Kung isa ka ding OFW na nangungulila sa mga kamag-anak mo sa Pinas, malamang na madalas ka ding humugot. Paraan na yan ng halos lahat, OFW man o hindi para mabawasan ang stress sa trabaho at pagka homesick. Siguradong makakarelate ka sa listahan ng mga hugot lines at mga jokes para sa mga OFW. Heto ang ilan sa mga yan:
- Madalas kahit pagod na, nagugutom na, inaantok pa at kahit may karamdaman pa, lahat pa rin ay kinakaya alangalang sa pamilya.
- Bawat tao eh may kapaguran, pagod umiyak, pagod magmahal at pagod masaktan. Kaya dapat pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa iyo dahil gaano kaman kamahal ng mga iyan, napupundi at makakaya kadin nilang iwanan.
- Walang salitang pagod na ako sa isang OFW, batsa para sa kinabukasan ng anak, lahat kinakaya.
- Ang paga-abroad ay tawag ng kapalaran. May nagbabago ang buhay, may nagtatagumpay, may umaangat, may nakakapagpundar, may nabibigo may nababaon sa utang, minsan mas masakit, may umuuwing bangkay o wasak ang tahanan.
- Marami ka mang hiniling kay God na hindi niya binigay, mas marami naman siyang ibinigay na hindi mo hiningi.
- Nung nasa Pinas ka , ang maliit na kita, KASYA NA! Ngunit nung nangibang bansa ka, na hindi hamak na mas malaki na ang kita, halos ipadala mo nga lahat sa iyong pamilya. Pero ang daing pa nila, KULANG PA!
- Ilang taon ka na dyan wala ka pa nagawa? Di ba ang sakit ng ganun eh alam naman nila na halos buwan buwan ka nagpapadala para sa kanila ni di mo naiisip na may matira sayo di ba?
- Nag-abroad ka para guminhawa ang buhay ng iyong pamilya hindi para magkaroon sila ng ibang pamilya.
- Kapag nag-abroad sabi nila, Wow! Siguro dami mo ng pera no? Ang hindi nila alam ay na resibo nalang ang hawak mo at ang kamay mo pa ay puro kalyo.
- Hindi mayayaman ang mga Ofw. Marami lang talagang nagmamayaman lang at inuuna ang yabang.
- Ang taong naiinggit sayo dahil nasa ibang bansa ka, walang ibang alam gawin kundi manghusga at manlait.
- Hindi porket nag-abroad, mapera na. Hirap at pasakit ang katumbas ng bawat sentimong kinikita, kaya huwag kang umasta na kung makahingi ka parang may IPINAPATAGO ka!
- Hindi man tayo nag-uusap araw-araw, nagkikita ng madalas, nagtatawanan na gaya ng dati, walang ibang pwedeng pumalit sa pagmamahal mo.
- Ang mga OFW ay hindi mga ATM machine o money transfer machine, na lalapitan mo lang kapag kailangan mo dahil napapagod, nasasaktanat nauubusan din sila.
- Abroad. Salitang masarap pakinggan pero diyan mo din mararanasan ang hirap kawalan at problemang di inaasahan.