Teknik sa Paggamit ng Cellphone: Sikretong dapat mong malaman

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

May mga sikreto sa paggamit ng phone na di alam ng nakakarami. Importanteng malaman itong mga Teknik tuwing emergency tulad ng pag save ng battery kapag paubos na, o mabilisang pag-charge ng battery. O kaya naman tuwing kelangan palakasin ang volume. Kelangan din ito malaman upang maalgaan ang phone at di masira kaagad.

Narito ang iilang Teknik sa paggamit ng cellphone na dapat mong malaman:
 
1.     I-restart ang phone ng kahit 1 beses man lang sa isang linggo – Para tumagal ang iyong phone at maiwasan masira o mamatay bigla, ugaliing patayin ng kahit mga 1 minuto man lang bago i-start ulit. Wala pa naman 3 minutes ang pagpatay at pag-start ulit.  Dahil tuwing gumagamit tayo ang phone, may nada-download tayo, o na-install o na-update tayo. Kaya maaaring may nadagdagan o nabubura ng hindi maayos sa operating system ng phone. Kapag rinestart ang phone, mawawala itong mga problema at tutulong na gumana ito ulit ng maayos. Maiiwasan din ito ang mabilis maubos ang battery, dahil nasasara ang mga nakabukas na apps at memory.
2.     Kapag malapit ka na ma-low batt at wala kang machargan ng phone, kelangan mong mag-save ng battery, para di maubos agad, lalo na kapag nasa labas ka. May dalawang paraan pwedeng gawin:
a.     Gawing black ang wallpaper ng cellphone. Ang liwanag ng phone o brightness ay nakakabawas ng battery, kaya’t ang madidilim na wallpaper ng phone ay nakakatulong mabawasan ang pag-drain ng battery.
b.     I-disable ang auto-rotate – i-on lamang ang ‘Auto-rotate’ screen kapag kailangan. Dahil gumagamit ito ng sensor na nakaka-drain o ubos ng battery.
Importante rin na di ma-low batt kapag mahina ang signal, dahil kelangan ng phone ng power para mahanap ang pinaka-malapit na cell tower. Kapag paubos na ang battery, mahihirapan mag-locate ang cellphone ng signal, kaya’t mahina ang reception.
3.     Kapag nagmamadali ka na mag-charge agad ang phone o gusto mong mabilis magcharge ang phone, ilipat sa ‘Airplane mode’ ang phone. Dahil kapag naka-airplane mode, hindi naghahanap ng signal ang phone, kaya’t mas madali ito magcharge kaysa sa normal mode.
4.     Mahirap kumuha ng litrato ng isang kamay lang, lalo na kapag malaki ang iyong phone. Maaaring gumalaw ang phone at maging malabo ang kuha. O baka mahulog pa ang phone mo at masira. Kaya para hindi mahirapan pumindot sa sentro ng phone tuwing kumuha ng litrato, ipindot lamang ang volume button sa gilid.
 
5.     Para palakasin ang volume ng cellphone ilagay ito sa malaking baso, cup o mangkok. Halimbawa, kapag may kausap ka at di mo masyado marinig kahit naka-speaker. O kapag sinet mo alarm clock para magising ng maaga, pero natatakot kang di mo marinig ang alarm, dahil mahina. Subukan mong ilagay ang phone sa isang baso o tubo na kasya, at lalakas ang volume. Maaari ring gumamit ng paper cups.
 
6.     Iwasang gamitin ang phone habang naka-charge, para di may posibilidad na mag-overheat, lalo na kapag di original ang gamit na charger. Iwasan din na icharge ang phone ng sobrang matagal o ng buong magdamag habang natutulog, dahil nakakasira ito ng battery.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)