PAMAHIIN AT SWERTENG HANDA SA CHINESE NEW YEAR: BAGONG TAON PAGSALUBONG PAMPASWERTE?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Gaya ng nakasanayan, sinalubong na naman natin ang bagong taon. Sa mga pinoy, January 1 ang petsa ng bagong taon. Pero para sa mga Tsino, kalahating tsino at kalahating pinoy, talaga namang bongga ang paghahanda para sa nalalapit na Chinese New Year.
SWERTENG HANDA SA CHINESE NEW YEAR: PAMAHIIN NG MGA CHINESE SA BAGONG TAON PAGSALUBONG PAMPASWERTE?
Ngayong 2020, January 25 ang papatakan ng selebrasyon. Ito ang masasabing pinaka mahalagang okasyon ng mga Tsino, lalo na ng bawat pamilya at ginagawa nila ito sa loob ng labing limang araw. Pero mas kilala yan sa tawag na Spring Festival, kung nasa China ka. Ngayong 2020, tayo ay year of the Rat.
 

Bakit nga ba magkaiba ang petsa ng chinese new year sa new year ng mga pinoy?
Ipinagdidiwang ng mga chinese ang chinese new year ayon sa lunar calendar, ibig sabihin nito, kung kelan magsisimulang lumabas ang New Moon. Kaya kung mapapansin mo, iba-iba ang petsa ng kanilang chinese new year, depende sa unang paglabas ng buwan na tinatawag na New Moon. Hindi kagaya sa mga pinoy na sinusunod ang Gregorian calendar, na sinusundan din ng UK, USA, at iba pang mga bansa. At ito ay palaging nag-uumpisa sa January 1.
 
Kung gusto mong makipag-celebrate sa kanila, malamang na interesado kang malaman ang mga ginagawa at tradisyon tuwing Chinese New Year. Siguradong mag eenjoy ka. Sa Pilipinas mo man i-se-celebrate ang bagong taon, halos pareho lamang.
Siyempre, hindi mawawala ang pagsasalo-salo sa Hapunan bago ang New Year. Parang family reunion na rin. Magsasama-sama ang bawat pamilya at kakain ng magkakasabay. Talaga namang kakaiba at masarap ang pagkain na inihahanda.
Ating tatalakayin sa videong ito ang 7 kilalang pagkain na pampaswerte na madalas hinahanda o kinakain ng mga chinese at mga dapat at hindi dapat gawin kapag chinese new year.
 
 
Narito ang 7 pagkain na pinaniniwalaang maserteng handa sa Chinese New Year:
1. Isda- Isa sa listahan ng mga chinese sa kanilang handaan ay ang isda. Ang mga chinese ay laging may nakalaan na maraming handa sa chinese new year, dahil naniniwala sila na kung may itinabi para sa katapusan ng taon, may posibilidad na magkakaroon pa ng mas higit sa susunod na mga taon. Ang steamed fish ang siyang kilalang luto pagdating sa isda at nagdadala ng deri-deritsong swerte. Narito ang mga klase ng isda na maaaring ihanda:
a. Karpa o Crucian carp- Pinapaniwalaan ng mga chinese na ang pagkain ng karpa ay nagbibigay ng swerte sa susunod na taon. Ito ay malapad at kahitsura ng tilapia.
 
b. Chinese Mud Carp- Klase din ng karpa ngunit ito naman ay pahaba ang hugis. Ayon sa mga chinese nagdadala ito ng magandang kapalaran sa buhay.
 
c. Hito o Catfish- Ayon sa tradisyun ng chinese, ang pagkain ng hito ay nagdadala ng kasaganahan.
 
d. Pagkain ng dalawang isda- Kapag kumain ng isang isda sa pagpatak ng chinese new year sa hatinggabi at isa sa chinese new year ng umaga, nangangahulugan daw ito ng kasaganahan sa buong taon at sa susunod pang taon.
 
e. Pagkain ng isang isda- Ang pagkain ng parteng itaas ng isda para sa chinese new year sa hatinggabi at kalahating tira sa chinese new sa umaga, ito ay pinaniniwalaan na maaaring magbibigay ng kasaganaan.
 
Narito ang tamang posisyon sa paghain ng isda sa hapag-kainan:
a. Kinakailangan na ang ulo ng isda ay nakadako sa panauhing pandangal o sa pinakamatandang miyembro ng pamilya, ito ay sumisimbolo ng respeto.
 
b. Kinakailagang mas maunang kumain ng isda ang tao, kung saan nakaturo ang ulo ng isda.
 
c. Bawal galawin ang posisyon ng isda.
 
d. Kailangan din daw uminom ng sabay ang dalawang tao kung saan nakaturo ang ulo at buntot ng isda, upang swertehen.
 
Mayroong paniniwala ang mga chinese na ang isda ang huling ulam na kakainin sa hapag kainan kasama ng mga tirang pagkain, upang tumuloy-tuloy ang swerte kada taon. Ang paniniwalang ito ay galing sa dakong Hilaga ng Yangtze river. Samantala, may iba naman na naniniwala na hindi dapat kainin ang ulo at buntot ng isda hangga’t hindi pa sumasapit ang bagong taon. Ito ay upang maging maswerte mula umpisa hanggang matapos ang taon.
 
