi naman siya ang nagbayad?

(3) Makukuha po ba ng nagsanla 'yung titulo ng lupa/bahay kahit wala sa kaniya ang resibo ng mga pinagbayaran sa bangko?

(4) May iba pa po bang paraan kung paano makukuha ng lola ko ang titulo ng lupa without the required valid id po ng nakapangalan sa bangko?

Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking mga katangungan. Maraming Salamat po!


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.