SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano ang mga swerteng kulay ngayong year of the Metal Ox 2021?
 SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO
Ano kaya ang swerteng kulay sa loob ng bahay ngayong 2021?

Naniniwala ang mga Chinese na ang kulay ay kadalasang magdadala ng positibo sa buhay base sa enerhiya at koneksyon o pagkakaugnay mo sa taon at darating pang mga taon. Ang bawat tahanan ay magkakaiba ang hilig o paboritong kulay at personalidad, ibig sabihin hindi porket swerte ang pula sa iyong kapitbahay ay swerte na din ito sayo.
Kung ang layunin ay magiging maswerte sa darating na taon, isipin mabuti kung anong kulay ba ang malapit sa iyong puso o kinahihiligan mo, lalo na sa parating na taon ng Metal Ox 2021.
SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO
Ang swerte sa loob ng bahay ay nakadepende sa direksyon kung saan nakaharap ito, dahil ang bawat kulay ay may dalang iba’t iba klase ng swerte. Tulad rin ng kung anong hayop ang sinisimbulo ng ating kapanganakan. Kaya’t kada taon ay magkakaiba ang dalang swerte ng bawat kulay sa ating buhay.
 
ANG KULAY PULA AY NAGBIBIGAY NG KAYAMANAN
 SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO
Ngayong 2021, and pula ay sumisimbolo sa kayamanan. Swerte ito, sapagkat nangangahulugan ng karagdagan kita at pasok ng salapi.
Sa kabilang banda, kung ang kulay pula ay kilala sa pagiging swerteng kulay nito, makabubuting huwag itong abusuhin. Halimbaw, kung ang pagsusuot ng gamit na kulay pula sa ating katawan ay talagang swerte, ibang usapin naman kung kukulayan natin ng pula ang ating buong kabahayan. Sapagkat, kung kulay apoy ang nangingibabaw sa ating buong tahanan, hindi na maganda ito sa paningin.
Halimbawa, kung maglalagay ng pulang carpet sa pintuan, nangangahulugan ito ng paglapit ng mga swerte, ngunit kung ang buong kabahayan ay kinulayan ng pula, maaaring lumayo ang swerte at puro kamalasan ang dumating na maaaring humantong sa pagkawala ng kita o pera. Ibig sabihin, ilagay sa tamang lugar at wag maging OA sa paglagay ng pampaswerteng kulay. Huwag abusuhin at tirhan naman natin ang iba ng swerte.
 
Sa mga paniniwala ng mga Chinese, ang pula ang pinakamaswerteng kulay. Kaya hindi ito nawawala, tuwing pag-sapit ang Chinese New Year, kasalan, mga kasiyahan tulad ng unang buwan ng kapanganakan ng isang sanggol at mga kaarawan ng mga apo.
Kulay pula rin ang paboritong ikinukulay sa mga templo at mga kainan sapagkat naniniwala sila na mabisa ang kulay na ito upang makaakit ng mga bisita at mga mamimili.
 
ANG KULAY DILAW AY SUMISIMBOLO NG KATANYAGAN PARA SA TAONG 2021
SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO
Ngayong 2021, ang kulay dilaw ay nagbibigay ng kasikatan, kapangyarihan at mataas na estado sa buhay. Ito ang kulay sa mundo na kung saan kinakatawan nito ang pagiging matatag at matiyaga. Ngunit, dahil sa dami ng taong nangangarap na maging maswerte sa mundo ngayon, ang sobrang paggamit ng kulay na ito ay magdudulot ng labis na pag-aalala at stress patungkol sa pera, trabaho, at kabuhayan.
 
ANG KULAY PUTI AY NAGBIBIGAY NG KASAGANAHAN
SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO
Ang kulay puti ay maihahalintulad rin sa kulay ng Metal, kung saan magbibigay ito ng kapangyarihan at kasaganahan ngayong 2021. Maaari ring ihalintulad ang Metal sa silver at gold. Ang parehong mga metal na ito ay nangangahulugan din ng salapi kaya naman maituturing din itong swerte.
 
