SWERTENG KULAY SA 2020 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO 2021

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Pinapaniwalaan na may mga kulay ang nagdadala ng swerte at buwenas. Ayon sa paniniwala ng mga Chinese, maaari may epekto ang kulay na sinusuot sa iyong tagumpay. Totoo nga ba talaga ito?
SWERTENG KULAY SA 2020 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO

Pagdating sa pananamit at dekorasyon sa loob ng bahay, ang mga maswerteng kulay na maaaring suotin o i-disenyo sa taon ng 2020 ay kulay puti, asul, purple, at gray. Maaaring magdadala din ng swerte ang pagsuot ng mga bagay na gawa sa metal.

Para sa mga nagtataka o interesado na malaman ang kanilang swerteng kulay, narito ang mga swerte at malas na kulay base sa Chinese Horoscope nitong year of the Metal Rat 2020.
 
RAT
Sinasabing ang mga taong ipinanganak sa taon ng rat ay maingat, mapagmasid, at may kakayahang kutuban kung anuman ang mangyayari sa hinaharap. Sabi nga, nararamdaman nila kung anuman ang ang nakaambang na panganib bago pa ito mangyari.
Malikhain din sila gawa ng mga nasabing mga kakayahan. Sila ay magaling sa sining, mga imbensyon, at iba pa.
Gayunpaman, hindi sila dapat naka depende sa mga kakayahang ito, kailangan din nilang mag-isip ng mabuti sa mga gagawin, at ang paghingi ng opinyon sa iba ay mahalaga rin.
Swerteng mga kulay: Yellow at Red
Malas na kulay: Black

OX
Isa ang ox sa mga hayop na paulit-ulit na nginunguya ang kanilang pagkain bago lunukin para madaling matunaw. Katulad nila, ang mga taong nasa Ox ay iniisip muna nila ng mabuti ang mga dapat gawin, bago gumawa ng aksyon. Sila ang mga taong nag-iisip ng sobra at palatanong. At kapag sila ay gumawa na ng hakbang, matapang at hindi nila ito inaatrasan. Sila din ay praktikal at pinaninindigan ang kanilang mga desisyon.
Swerteng kulay: Pink
Malas na kulay: Green


TIGER
Ang mga tao namang ipinanganak sa taon ng tiger ay gusto ng diretsong hakbang o hindi paligoy-ligoy, na maaring ikakasama ng iba. Dahil dito, maging maingat sa mga hakbang na gagawin. Sila ay may mataas na pangarap at hindi nakukuntento sa kung ano man meron sila. Maaari din ang iilan sa kanila ay papalit-palit ng trabaho, dahil gusto nilang hanapin kung saan talaga sila magaling at masaya. Gusto nilang maipakita ang kanilang talento at abilidad at ma-promote sa mas mataas na posisyon sa kanilang mga karera. Mas gusto nilang magtrabahong mag-isa at hindi basta basta humihingi ng tulong hangga’t kaya nila.
Swerteng mga kulay: Gray at Purple
Malas na kulay: Cyan o Blue Green

 
RABBIT
Sinasabing maka-pamilya ang mga lalaking nasa taon ng rabbit. Gusto nilang pinagsisilbihan ang mga mahal sa buhay. Sila ay tahimik lamang na tao at hindi mabarkada, mas gusto nila ng simpleng buhay kaysa sa lumabas upang makipag-inuman. Isa sa maaaring makasundo nila ay mahinhin na babae sa mga katulad nilang tahimik.
Ang mga babae naman sa taon ng rabbit ay mapag-isip, maalalahanin, at maalaga. Sila ay masigasig at binibigyang pansin ang emosyon ng mga taong nasa paligid nila. Pagdating sa trabaho sila ay marunong makihalubilo o humarap sa iba’t ibang klase ng tao.
Swerteng mga kulay: Pink at Yellow
Malas na kulay: Red


DRAGON
Sa labindalawang Chinese zodiac signs, ang dragon ang tanging likha lang ng imahinasyon o gawa-gawa lamang. Nang dahil dito, ang mga tao sa taon ng dragon ay mahilig mangarap at mahilig sa imahinasyon. Maigi silang magtrabaho, at hindi madaling sumuko sa mga suliranin. Magaling din sila bilang isang lider at pagpapatakbo ng negosyo. Ang mga dragon ay masyadong nakatuon sa kanilang mga karera kesa sa pag-aasawa. Sa madaling salita, ang mga tao sa taon ng Dragon ay nag-aasawa lamang sa takdang panahon.
Swerteng mga kulay: Red, Ruby, at Gray
Malas na kulay: Orange


SNAKE
Mabubuti ang loob, positibo, handang harapin ang mga pagsubok at kayang gawin ang lahat para tapusin ng maigi ang kanyang trabaho, yan ang mga taong ipinanganak sa taon ng snake.
Hindi katulad sa mga kinatatakutan at mga totoong ahas, sila ay magaganda at kabigha-bighani, mapalalaki o babae.
Kadalasan sa kanila ay nag-aasawa dahil mahal nila ang mapapangasawa, hindi dahil sa arranged marriages.
Matamis sila kung umibig, at makikita mo ang kanilang tiyaga sa pag-ibig sa Chinese Story na "The White Snake".  Gagawin nila ang lahat, mapasakamay lang ang kanilang minimithi. Subalit, magingat sa mga hakbang na gagawin, upang maiwasan ang kapahamakan. Sila ay swerte kahit na may edad na, ganun din noong kabataan nila.
Mga swerteng kulay: light Yellow, Sky blue, at Peach
Malas na kulay: Black
 

