Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Alam nating lahat ang kahalagahan ng halaman at ang mga benepisyo ng pag-aalaga nito.
Nililinis nito ang hangin, pinapaginhawa ang ating diwa, at nagdadala ng mabuting pagsasamahan sa loob ng bahay.
 Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui
Ang hindi alam ng lahat, nakakapang-akit raw ng kasaganahan, kalusugan at pag-ibig ang mga halamang ito. Ayon sa Feng Shui, ang mga halaman ay naglalaan ng positibong chi o enerhiya na direktang nakaka-apekto sa ating pag-iisip, damdamin at pakikitungo sa ibang tao. Dahil dito, mahalaga ang halaman sa Feng Shui.
 
Kaya’t wala raw kwenta ang pamimili mo ng mga kung ano-anong mamahaling halaman kung wala itong dalang positibong enerhiya.
 
Narito ang limang maswerteng halaman ayon sa Feng Shui, kasama ang iba’t-ibang tips para mapalago mo ang mga ito:
 
1.     Palmera o Palms
Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui
Ang Palmera ay buwenas sa Feng Shui. Ito ay isang simbolo ng pagpapalubay at katiwasayan. Mabuting itanim ito malapit sa inyong pinto para sa masayang pagtitipon at ligtas na paglalakbay. Huwag na huwag mo itong ilagay sa harap ng mga bintana. Dahil sa lapad ng mga dahon ng Palmera, nahaharangan nito ang agos ng chi mula sa labas papasok ng bahay.
 
Para sa loob ng bahay, piliin ang mga Palmerang maliliit o katamtaman ang laki gaya ng Areca, Chinese Fan at Sago. Low-maintenance o hindi alagain ang halamang ito pero magbibigay pa rin kami ng ibang tips na makatutulong sa iyo, kung paano magalaga nito.
 
Araw at Init:
Dahil ito’y isang tropical plant, kaya nito ang direktang liwanag ng araw at sobrang init.
Tubig:
Diligan isang beses sa isang linggo. Tuwing tag-init, diligan araw-araw.
Pataba o fertilizer:
Hindi ito kinakailangan, lalo na’t maliliit ang mga halaman.
Babala:
May mga klase ng Palmera na nakalalason sa mga hayop, gaya ng Sago palm.
Karaniwang Sakit:
Maaaring manilaw ang mga dahoon. Huwag mo itong pungusan dahil kailangan ng Palmera ang kanyang mga fronds o dahon para makakuha ng nutrisyon.
 
2. Orchids
Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui
Mahigit sa 20,000 ang klase ng orchids sa buong mundo kaya naman ayon sa mga eksperto sa Feng Shui, depende sa kulay ng orchid ang swerteng dala nito. Halimbawa, ang mga pink at orange na orchids ay nagbibiyaya ng pag-ibig at pagkakataong magkaroon ng anak. Ang puting orchid naman ay naglalaan ng tiwasay at payapang buhay. Ang isang tangkay ng orchid ay magdadala ng napakagandang kapalaran basta naka-puwesto sa tamang bahagi ng iyong tahanan. Heto ang mga importanteng payo sa pag-asikaso nito:
 
Araw at Init:
Bahagyang araw at katamtamang init na temperatura ang kailangan ng orchid.
Tubig:
Diligan ng dalawang beses sa isang linggo. Kung naka-air conditioner ang iyong bahay, i-spray ng tubig araw araw.
Pataba:
Gumamit ng likidong pataba isang beses sa isang linggo, lalo na kung ito ay dormant o hindi namumulaklak. Ayon sa matatanda, nakakatulong ang ihi ng tao na may halong tubig upang mabilis itong mamulaklak. Mainam ang ihi sa gabi na ipang-halo sa tubig kinabukasan. Isang baso ihi, sa kalahating timba na tubig. Isa din sa epektibo na ginagamit ng iba ay ang tubig na may betsin. Isang timba tubig sa isang Pakete na betsin na naglalaman ng 11 grams. Maigi ihalo na ito sa gabi, para kinabukasan ay ilalagay sa spray bottle o diretsong idilig sa orchids. Ito ay tumatagal hanggang isang linggo. Hindi lang ito nagpapamulaklak, kundi hindi din mabilis malanta ang mga bulaklak.
Babala:
Kumpara sa ibang halaman sa listahan, walang dulot na pinsala ito sa mga hayop o tao.
Karaniwang Sakit:
            Hindi namumulaklak. Sundan lamang ang mga care tips na nabanggit para lumago ang halaman.
 
