Tungkol sa titolo ng lupa at hindi nababayaran na buwis?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay ofw ngayon sa Taiwan mayroon po akong malaking problema tungkol sa lupa na kina ti tirikan ng bahay ng pamilya ko.
Ang nanay ko po ay bumili ng lupa sa lolo niya noong 1970's pa, wala po itong official na papeles
ang papel lang po na hawak ng nanay ko ay "Declaration of Real Property" ang nakasulat po dito ay ang lupa ay binili ng nanay ko na si Marlene at ng aking tatay na si Frederico parang ang nagyari conjugal property ng nanay ko at tatay ko ang lupa namin
kaso yun po ang malaking pagkakamali kasi ang pera na ibinili ng lupa namin ay galing lang sa nanay ko, wala pong ibinigay na kahit singko ang tatay ko sa lupa pati sa mga binayaran na tax nakalagay na receiver ay ang tatay ko pero wala naman pong naibigay na pera or ambag ang tatay ko habang binabayaran ng nanay ko ang mga tax ng lupa kada taon.
kinokwestyon nga po namin ang nanay ko ngayon dahil bakit naman nakapangalan din ito sa tatay ko eh! wala naman siya naiambag na pera dito sa lupa namin. ang nanay ko po ay elementary lang ang natapos kaya siguro hindi niya na napansin na hindi pala dapat conjugal ang lupa na ito at hindi rin po kasal ang nanay at tatay ko dahil ang tatay ko po ay may mga anak sa una niyang asawa.
sa ngayon po ang tatay ko ay stroke na at ang nanay ko po ay nandito ngayon sa amin maayos pa po siya.
ang gusto ko po sana ay matagtag ang pangalan ng tatay ko doon sa "Declaration of Real Property" bale ang balak po namin magkakapatid ay dapat ang lupa ay nakapangalan lamang sa aking nanay dahil yun naman po ang dapat na nangyari dapat ang lupa namin ay nakapanaglan lang sa nanay ko.
paano po kaya ito maayos
PANGALAWA: ang lupa po na ito ay more than 15 years ng hindi nabu buwisan, pero hindi pa naman po kami napapadalhan ng notice na paalisin kami dito kasi ang nabasa ko po sa forum na kapag ang lupa ay hindi na buwisan ng more than 10 years ay iilitin or i-auction na ito ng gobyerno , siguro hindi palang po ito napapansin ng mga taga munisipyo dito sa amin.
pero ayon sa mga napagtanungan ko na mga kapitbahay ko sila din more than 25 years na rin na hindi nakakapag buwis pero wala pa naman sila nakukuha na notice mula sa gobyerno or munisipyo.
paano po kaya ito hindi po makapag tanong ang mga kapatid ko na nasa Pilipinas sa munisipyo namin kasi baka bigla nalang nila ilitin ang lupa namin wala po kaming titirhan baka sa kalsada nalang kami tumira pag hindi po ito naayos.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa ganitong sitwasyon nagsasama pa rin ba ang tatay at nanay mo dahil mas madaling pakipag usapan ang tatay ninyo kung talagang yan ang totoo na pera lang ng nanay ninyo ang ginamit na pangbili na ilipat nalang ang titulo sa pangalan ng nanay maaring by way of deed of sale mas madaling gawin. Kaso kung hindi papayag ang inyong tatay sa korte na talaga aabot para patunayang exclusive property lang ito ng nanay ninyo. Bilang illegitimate na mga anak may share naman po kayo pati naman ang nanay nito kung talagang until now nagsasama pa rin sila as husband and wife bilang co-owner nito. About naman sa taxes pwede po kayong magtanong sa Municipyo sa assesor's office/treasurer's office kung ano na ang estato nito at kung magkano na ang dapat ninyong bayaran. Baka nai auction na ito or hindi pa mas mabuting alamin nuon. Pwede naman po kayong humingi na panibagong tax declaration at ipa assess kung magkano na ang tax nito.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.