HORSE
Ang mga horse ay mahusay makipag-usap at matatalino. Sila din ay may malawak na kaisipan at positibo, ngunit paminsan minsan, hindi natatapos ang trabaho hanggang dulo. Maiging tapusin muna ang nasimulan bago gumawa ng panibago. May iilan na madaling sumuko sa mga suliranin, kaya magpakatatag sa mga problemang darating. Laging tandaan, sa bawat problema may nakaabang na solusyon. Sa pag-ibig, ang mga tao sa taon ng kabayo ay matapat sa kanilang minamahal. Sila din ay magaling pomorma, kaya marami ang nagkakagusto sa kanila.
Swerteng mga kulay: White at Silver
Malas na kulay: Green


SHEEP
Malumanay at malapit sa tao ang mga tupa. Isa sila sa mga inaasahan ng mga tao sa Middle East. Sila ay mapagmatiis at matiyaga. Ito rin ang mga karakter ng mga taong ipinanganak sa taon ng tupa. Sila ay masigla at may matibay na paninindigan sa loob ng kanilang malambot at mahimulmol na panlabas.
Hindi sila pabigla-bigla sa kanilang mga tungkulin, palaging maalalahanin, nag-iisip ng mabuti, at tinatapos ang kanilang trabaho.
Maayos sila sa negosyo, pero minsan ay nagkakaproblema dahil sa kanilang paninindigan.
Sa pakikipagrelasyon, gusto sila ng iba sa kanilang pagiging maamo at magalang.
Ang ibang tao nasa taon ng tupa ay may magandang pangangatawan.
Mga swerteng kulay: Gray, Blue, at Black
Malas na kulay: Pink

 
MONKEY
Matatalino at maabilidad ang mga taong nasa taon ng unggoy. Sila ay mga magagaling na lider. Nananalo sila ng mga pa-premyo sa kanilang pagkabata dahil sa kanilang talino, kaya kadalasan ay pinupuri ng mga magulang at guro. Hindi lang sila maswerte sa kanilang kabataan, pero lalo na kung sila'y nagkaka-edad na. Dahil sa sila'y magaling sa pagtitipid, hindi sila nagkakaproblema sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Minsan, ang mga tao sa taon ng unggoy ay maiksi ang pasensya, at ito'y pwedeng sagabal sa kanilang tagumpay. Kaya kailangan nilang maging pasensyoso. Sila ay magaling sa pagdedesisyon nang dahil sa kanilang abilidad sa mga bagay. Sa kanilang mga pamilya, sila ay maalalahanin.
Mga swerteng kulay: Yellow at Bright Pink
Malas na kulay: Red

 
ROOSTER
Ang mga taong nasa taon ng tandang ay mapagmahal, mapagbigay, masikap, palakaibigan, at magaling sa pananalita. Sila ay matatalino at mabilis mag-isip. Ngunit, Paminsan minsan ang iba sa kanila ay mainipin. Subukang libangin ang sarili gaya ng pagbabasa o panunuod ng video upang hindi mainip.
Minsan, sa bilis nilang mag-salita, sila ay nabubulol, kaya kailangan mahinahon lamang magsalita. Ang mga isinilang sa taong ito ay malinis sa kanilang pangangatawan. Magaling sila sa pananamit anumang okasyon.
Mga swerteng kulay: Pink, Blue, White
Malas na kulay: Purple


DOG
Pinapahalagahan ng mga tao sa taon ng aso ang hustisya. Sila ay matatapang, tahasan sa pananalita, palakaibigan, tapat sa kanyang mga kaibigan, at itinutuwid anumang mali.
Dahil sila'y matapat, pinahahalagahan nila ang kanilang mga trabaho. Maigi sila bilang mga empleyado kaya pinupuri ng mga nakakataas sa kanila. Maaaring magkaproblema sa trabaho pagtuntong ng 35 years old, kailangan nila itong malampasan ng mahinahon at tahimik. mabuti rin sila bilang katrabaho.
Sa pag-ibig, sobrang matapat sila sa kanilang iniibig. Ganunpaman, sila ay madaling magalit at iritable. Dahil dito, maaaring mapapasubo sa gulo. Kaya hangga’t maaari makakabuti na kontrolin ang emosyon upang makaiwas sa gulo. Dagdag pa, sila'y hindi basta basta nagtitiwala sa tao lalo na kung bago pa lamang ito nakilala.
Mga swerteng kulay: Red, Yellow, at White
Malas na Kulay: Green


PIG
Ang mga taong ipinanganak sa taon ng pig ay mapagmahal, tapat, at mapahintulot sa iba. Sila din ay maraming mga kaibigan dahil sila ay marunong magpahalaga sa kapwa. Handa silang tumulong kapag may ngangailangan na kaibigan. Hindi nila gusto ng away at madaling kinakalimutan ang hindi pagkakaunawaan, kung meron man. Sinasabi mang sila ay materialistic, hindi sila madamot at handa magbigay kung anumang meron sila.
Sa karera, maaaring iilan sa kanila ay mabilis sumuko kapag sila ay nakakaramdam ng pagkabigo. Lakasan lamang ang loob dahil may swerteng darating din sa’yo. Madali rin silang naaapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao, at nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kaya mahalaga ang pagiging kalmado at pakikipag-usap sa mga katrabaho sa mga panahong ito. Sa kabila nito, sila ay masipag at hindi nahihirapan sa kanilang pagtatrabaho. Kaya kadalasan ay pinapaboran sila ng swerte. Mabuti rin silang taga-turo dahil sila'y tapat at masipag sa kanilang trabaho. Ngunit, sila ay masyadong mabait para maniwala sa iba, kaya maiging mag-ingat sa mga taong nakakasalamuha. Ang iilan naman ay hindi masyadong magaling sa paghawak ng pera. Magisip mabuti bago magwaldas ng pera.
Mga swerteng kulay: Bright red at Yellow
Malas na kulay: Red

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.