TAMA PO BANG MAGBIGAY PA DIN NG SUSTENTO SA ANAK KAHIT NA NASA PUDER NA NG LALAKI ANG ANAK?

Ann Esguerra
is a Marketing Officer in the Philippines

Mayroon po akong kapatid na lalaki, hiwalay na po sila ng kanyang ex at may anak sila.Wala pang trabaho at tanging magulang ko ang sumusuporta dito para makapagtapos sa pagseseaman pati na din ang pagbibigay ng sustento sa anak niya dahil nananakot ang ex nito na sasampahan siya ng kasong rape (kahit na ginusto naman daw nila itong mangyari). 

Anim na taong gulang na ang anak nila at nagkasundo sila na magbibigay ng sustento ang nanay ko kada linggo at kapag weekend naman ay ipapahiram sa amin ang bata. Nangyayari naman ito pero minsan kahit nagbibigay kami ay hindi ipinapahiram ang bata. Ano po ba ang mabuting gawin dito? 

Isa pa pong tanong ay dapat pa po bang magbigay kami ng sustento sa ina ng bata kahit na nakabakasyon ang anak at sa amin nakatira?

Dahil malapit na itong magpitong taon ano po bang hakbang ang dapat naming gawin para makuha na namin ang bata sa ina niya dahil awang awa na po kami sa bata. Nakatira po ito sa barong barong na bahay, lagi din itong inaaway ng mga pinsan niya dahilan para magkaroon siya lagi ng sugat  at pinagbabantay pa ito ng mas nakababatang kapatid nito (1 year old; kapatid sa ina)

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
I presumed na hindi kasal ang iyong kapatid at ang ina ng bata, in this case ang custody ng bata ay nararapat sa ina at ang ama ng bata ay binigyan lang ng visitation rights sa bata ito ay mapapag usapan kung gaano kadalas. Dahil recognized ng ama ang bata kailangan suportahan niya ang kailangan ng bata hindi ang ina. Pwede po kayong magpetitisyon sa korte na ang custody ng bata ay ibigay nalang sa kanyang ama if you have evidence to show na unfit ang mother na mag alaga nito dahil lasingera, immoral, may sakit na nakahahawa or iba pang reason na hindi talaga makakabuti sa kapakanan ng bata. In case you will need a lawyer para sa pagpafile ng petition sa korte po.
Ann Esguerra
is a Marketing Officer in the Philippines
Hindi po sila kasal ma'am dahil hindi maganda ang ugali ng babae. Sinusuportahan pa din naman po namin yung bata. Sa katunayan nga pa ay nasa amin ito ngayon dahil naaawa kami sa lagay ng sitwasyon niya sa kanyang ina. Pwede din po bang maging factor yung tinitirhan ng bata sa puder ng nanay niya at ang mga sugat na natatamo nito dahil inaaway siya ng mga pinsan niyang bata? Tsaka yung bata nagtatapon siya ng basura ng kapitbahay nila para magkapera dahil ayaw daw itong bigyan ng pera ng nanay niya kahit ng nagbibigay kami ng panggastos ng bata.

Bale nagkaroon po sila ng kasunduan na magbibigay ang mama ko ng 750/week at kapag weekends naman po ay sa amin ang bata. Ngayon po dahil bakasyon pinakiusapan namin na baka pwedeng sa amin na lang muna ang bata para maturuan at matutukan ang pangangatawan. Pero kahit na nasa amin ang banta nanghihingi pa din siya ng sustento. (utang daw po namin ito sa kanya) Miski po yung anak niya eh ayaw na sa kanya at naiinip na ito dahil gusto niya ng mag 7 para makuha na namin sa kanya. Sobrang matured mag isip ng bata.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mapapag usapan naman po ninyo ang support na ibibigay dahil naman po ito fix ayon sa batas nakadepende ito sa pangangailangan ng bata at financial resources ng magbibigay ng support. Ngayon po gusto ninyong kunin ang custody pwede yang maipresent as evidence pero kulang yan. Mas mabuting kumuha nalang po kayo ng lawyer para tulungan po kayo para sa pagpafile nito lalo na kung ang bata mismo ay ayaw na rin tumira sa nanay niya magiging factor po ito na baka unfit yung ina na mag alaga.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.