Tinatago ng doktor sa pasyente: Sikretong ayaw ipaalam sa iyo ng doktor

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maaaring hindi lahat ng oras ay nagsasabi ng totoo ang mga doktor sa kanilang pasyente. Hindi dahil sila ay masama, kundi tao lamang sila na nagkakamali din. At may mga tinatago rin ang mga doktor na ayaw ipaalam sa mga pasyente.
Kaya’t bilang pasyente, makakatulong kung alam natin itong mga sikreto ng mga doktor, upang maproteksyonan ang ating sarili o ang minamahal. Aba, kalusugan natin na ang pinaguusapan dito.

Narito ang mga 9 na sikreto ng mga doktor na ayaw ipaalam sayo:
 
1. Kahit ang pinakamagaling pa na doktor ay maaaring magkamali sa pag-diagnose ng sakit.
Paano ito maiwasan? Unang una, mahalabang ilatag sa doktor ang lahat ng iyong nararamdamang sintomas. Mabuting gumawa rin ng sariling research at wag umasa lang sa doktor. Halimbawa, pwedeng mag-search sa internet tungkol sa mga sintomas at sanhi ng iyong sakit. Kung may pagdududa, maaring bumalik sa doktor upang malinawan, o di kaya ay magpasuri sa ibang doktor para sa second opinion para makasigurado. Maaari ring magtanong sa pharmacist sa botika.

2. Kahit ang mga magagaling na doktor ay maaaring magkamali minsan ng diagnosis o reseta o dosage ng gamot. Paano makakaiwas dito? Una, huwag mahiyang magtanong sa doctor at siguraduhin na tama ang reseta. Lalo na kung meron kang pagdududa. Minsan sa kakamadali ng doktor, baka may mali sila nailagay.

3. Minsan ay maraming pinapa-test sayo ang doktor. Maaring ang ibang test na iyon ay di naman ganun kaimportante sa ngayon dahil walang direktang connection sa nararamdamang sakit. Pwedeng ang test na ipapagawa ay para lang makasigurado na wala kang ibang sakit. Halimbawa, pinapakuha lang ng doktor ang karagdagang test, dahil baka sila ay masisi kung sakaling may sakit kang hindi nila nakita kaagad. Para narin yan sa proteksyon ng doktor para hindi sila masisi. Kaya’t mahalagang magtanong kung ano ang layunin ng bawat test. At kung kulang ang budget, tanungin din ang pinakaimportanteng test na dapat maunang gawin.

4. Maaaring hindi iniisip ng doktor kung saan ka makakamura. Alam naman natin na mahal magpatest at kahit ang mga gamot. Kadalasan hindi sinasabi ng doktor o hindi nila ino-offer kung saan mas makakamura ang pasyente. Minsan ay may mga services o tests na naka-promo o pwedeng may discount, kaya importanteng magtanong-tanong sa staff ng ospital.

5. Maaaring hindi alam ng iyong doktor ang mga pinaka-bagong research, paggamot o teknolohiya para sa iyong kondisyon o sakit. Halimbawa, kung ikaw ay ooperahan, tanungin muna kung may ibang paraan ba para magamot ng di ooperahan, at kung maaari ba na hindi agad-agad operahan, at ano ang mangyayari. O baka may bagong teknolohiya o gamot na natuklasan na. Kaya’t mas mabuting magpa-second opinion sa ibang doctor kung may malaking operasyon. Alamin ang lahat ng options. Kailangan mo munang suriin at alamin kung ano ang positibo at negatibo ng bawat option.

6. Maaari mayroon silang koneksyon sa mga pharmaceutical companies o medical companies na nagbebenta ng mga medical equipments o gamot. Halimbawa, baka may commission sila sa rinesetang gamot o medical device. Kaya’t mahalagang magtanong ng “Bakit ito o Bakit dito?” o “Pwede bang ibang brand ang bilin?”

7. Kapag inirerekomenda ka ng doktor sa isang espesiyalista ng iyong sakit, kadalasan ay irerekomenda ka niya sa kanyang kaibigang doktor. Syempre natural lamang ito, dahil gusto ka niya irekomenda sa doktor na kilala na niya. Ngunit hindi nangangahulugan na ang doktor na iyon ang pinaka-mahusay o magaling. Kaya’t maaari ka rin pumili ng ibang espesiyalistang doktor. Ang importante ay alam mo na kung anong klaseng espesiyalista ka dapat magpatingin.

8. Maraming doktor ang stressed at pagod, na nakakaapekto ito sa kanilang trabaho. Syempre tao lamang din naman sila na napapagod din tulad natin.
Ano ang iyong pwedeng gawin para maaalagaan ka ng mabuti ng doktor? Tandaan na kadalasang 10-15 minutos lamang tumatagal ang doktor sa bawat pasyente. Kaya mahalaga na maaga ka o on time sa appointment. Bago pumunta kailangang ihanda mo na ang sarili kung ano ang sasabihin mo. Sabihin sa doktor kung kelan nakaramdam ng sintomas, gaano kabilis lumala ang sintomas. Kung sakali may iniinom na gamot, huwag kalimutang banggitin. Ang pagiging handa mo ay makakatulong upang mas maging malinaw sa iyong doktor kung ano ang iyong kondisyon.

9.     Hindi nagagamot ng antibiotics ang lahat ng sakit. Karamihan ng ubo, sipon, lagnat, at impeksiyon ay sanhi ng viruses, na kusang gumagaling, at hindi makakatulong ang antibiotics, sa halip ay baka magkaroon pa ng side effects o bacterial resistance.
 
Hindi sa sinisiraan natin ang mga doktor. Kundi bilang pasyente, meron din tayong resposibilidad na matuto at mag-alam kung ano ang mga at dapat natin gawin lalo na sa ating sariling kalusugan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.