Sinuspinde ng DOLE ang pagpapadala ng mga OFW sa Qatar

POEA Philippine Overseas Employment A
is a Government official in the Philippines

Ipinahayag ni Secretary Silvestre H. Belo III noong Martes ang pansamantalang pagsususpinde ng pagpapadala ng mga OFW sa Qatar matapos putulin ng ibang kalapit na mga bansa ang kanilang ugnayan sa nasabing bansa.

 

“Pansamantala kong sinususpinde ang pagpapadala ng mga OFW sa Qatar. Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang gobyerno na suriin ang kalagayan ng bansang iyon, dahil sa maraming umuugong na balitang hindi maganda ang kalagayan sa Qatar. Ang suspensiyon ay para sa kaligtasan at kasiguruhan ng mga OFW”, ang sabi ni Belo.

 

Dahil sa nasabing kalagayan ng bansa, nagpadala sa Qatar at sa iba pang sangkot na mga bansa sa Middle East si Sec. Bello ng grupo na may limang officer at staff mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) upang mapg-aralan at masubaybayan ang kondisyon ng mahigit 250,000 OFW sa Qatar.

 

Sinabi din ni Bello na mahalagang matiyak muna ang kalagayan sa Qatar bago hayaang lumipad ang mga Pilipinong mangagagawa.

 

 ”Kailangan muna nating pag-aralan ang sitwasyon. Sa ngayon, mas mahalaga ang kapakanan ng mga Pilipinong trabahador. Nakadepende sa pagsusuri kasama ang Department of Foreign Affairs sa kalagayan ng bansang iyon ang itatagal ng suspensiyon,” ang sabi ni Bello.

 

Inatasan din niya ang Labor Attache na si Daviid Des Dicang na siguraduhin ang probisyon sa pagkain ng mga OFW yamang walang sariling produksyon ng pagkain ang Qatar.

 

Inutusan din niya ang lahat ng recruitment agencies na makipag-ugnayan sa  kanilang mga koneksiyon sa Qatar upang matiyak na ang mga OFW doon ay natutugunan ang pangangailangan at natitiyak ang siguridad.

 

“Ang ating labor office sa Qatar ay handang magpa-abot ng anumang uri ng tulong sa ano mang kalagayan. Naka-alert na po ang ating mga tao diyan. Kahit na wala pa namang masyadong dahilan na ma-alarma, mabuti na yung nakahanda tayo. Ang POLO ay nakabukas 24 oras sa anumang emergency,” sabi ni Bello.

 

Sinabi din niya na walang dapat ipag-alala ang mga OFW dahil pinananatili ng Pilipinas ang mapayapang ugnayan sa Qatar.

 

“Inanyayahan ako ng Minister of Labor ng Qatar ngayong Setyembre para pag-usapan ang kaligtasan at higit na kaayusan sa proseso ng pagpapadala ng ating mga mangagawa sa Qatar. Mas gusto nila ang higit na Pilipinong mang-gagawa. At napananatili natin ang magandang ugnayan sa pag-gawa para sa kapakanan at seguridad ng mga OFW,” sabi ni Bello.

 

Idinagdag din niya ang pag-bisita ay para sa pirmahan ng mga kasunduan para sa sosyal na proteksyon at siguridad ng mga OFW. 

 

Ang pitong Arabong mga bansa - Saudi Arabia, Bahrain, Egypt, United Arab Emirates, Maldives, Yemen at Libya ay kumalas sa Qatar as akusasyong sinusuportahan nito ang mga teroristang grupo.


 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.