Unang Signs ng Sakit sa Puso: Maagang warning signs ng atake sa puso

Medical Team
is a Medical expert in United States

Pangunahing sanhi ng kamatayan ang sakit sa puso. Pero marami ang di nakakaalam na mayroon palang mga warning signs na pinaparating ang ating katawan para maagapan ito. Sa kasamaang palad, binabalewala lang ng nakakarami ang mga senyales na ito. Alam niyo ba na naagpahiwatig pala ang sakit sa puso ng iilang bakas o palatandaan.
Narito ang 10 warning signs na maaaring may sakit sa puso:

Pananakit ng daliri sa paa
Mukang malayo naman sa bituka ang pananakit ng daliri ng paa. Ngunit kapag nakaramdam ka ng pananakit ng daliri ng paa habang nagpapahinga, at di naman dahil sa masikip ang iyong sapatos, kelangan mong bigyan ito ng pansin. Maaaring Aortoiliac occlusive disease ang sanhi nito, kaya’t magpatingin sa doctor tungkol dito, para makasiguro na walang kinalaman ito sa puso.
 
Paglagas ng buhok sa binti
Natutuklasan kung may peripheral arterial disease ang isang tao sa kakulangan ng pagtubo ng buhok sa kanyang binti. Dahil sa sakit na ito, naiipon ang dumi sa puso at pinipigilan ang daloy ng dugo sa binti. Kapag napansin mong nawawalan o nalalagas ang buhok mo sa binti, magpatingin sa doctor.
 
Madaling mapagod
Maaaring kulang ka lang sa tulog kaya napapagod. Ngunit maaari ring may problema sa puso dahil nababawasan ang dami ng dugo sa katawan kapag may problema sa puso at nahihirapan itong bumomba. Kaya’t pakiramdam ay pagod kahit s aumaga. Kaya’t mabuting magpatingin sa doctor kung ganun.
 
Problema sa pagtulog
Kadalasang nagagamot ang problema sa pagdulog. Ngunit maaaring sanhi din ito ng probema sa puso. Halimbawa, maaaring indikasyon ng tubig sa baga kapag nahihirapang huminga tuwing natutulog. Kaya’t pinapayuhan ang mga nahihirapang makatulog o matulog ng mahaba na kumunsulta sa doktor, upang makasiguro na hindi ito malala.
 
Ubo na di nawawala
Kapag hindi gumaling galling ang ubo ng matagal, maaaring indikasyon ito ng problema sa puso. Kapag nahihirapan ang puso na dumaloy sa iba’t ibang parte ng katawan, maaaring maipon ito sa ating baga, kaya’t palaging nauubo. Kapag nakahiga ka sa gabi at lalo kang ubo ng ubo, maaaring senyales ito ng problema sa puso, lalo na kapag ang dura o plema ay kulay pink.
 
Ayaw tumigas
Maaaring may kinalaman sa sakit sa puso ang erectile dysfunction. Dahil kelangan ng dagdag na dugo para tigasan ang ari. Nababawasan ang daloy ng dugo kapag may problema sa puso. Kapag may erectile dysfunction ka o ang iyong partner, magpatingin sa doctor.
 
Paninikip ng Dibdib
Isang maaagang palatandaan ng sakit sa puso ang paninikip ng dibdib. Kapag may kasamang hirap sa paghinga, mabuting magpatingin kaagad sa doctor o pumunta sa emergency room. Maaring makaramdam ng sintomas habang nagpapahinga at tumatagal ng ilang minute ang paninikip ng dibdib. Mahalaga na pumunta kaagad sa doctor o ospital.
 
Nahihimatay
Di normal ang palaging nahihimatay. Kapag nakakaranas ka nito madalas, magpatingin kaagad sa cardiologist. Maaaring dahil ito sa pagkapagod o kakulangan sa tubig, ngunit maaaring senyales din ito ng sakit sa puso.
 
Pagmamanas ng paa
Maaaring magmanas ang paa tuwing taginit, ngunit kelangan ding bigyang pansin. Kapag madalas mapansin na nagmamanas ang paa, maaaring indikasyon ito ng problema sa puso, dahil naiipon ang likido sa katawan, lalo na sa paa, kapag mahina ang sirkulasyon ng dugo. Magpatingin sa doctor kapag hindi nawawala ang pagmanas ng paa.
 
Sugat sa paa
Kapag ang mga sugat sap aa ay hindi naghihilom o bukas pa, dapat ito bigyang pansin, dahil maaaring indikasyon ito ng ‘Aortoiliac illness’. Halimbawa, ang Aortic stenosis ay ang pagbara ng ugat sa puso.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.