3. Jade Plant
Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui
Ito ay isa sa mga pinakakapaki-pakinabang na halaman sa Feng Shui dahil iba-ibang uri ng swerte ang dala nito. Ilagay mo ito malapit sa main door upang magkaka-pera ka. Ayon sa fungsoy, kung may sakit ka, ipuwesto mo ito malapit sa bintana at gaganda ang iyong pakiramdam. Kung ito naman ay malapit sa hapag-kainan, dodoble ang inyong kasaganaan. Ang abiso lang ng mga eksperto, huwag ito ilagay sa kubeta at baka may-flush ang swerte. Heto ang mga tips sa pag-aalaga sa Jade:
 
Araw at Init:
Painitan ngunit huwag itapat sa araw. Mas gusto nito ang malamig na klima.
Tubig:
Diligan araw araw lalo na kung mainit pero hindi dapat nababaha ang lupang kinalalagyan nito.
Pataba o fertilizer:
Lagyan ito ng likidong solusyon minsan sa isang linggo.
Babala:
Maaari itong magdulot ng pagkahilo at pagsusuka kung aksidenteng nakain ng hayop o tao.
Karaniwang Sakit:
Ang pagkawala ng mga dahon ay dulot ng kakulangan sa sikat ng araw, at ang paninilaw ng mga dahon ay dahil sa sobrang pagdidilig.
 
4. Peace Lily
Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui
Ito na malamang ang pinaka-perpektong halamang pangbahay. Bukod sa taglay nitong abilidad na linisan ang hangin, ang Peace Lily ay nagdadala ng katahimikan at payapa sa bahay. Kaya pa nitong kontrahin ang negatibong chi na nagbunga sa nakaraan. Dahil sa biyayang dulot nito, maaaring ilagay ito kahit saan sa bahay. Higit sa lahat, napakadaling alagaan ang Peace Lily.
 
Araw at Init:
Bahagyang lilim at preskong klima ang gusto ng Peace Lily.
Tubig:
Hintaying malugmok ang mga dahon bago ito diligan. I-spray ng tubig araw araw kung mainit ang panahon.
Pataba:
Hindi kinakailangan ngunit puwedeng lagyan ito ng likidong solusyon kung gusto mo itong mamulaklak.
Babala:
Maaaring mairita ang bunganga at tiyan ng mga hayop kung aksidenteng makain ito.
Karaniwang Sakit:
Ang pagkalanta ng halaman ay dulot ng sobrang pagdilig o kakulangan sa tubig. Importanteng mahanap mo ang sapat na kakailanganin nito. Importante na mahanap mo ang sapat na kakailangan nito.
 
5. Lucky Bamboo
Swerteng Halaman sa Loob ng Bahay: 5 Halaman ayon sa Feng Shui
Bilang sagisag ng tibay at katatagan, ang Lucky Bamboo ay ang pinakamaswerteng halaman ayon sa mga eksperto sa Feng Shui. Kung ang isang tangkay ng halamang ito ay kayang magdala ng magandang kapalaran, isipin mo na lang ang pambihirang swerte na dala ng mas maraming tangkay. Isang importanteng paalala: huwag mag-uwi ng apat na tangkay dahil nagpapahiwatig ito ng kamatayan. Iposisyon ang iyong Lucky Bamboo sa sala o malapit sa main door ng iyong tahanan.
 
Araw at Init:
Ilagay sa kuwartong may katamtamang temperatura at siguraduhing hindi ito nakatapat sa sinag ng araw.
Tubig:
Kahit na mabubuhay ito na nakababad sa tubig, mas mabuti kung naka-tanim ito sa lupa. Siguraduhing mamasa-masa ang lupa na kinatatamnan nito.
Pataba:
Hindi ito kinakailangan ngunit puwedeng lagyan ng pataba isang beses sa isang buwan.
Babala:
Nakalalason ito sa mga alagang hayop.
Karaniwang Sakit:
Kapag nanilaw ang tangkay, may sakit ang ang halaman. Mabuting tanggalin ang parteng ito para di na kumalat pa ang sakit.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.