Sintomas na Anemic: Maputla, Kulang sa Dugo? Ano Gamot sa anemia?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang Iron-deficiency anemia ay isang pangkaraniwang uri ng anemia – isang kundisyon kung saan ang dugo ay walang sapat na bilang ng malulusog na red blood cells. Ang red blood cells ang responsable sa pagdadala ng oxygen sa iba’t ibang tissues ng ating katawan.
Sintomas na Anemic: Maputla, Kulang sa Dugo? Ano Gamot sa anemia?
Kagaya ng sinasaad sa pangalan, ang iron deficiency anemia ay dahil sa kakulangan ng sapat na iron sa dugo. Dahil dito, ang taong may iron deficiency anemia ay madalas hirap sa paghinga at mabilis na mapagod.

Maaaring gamutin ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag inum ng iron supplements. Minsan, kinakailangang dumaan sa karagdagang pagsusuri o paggagamot ang tao na mayroong iron deficiency, lalo na kung ang doktor ay may hinala na ang pasyente ay mayroong pagdurugo sa loob ng katawan.
 
Mga Sintomas
 Sa simula, maaring hindi mabigyang pansin ang iron deficiency anemia dahil sa banayad na mga sintomas nito. Pero sa katagalan ng panahon na kinukulang ng iron ang dugo at lumubha ang anemia, ang mga palatandaan at sintomas ay magiging matindi.
Ilan sa mga palatandaan at sintomas ng iron deficiency anemia ang mga sumusunod:
1.     Matinding pagkapagod
2.     Panghihina
3.     Pamumutla
4.     Pananakit ng dibdib, mabilis na pagtibok ng puso o hirap sa paghinga
5.     Pananakit ng ulo, pagkahilo
6.     Panlalamig ng kamay at paa
7.     Pamamaga ng dila
8.     Marupok na mga kuko
9.     Hindi pangkaraniwang paghahangad ng hindi tamang mga pagkain gaya ng yelo, dirt o pagkain na puno ng starch
10.  Kawalan ng gana sa pagkain, lalo na sa mga bata at sanggol na me iron deficiency anemia
 
Kailan kailangang kumunsulta sa doktor
Kapag ikaw o ang iyong anak ay nakikitaan ng mga nabanggit na palatandaan o sintomas, kumunsulta agad sa doktor. Ang iron deficiency anemia ay hindi madaling masuri o magamot sa simpleng pag inom ng supplements. Kailangang kumunsulta sa doktor para sa tamang diagnosis. Ang hindi tamang pag inom ng iron supplements ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan dahil ang sobrang iron ay nakakasira ng atay at nagdudulot ng ibang kumplikasyon.
 
Mga Sanhi
Ang iron deficiency anemia ay nangyayari kung ang katawan ay walang sapat na supply ng iron para gumawa ng hemoglobin. Ang hemoglobin ang bahagi ng red blood cells na nagbibigay ng pulang kulay sa ating dugo at nagbibigay ng kakayanan sa red blood cells para magdala ng oxygen sa buong katawan.
 
Kung hindi sapat ang pagkunsumo ng pagkain na mayaman sa iron, o mayroong labis na pagdurugo, mawawalan ng kakayanan ang katawan na gumawa ng hemoglobin, at hindi malayong magkaroon ng iron deficiency anemia.
 
Mga sanhi ng iron deficiency anemia :
 
1.     Pagkawala ng dugo - Ang red blood cells sa ating dugo ay naglalaman ng iron. Ibig sabihin, sa bawat pagdurugo, mayroong iron na nawawala sa katawan. Ang mga kababaihan ay may malaking peligro na magkaroon ng iron deficiency anemia dahil sa pagkawala ng dugo sa buwanang menstrual period. Ang matagalang pagkawala ng dugo dulot ng mga condition gaya ng peptic ulcer, hiatal hernia, colon polyp or colorectal cancer, ay nagdudulot ng iron deficiency anemia. Ang gastrointestinal bleeding ay nagreresulta sa madalas na pag inum ng pain reliever, lalo ng aspirin.
2.     Kakulangan ng iron sa diet - Ang katawan ay natural na nakakakuha ng iron sa mga pagkain. Kung hindi kumakain ng mga pagkain na mayaman sa iron, malaki ang posibilidad na maging iron-deficient. Karne, itlog, mga berde at madahon na gulay at mga pagkain na fortified ng iron ang mga halimbawa ng iron-rich na pagkain. Kailangan ng mga bata at sanggol ang iron sa pagkain para sa kanilang tamang paglaki.
3.     Kawalan ng kakayanan na mag absorb ng iron - Ang iron mula sa mga pagkain ay dumadaloy sa dugo at na-aabsorb sa maliit na bituka, kung kaya’t ang mga sakit na may kinalaman sa parte na ito ng bituka, gaya ng celiac disease, ay nakakaapekto sa pag absorb ng iron at maaaring tumuloy sa iron-deficiency anemia. Kung kayo ay naoperahan at nabawasan ng maliit na bituka, ito may maaaring makaapekto sa pag absorb ninyo ng iron at iba pang nutrients.
4.     Pagbubuntis - Maaaring kulangin sa iron ang isang nagbubuntis kung hindi siya iinum ng iron supplements. Mataas ang pangangailan niya ng iron para sa sariling pangangailangan at sa supply ng hemoglobin ng bata sa kanyang sinapupunan. Kung hindi siya iinum ng iron supplements, maaari siyang magkaroon ng iron deficiency anemia.
 
