Swerte na nunal sa mukha at katawan: Ibig sabihin o kahulugan ng moles sa maselang parte ari

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang mga nunal sa ating katawan ay may kahulugan ayon sa paniniwala ng Chinese astrology.
Swerte na nunal sa mukha at katawan: Ibig sabihin o kahulugan ng moles sa maselang parte ari
Ayon sa paniniwala ng mga Chinese, hindi lahat ng nunal ay may masamang kahulugan, karamihan ay nagbibigay lamang ng babala o paalala upang maprotektahan natin ang ating mga sarili. Ang mga “good moles” daw ay kadalasang hindi masyado kapansinpansin at mas dark ang kulay ng mga ito kung ikukumpara sa ating balat. Nagbibigay ang mga ito ng swerte ayon sa mga Chinese.
 
Narito ang labingdalawa maswerteng nunal sa ating katawan, ayon sa Chinese astrology.
 
1. Nunal na nasa gitnang bahagi ng magkabilang kilay o third eye
Kung ikaw ay may nunal sa gitna ng magkabilang kilay, nangangahulugan na mayroon kang masaganang buhay at makaka-pasyal sa maraming lugar na gusto mong puntahan. Maaring magkaroon ka rin ng sapat na pera sa iyong buhay.
 
2. Nunal na nasa ilong
Kung ang nunal ay nasa kanang bahagi ng iyong ilong, o kahit bahagyang nasa pisngi, nangangahulugan ito na may malaking posibilidad na ikaw ay yayaman.
 
Ngunit, kailangan mong habaan ang iyong pasensya, dahil darating din ito sa tamang panahon. Maaaring maranasan mo ito, pagtuntong ng kwarenta anyos. Sa panahong ito may posibilidad na matitikman ang tagumpay, kasaganaan, at bakasyon, pagkatapos mong mag-asawa.
 
3. Nunal na nasa itaas ng bibig (O sa gitna ng bibig at ilong)
Kung ikaw ay ipinanganak na may nunal sa taas ng bibig, ikaw ay magiging masaya, dahil may posibilidad na mapapaaga ang iyong pag-asenso, kumpara sa iyong mga ka-edad. Maaaring may konting katigasan ang ulo, ngunit posibleng ito ang dahilan kung bakit mabilis ang tagumpay at walang sagabal sa iyong mga pangarap.
 
4. Nunal na nasa tainga
Kapag ang nunal naman ay nasa parte ng tainga na malapit sa pisngi, lalo na kung sa kanang bahagi, ito ay senyales na maaaring yumaman sa batang edad pa lamang.
 
5. Nunal na nasa kanang pisngi
Kapag ang nunal mo naman ay sa kanang pisngi, na isang maliit, ngunit maitim na nunal, ito ay may posibilidad na mas lalo kang aasenso, pagkatapos mong mag-asawa.
 
6. Nunal na nasa baba
Ang mga taong ipinanganak na mayroong nunal sa kahit na saan parte ng baba ay maswerte at matalino pagdating sa pera. Ngunit, iilan sa kanila ay maaaring hindi gaanong palakaibigan.
 
7. Nunal na nasa dibdib
Ang nunal na nasa kanang bahagi ng dibdib ay maaari mangahulugan na magkakaroon ng tahimik na buhay at magiging masaya sa mga biyayang natatanggap.
 
8. Nunal na nasa baywang
Sinasabi na maaari kang maging maswerte kapag may nunal ka sa kanan man o kaliwang parte ng baywang. Nagpapahiwatig din ito ng kayamanan at kasaganaan. Gayunpaman, maaaring mangahulugan din ito na madalas hindi ka kuntento sa kung ano ang mayroon ka.
 
9. Nunal na nasa pusod
Kung ikaw ay may nunal sa ibabang bahagi ng iyong pusod, sabi raw nila, maaaring ikaw ay ipinanganak na mayaman o may gintong kutsara sa bibig.  Ganunpaman, kahit yayaman ka na lubusan, madalas na pagkakagastusan mo lamang ito sa masasarap na pagkain.
 
10. Nunal na nasa kanang bahagi ng palad
Kung mayroon kang nunal saang bahagi man ng iyong kanang palad, ito ay nangangahulugan ng kayamanan at mapalad na buhay. Kapag ang nunal mo ay nasa itaas na kalahating bahagi ng palad, maaari dumating ng maaga sa buhay mo ang tagumpay at kasaganaan. Samantala, kapag ang nunal mo ay nasa ibabang kalahating bahagi ng palad, ibig sabihin nito kinakailangan mong magtrabaho ng maigi at maaari mahihirapan sa pagkamit ng tagumpay. Ngunit, huwag mabahala, siguradong makakamtan mo rin ang tagumpay na matagal mo ng ninanais.
 
11. Nunal na nasa hinliliit na daliri
Kung ikaw ay may nunal naman na matatagpuan sa hinliliit na daliri, mapakanan o kaliwa man, ito ay senyales daw na maaaring maglalakbay ka sa iba’t ibang parte ng mundo sa buong buhay mo.
 
12. Nunal na nasa talampakan
Ang mga taong may nunal sa talampakan ay may posibilidad daw na madalas bumyahe o lumalakbay. Gayunpaman, karamihan sa kanilang mga byahe ay sa loob lamang ng sariling bansa o sa Pilipinas. May tyansang maglakbay rin daw sa iba’t ibang bansa ngunit hindi para tumira roon, kundi para magbakasyon.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.