Talambuhay ni Andres Bonifacio Sino si Andres "Supremo" Bonifacio? Ama ng Rebolusyon at Utak ng Himagsikan Biography

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino” at kilala sa tawag na Supremo. 
 
Siya ay isinilang na hindi salat sa pera. Half-spanish ang kanyang ina, at may pribado siyang tutor or titser na nagtuturo sa kanya. Sa edad na 14, namatay ang kanyang mga magulang. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakakabatang kapatid na babae at lalaki. Si Bonifacio ay nakatapos sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu.
 
Upang may mapagkakakitaan, inutusan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siyang gumawa ng baston na yari sa kahoy at papel na pamaypay, upang kanyang ilalako sa kalye.  Sa kabila ng kanyang kakulangan sa antas ng edukasyon, tinuruan niya ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog. Siya ay naging kawani ng Fleeming and Company. Isang kompanya na nagtitinda ng ratan at iba pang mga paninda. Dahil sa kanyang kasipagan siya ay na-promote bilang ahente. Sa gayon hindi pa din sapat ang kanyang sweldo para pang-sustento sa mga kapatid. Nagpasya siya na lumipat ng kompanyang Fressell at Company, bilang ahente. Nagpursige siya sa kanyang trabaho at tumaas ang kanyang katungkulan.
 
Kinihiligan ni Supremo ang magbasa ng libro. Ang mga librong nabasa niya ay ang mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere, at El Filibusterismo, Ang nga Buhay ng Pangulo, Ang “Les Miserables” ni Victor Hugo (Isinalin niya sa tagalog). Nabasa niya din ang Ang Pagkasira ng Palmyra at Himaksikang Pranses. Nakapagsulat din si Andres ng mga artikulo at tula, isa sa mga pinakasikat na kanyang isinulat ay “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.
 
Nagkaroon siya ng isang malalim na interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Estados Unidos. Dahilan upang makakuha siya ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na proseso.
 
Ang kanyang mithiin ay mabago ang sitwasyon ng kanyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982. Layunin niyang pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa. Ngunit nadakip at nakulong si Jose Rizal.
 
Dahil sa pagbabasa, naging rason upang makabuo si Andres Bonifacio ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK. Ang KKK ay nangangahulugan ng Kataas-taasang, Kagalang-galang na Katipunan ng mga anak ng bayan. Itinatag niya ang Katipunan noong Hulyo 7, 1982, kasapi sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata, at Deodato Arellano. Isang Lakambini ng Katipunan o Firstlady ng Katipunan ang kanyang maybahay na si Gregoria de Jesus. Nalaman ng mga Espanyol ang Katipunan noong Agosto 19, 1896. Nakaiwas at nakaalis si Bonifiacio at marami pang mga Katipunero sa Manila mula sa paghahanap ng mga Espanyol at humantong ang kanilang pagtakas patungo sa isang baryo sa Caloocan, Balintawak. Bitbit lamang ng mga bolo, sibat, paltik, at ilang mga lumang Remington rifle. Nagpulong ang mga Katipunero noong Agosto 24, 1896. Ang pag-uusap ay isang magandang simula at dinaluhan ng 500-1,000 katao. Ang kabanata na ito ng rebolusyon ay tinagurian ngayong “Ang Sigaw sa Balintawak” at kilala rin sa tawag na “Ang Sigaw ng Pugad Lawin”.
 
Sa kalagitnaan ng pulong, mainit ang debate sa pagitan ng Katipunerong salungat at doon sa pabor sa pag-aalsa. Sa galit ni Andres dahil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng kanyang mga tao ay binigkas ni Bonifacio ang mga katagang ito:
 
"Kalayaan o kaalipinan? Kabuhayan o kamatayan? Mga Kapatid: Halina't ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling Kalayaan "
 
Pagkatapos ay pinunit ni Bonifacio ang kanyang cedula at sumigaw ng “Mabuhay ang Katipunan!”. Ang pagsuway na ito sa mga Kastila ay naging isa sa mga pinakamainam sa araw sa kasaysayan ng Pilipinas.
 