ANG KULAY BERDE AY PARA SA PAGIGING MALIKHAIN
SWERTENG KULAY SA 2021 CHINESE HOROSCOPE? MASWERTE AT BUWENAS COLORS WALLET BAHAY TINDAHAN NEGOSYO
Ngayong 2021, ang kulay berde ay talaga namang maituturing na swerte. Sinisimbulo nito ang katalinuhan at pagiging malikhain. Kaya naman ang kulay berde ay isa sa paboritong kulay ngayong taon.
 

ANO MGA SWERTENG KULAY SA ATING TAHANAN NGAYONG 2021
Upang maging maganda ang taong 2021, narito ang mga kulay ayon sa eksperto na magbibigay ng swerte sa loob ng tahanan.
Ang unang dapat na gawin sa pagpasok ng 2021 ay ilagay ang pulang carpet sa ating pintuan upang pumasok ang swerte sa loob ng tahanan.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan ay nakatapat sa direksyon ng timog, makabubuting kulayan ang bahaging ito ng kulay puti. Upang ang swerte ay patuloy na darating sa inyong tahanan.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan naman ay nakatapat sa Timog-Kanluran, makabubuting iwasan ang pagtatanim ng halaman sa bahaging ito o kulay na kapareho ng halaman, tulad ng berde. Sa halip, maglagay ng anumang bagay na kulay pula tulad ng basahan o maaaring magsabit sa pinto ng mga barya o maliit na kampana, dahil ito ay pantaboy malas at panghatak ng positibong enerhiya.
-       Kung ang pintuan naman ay nakatapat sa direksyon ng Kanluran, kinakailangang mayroong carpet sa ating pinto. At ang swerteng kulay na maaaring gamitin ay pula at dilaw na kumakatawan sa elemento ng apoy at elemento ng mundo.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan naman ay nakatapat sa Hilagang-Kanluran, kulay asul o ang kulay na naglalarawan sa Tubig ang mainam, upang maprotektahan ang tahanan sa posibilidad na pagkaubos ng kita o pinagkakakitaan.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan naman ay nakatapat sa Hilaga, makabubuting iwasan ang kulay na kumakatawan sa ating mundo tulad ng kulay dilaw. Sa halip, gumamit ng mga kulay na sumisimbulo sa Tubig o halaman- ang kulay asul at berde, upang maiwasan ang posibilidad na pumasok ang mga sakit sa tahanan.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan naman ay nakatapat sa Hilagang-Silangan, mainam ang kulay pula upang makaakit ng swerte.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan naman ay nakatapat sa Silangan, kulayan ang bahaging ito ng kulay berde o lagyan ito ng mga halaman upang mas maging malapit ang inyong pamilya sa isa’t-isa.
-       Kung ang ating tahanan o pintuan ay nakatapat sa Timog-Silangan, iwasang maglagay ng anumang kulay pula. Sa halip, kulayan ang parteng ito ng kulay puti.
 
MGA SWERTENG KULAY NGAYONG 2021 AYON SA IYONG ANIMAL SIGN
1.     Ang kulay puti at dilaw ay ang swerteng kulay ng mga ipinanganak sa taon ng kabayo.
2.     Sa mga ipinanganak naman sa taon ng Unggoy, Tupa, Baka at Tigre, kulay pula naman ang swerteng kulay.
3.     Sa Tandang naman, makabubuting gumamit ng pula, dilaw at berde.
4.     Kung ikaw naman ay ipinanganak sa taon ng Aso, Baboy at Daga, makabubuting bawasan ang labis na pagsusuot ng kulay asul at itim. Sa halip, palaging magsuot ng kulay berde.
5.     Samantala, sa Kuneho naman ay kulay berde. Sa mga Dragon at Ahas naman ay puti, lila, gold at silver ang swerteng kulay para sa mga ito.
 

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.