2. Chinese Dumplings- Ito ay sumisimbolo ng kayamanan. Sa kasaysayan na mahigit 1,800 years, maituturing na classic at tradisyunal na handa ang dumplings ng mga chinese sa chinese new year. Ito ay sikat na handa sa China lalong lalo na sa dakong hilaga ng China. Ang dumplings ay kailangang kmukha ng chinese silver ING-Guts ingots, hindi parihaba ang hitsura kundi oblong o kahugis ng barko na nakataas sa magkabilang dulo. Ayon sa paniniwala ng mga chinese, mas maraming dumplings na kinakain, mas maraming pera ang papasok.
 
3. Spring rolls- Tinawag itong springs rolls dahil ito ay tradisyun na pagkain tuwing spring festival. Ang pagkaing ito ay sikat na handa sa dakong silangan ng China. Ang spring rolls ay sumisimbolo ng kasaganaan.
 
4. Nian gao o mas kilala ng pinoy sa tikoy- Ito ay gawa sa glutinous o malagkit na kanin. Ito ay sumisimbolo ng mataas na kita at posisyon sa trabaho. Sa Chinese ang pagkain ng nian gao ay nangangahulugan na pataas ng pataas ang kita o posisyon sa trabaho kada taon. Para sa mga chinese, kung tumataas ang kita mas uunlad ang negosyo,at mapapabuti ang buhay.
 
5. Tangyuan o sweet rice balls- Ito ay pangunahing pagkain ng mga chinese tuwing lantern festival. Samantala sa Timog China, ang tangyuan ay isa sa kanilang hinahanda tuwing spring festival o chinese new year. Ang tangyuan ang simbolo ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng buong pamilya, kaya isa ito sa mga handaan pagsapit ng chinese new year.
 
6. Noodles- Kilalang maswerteng handa ang noodles sa dakong Hilagang China, dahil ito ay sumisimbolo ng mahabang buhay at kasiyahan. Ito ay maaaring lutuin ng may sabaw o fried noodles.
 
7. Prutas- May mga prutas na kinakain sa chinese new year, ito ay mga oranges, dalanghita, at pomelo. Ito ay sumisimbolo ng kayamanan at magandang kalusugan, dahil sa kanyang hugis na bilog at kulay ginto. Ayon sa paniniwala ng mga chinese, mas maraming kinain na prutas mas maraming kayamanan ang darating.  
 
Ano ang mga dapat gawin sa chinese new year
1. Dekorasyon - Isa sa dekorasyon ay ang paglalagay ng mga Lucky Signs at Design na kulay pula sa mga kanto, bahay, o opisina. Hindi masasabing Chinese New Year kung wala ang mga to. May mga red lanterns na naka sabit o yung mga pulang ilaw na may nakasulat na chinese. Kapag New Year, pula ang pinakamahalagang kulay. Pero dahil Year of the Rat ngayon, malamang na makakita ka ng mga desenyo ng daga lalo na sa China Town sa Maynila.
 
2. Ang PAO (Public Attorneys Office) - Pagbibigayan ng Ang PAO (Public Attorneys Office) o pulang sobre para magpasahan ng swerte. Parang twing pasko sa atin, nagpapalitan tayo ng regalo. Pero syempre, may ganon din ang mga chinese. Ang mga pulang sobre ay may pera sa loob at karaniwan ay binibigay sa mga bata o mga nagretiro na matatanda. Hindi nila ugaling bigyan ng sobre ang mga malalaki na o nagtatrabaho.
 
3. Paputok o fireworks- Mga Bongga at Nag-gagandahang Paputok o Fireworks. Parang sinasabi nila: “Goodbye lumang taon, Hello bagong taon”. Una, magpapaputok sila ng isang maliit na paputok na susundan naman ng tatlong malalakas na paputok o di kaya maliit muna na fireworks at sundan nila ng 3 malalaking magkakasunod sunod na fireworks. Ayon sa paniniwala ng mga chinese, mas malakas na putok o malaking fireworks, mas malaking swerte ang darating.
 
4. Dasal - Ang pananalangin sa mga Templo upang mas masayang bagong taon na puno ng swerte at pagpapala ang isa kanilang nakaugalian. Parang satin din dito sa Pilipinas, naniniwala din sila na mahalagang manalangin para sa pagpapala.
 
5. Pagsuot ng pulang underwear- Ayon sa alamat ng chinese ang pagsuot ng pulang underwear ay magdadala ng swerte sa buong taon. May paniniwala din na ang kulay pula ay kumukontra ng malas at nagtataboy ng masasamang espiritu.
 
May mga bagay din na iniiwasan ang mga chinese, iilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Sa kanilang labing limang Araw na chinese new year, sinasabi nila na bawal basain ang buhok sa unang tatlong araw o bawal maglinis ng bahay dahil mawawalis ang swerte.
 
2. Bawal ang iyak ng bata.
 
3. Bawal ang umutang at napakadami pang ibang paniniwala.
 
Napakadami pang ibang kultura at tradisyon sa tuwing Chinese New Year. Nagdidiwang ka man o hindi, dapat lang na magpakita ng respeto sa paniniwala nila. Kung plano mong magdiwang kasama nila, sana nakatulong sayo ang videong ito.
 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.