Nagpunta si Andres Bonifacio sa Cavite kasama ang kanyang asawa at ang kanyang dalawang kapatid, sina Ciriaco at Procopio. Dito ay pag-usapan kung paano idedepensa ang Cavite dahil ang mga Katipunero ay nakaranas ng madalas na pagkatalo sa labanan. At upang tapusin na ang lumalalang hidwaan ng pangkat Magdalo at pangkat Magdiwang.

Noong Disyembre 31, 1896, isang pagpupulong ang isinagawa upang malutas ang suliranin.Inanyayahan ng dalawang pangkat si Bonifacio sa Cavite upang mamagitan at magpulong.Ngunit, sa halip na maayos ang gulo, pinag-usapan nila ang pagpapalit ng pamahalaan ng Katipunan sa isang pamahalaang rebolusyonaryo. Ito ay ang mungkahi ng pangkat Magdalo. Walang nangyari sa nasabing pagpupulong at nanatili pa rin ang suliranin.
 
Taong 1897, ika-22 ng Marso muling Nagsama-sama sila sa Tejeros at napagkaisipan nila na bumuo ng pamahalaang rebolusyonaro na halili sa Katipunan. Sa oras nang pagtitipon, wala si Aguinaldo dahil nakikipaglaban sa mga Espanyol. Kung kaya’t si Bonifacio ang namuno ng kumbensiyon. Ang mga tumakbo para sa Pangulo ay si Aguinaldo, Bonifacio at si Mariano Trias.
 
Nang bumoto ang mga tao, nanalo si Emillio Aguinaldo na may 146/256 na boto. Ang pumapangalawa naman ay si Bonifacio na nakakuha ng 80/256 na boto. Ang huli ay si Marino Trias na nakakuha ng 30/256 na boto sa mga Katipunero.
 
Inihalal si Andres Bonifacio bilang “Director of the Interior”, ngunit tinutulsn ito ni Daniel Tirona. Ang dahilan ay hindi siya abogado at mas mataas daw ang pinag-aralan at may kaya si Jose Del Rosario kaysa sa nahalal sa tungkuling hahawakan. Ikinagalit ito ni Bonifacio at dahil sa pagkagalit muntik niya na barilin si Daniel Tirona. Nilisan niya ang kumbensiyon kasama ng kanyang mga tagasunod. Si Aguinaldo ay hindi nakapunta sa pagpulong ngunit ibinalita sa kanya na siya ay nanalo. Kinagabihan ay nanumpa siya at ang iba pang nahalal sa kumbensiyon, maliban kay Bonifacio.
 
Lumipat si Bonifacio sa Naic, Cavite at sinumulang magtatag ng sariling pamahalaan at pwersa. Dahil sa pangamba ng mga kasama ni Aguinaldo na mahati ang mga maghihimagsik kung pababayaan si Bonifacio na magtayo ng sariling pamahalaan at hukbo. Kung kaya’t kinumbinsi nila si Aguinaldo na ipadakip si Andres Bonifacio. Samantala ang mga tropang heneral na kastila ay nagbantang sakupin ang Cavite.
 
Kasama ang buong pamilya, nilisan nila Andres ang Naic at papunta sa Indang. Sa kanyang pagbabalik sa Montalban, nagpadala ng tauhan si Emillio Aguinaldo upang siya ay dakpin. Ngunit lumaban sila Andres at nagkaroon ng labanan ang pangkat ni Aguinaldo at ang pangkat ni Bonifacio. Nung sila ay naglalaban namatay ang isang kapatid ni Bonifacio na si Ciriaco.
Inakasuhan ng sedisyon at pagtataksil laban sa pamahalaang rebolusyonaryo si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio. Ang mga hurado ay nagdisesyon na patayin si Bonifacio at ang kanyang kapatid. Sila ay pinatay noong Mayo 10,1897. binaril sila sa Bundok Buntis na malapit sa Maragondo, Cavite.
 
Makalipas ng ilang taon ng mamatay si Andres Bonifacio, nag-asawa muli ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus kay Julio Nakpil.
 
Hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang bangkay ni Bonifacio at ng kanyang mga kapatid.
Naging malaking parte ng kasaysayan si Andres Bonifacio at ang kanyang pamilya sa pakikipaglaban sa mga dayuhang na nais sumakop sa atin. Kahanga-hanga ang kanilang ipinakitang tapang para sa bayan dahil handa nilang ibuwis ang sariling buhay. Mabuhay ka Andres Bonifacio.
 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.