Risk factors:
 
1.     Kababaihan - Dahil ang mga babae ay natural na nababawasan ng dugo dahil sa buwanang menstrual period, mas malaki ang panganib na magkaroon sila ng iron deficiency anemia.
2.     Sanggol at mga bata - Ang mga sanggol na pinanganak na may mababang timbang,  pinanganak na kulang sa buwan, o hindi napapainom ng breast milk o formula, ay may panganib na magkaroon ng iron deficiency. Kailangan ng mga bata ng iron para sa tamang paglaki kung kaya’t may panganib na magkaroon sila ng anemia kung hindi masustansya ang pagkain na kinakain.
3.     Vegetarians - Ang mga tao na umiiwas kumain ng karne ay may malaking tsansa na magkaroon ng iron deficiency anemia, kung hindi sila kakain ng ibang iron-rich foods.
4.     Madalas na blood donation- Ang madalas na pagdodonate ng dugo ay nakakabawas ng malaki sa iron supply ng katawan. Ang mababang hemoglobin na resulta ng pagdodonate ng dugo ay maaaring ayusin sa pamamagitan ng pagkain ng iron-rich foods. Kung makakitaan ng mababang hemoglobin level at pinagbawalan na mag donate ng dugo, kumunsulta sa doktor upang malaman ang kailangang gawin.
 
Mga Kumplikasyon
Ang mga banayad na kaso ng iron deficiency anemia ay walang masyadong kumplikasyon pero kung ito ay magtagal na hindi mabigyan ng atensyon at lunas, maaaring mauwi sa isang seryoso na health condition, gaya ng mga sumusunod:
 
1.     Heart problem - Ang matagal na iron deficiency anemia ay maaaring maging sanhi ng mabilis na pagtibok ng puso o iregular na heartbeat. Ang puso ay kinakailangang mag pump ng mas maraming dugo para habulin ang kakulangan ng oxygen sa katawan ng mga anemic. Ito ay nagreresulta sa paglaki ng puso (enlarged heart) o heart failure.
2.     Problema sa pagbubuntis - Ang malubhang kaso ng iron deficiency anemia ay nauugnay sa kaso ng mga low birth weight babies o premature births. Maaaring iwasan ito sa pamamagitan ng pag inum ng iron supplements ng mga nagbubuntis na parte ng kanilang prenatal care.
3.     Problema sa paglaki - Maaaring maging sanhi ng delayed na paglaki at development ng mga sanggol at bata ang malubhang iron deficiency anemia. Ito rin ang isang dahilan sa mataas na kaso ng infections sa mga bata.
 
Pag-iwas: Paano maiwasan maging anemic?
 
1.     Maaaring maiwasan ang iron deficiency anemia sa pamamagitan ng pagpili ng iron-rich foods.
Halimba ng mga ito ay mga sumusunod:
a.     Karne na galing sa baka, baboy o manok
b.     Pagkaing dagat (seafood)
c.     Beans
d.     Mga berdeng gulay gaya ng spinach
e.     Dried fruits gaya ng pasas (raisins)
f.      Iron-fortified cereals, tinapay at pasta
g.     Gisantes (peas)
 
Ang karne ang pinakamagandang source ng iron na maaaring gamitin ng katawan. Kung hindi kumakain ng karne, kailangang taasan ang pagkain ng ibang iron-rich, plant-based na pagkain para matumbasan ang halaga o dami ng iron na maaaring makuha sa pagkain ng karne.
 
2.     Piliin ang mga pagkain na mayaman sa Vitamin C na tumutulong sa pag absorb ng iron
 
Maaaring mapaganda ang pag absorb ng iron sa pamamagitan ng pag inum ng citrus juice or pagkunsumo ng mga pagkain na mayaman sa Vitamin C, kasabay sa pagkain ng iron-rich foods. Ang mga citrus juices gaya ng orange juice ay tumutulong sa katawan para sa maayos at magandang pag absorb ng dietary iron.
 
Ang Vitamin C ay maaaring makita sa mga sumusunod na pagkain:
1.     Broccoli
2.     Grapefruit
3.     Kiwi
4.     Leafy greens – madahon na gulay
5.     Melon
6.     Orange
7.     Bell peppers
8.     Strawberries
9.     Tangerines
10.  Kamatis
 
 
References and Sources:
Healthline. (2018, January 3). What you need to know about Anemia. Retrieved from: https://www.healthline.com/health/anemia
 
Mayo Clinic. (2019, August 16). Anemia: Diagnosis and Treatment. Retrieved from:  https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anemia/diagnosis-treatment/drc-20351366
 
WebMD. (2020, August 11). 7 Guides to understanding Anemia. Retrieved from: https://www.webmd.com/a-to-z-guides/understanding-anemia-basics#1
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)