UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang impeksyon sa daluyan ng ihi o U.T.I. ay isang impeksyon na kinakasangkutan ng bato, at pantog o urethra.
UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales
Ang Urinary Tract Infection ay masakit, ngunit may mga paraaang maaaring gawin para maiwasan o magamot ang sakit imbes na gumamit pa ng antibiotics.
Kapag naagapan ang UTI, bihira ito magkakomplikasyon. Ngunit kapag pinabayaan, maaaring lumala.

Paano maiiwasan ang UTI? Ano mga pang-iwas dito?
Kapag binago ang mga maling nakasanayan, maiiwasan mo din ang impeksiyon. Narito ang mga dapat gawin upang makaiwas:
UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales
 1. Punasan ang puwet mula harap papunta sa likod
Matapos tumae, linisin ng dahan dahan, mula sa pwet, pataas papuntang bahagi ng likod. Huwag na huwag magpunas papunta sa direksyon ng ari. Huwag susubukang magpunas ng pangalawang beses gamit ang parehong tissue. Ang kahit anong pagpunas na nagmumula malapit sa butas ng puwit at lumalapit sa labasan ng ihi ay posibleng mapunta ang pathogenic bacteria sa pantog.
 
2. ‘Wag magpigil ng ihi
Iwasang magpigil ng ihi, dahil nagaanyaya ito ng pagtubo ng bakterya. Kadalasan mainam na umihi kada 3-4 na oras, lalo na sa mga buntis, na maselan sa UTI.
 UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales
3. Kasuotan
Huwag magsuot ng masikip na salawal na gawa sa makakapal na tela. Dahil sa mga telang ito, nabubuo ang pawis. Ito ay nagdudulot ng paglambot ng balat at pagtubo ng bacteria malapit sa bukana ng ari. Pinapayo ang salawal na gawa sa cotton para sa pang araw-araw na gamit, para di makapasok ang mga bacteria. Mahalaga din na palaging punasan ang ari para maiwasan ang pangangati. 
UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales
3. Sapat na tubig
Kapag napansing maitim o malubog o dark ang kulay ng ihi, ibig sabihin ay hindi sapat ang tubig na iniinom, damihan pa ito para maging malabnaw na dilaw ang kulay.

4. Palaging umihi para malinis ang pantog
Alam na alam mo na siguro kung bakit ito mahalaga. Dahil sa tuwing iihi tayo, inilalabas nito ang mga mikrobyo na nagdudulot ng impeksiyon. Ngunit di naman pwedeng piliting umihi kung sa tingin mo ay kakaihi mo pa lang.

Narito naman ang ilan sa mga natural na gamot laban sa UTI at mga paraan na pwede mong gawin para maiwasan ito:
UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales
1. Pataasin ang iyong Vitamin C
Kumain ng mga pagkain gaya ng orange, brocolli, kale, bell pepper, strawberry at bayabas. Ayon sa Johns Hopkins Medicine, napakahalaga ng Vitamin C dahil mas ginagawa nitong acidic ang ihi ng isang tao na pumipigil naman sa pagpasok ng bacteria sa daluyan ng ihi. Ipinapayo din ng Urologist ang paginom ng mga Vitamin C na supplement.
 UTI: Pang-iwas at Natural na Gamot sa Urinary Tract Infection: Ano Pang-agap sa UTI, dahilan sanhi senyales
2.  Garlic extract o Katas ng bawang
Base sa isang pagaaral, epektibo ang garlic extract panlaban sa mga mikrobyong nauugnay sa UTI. Ang garlic extract ay nakukuha sa katas o mantika na lumalabas kapag pinipiga ang bawang. Nabibili ito sa mga supermarkets o sa mga online stores.

3. Cranberry Juice – Isa sa pinaka-kilalang natural na gamot sa UTI ay ang paginom ng unsweetened cranberry juice. Natutulungan pigilan ng cranberries ang pagkapit ng bacteria sa daluyan ng ihi. Base sa isang pagaaral, pinainom ang mga babaeng dating nagkaroon na ng UTI at nabawasan ang pagkakaroon nila ng UTI sa loob ng isang taon. Kaya’t pinapaniwalaang nakakatulong ang cranberry juice, lalo na sa mga babaeng madalas magkaroon nito.
Tandaan na ang mga benepisyong nabanggit ay tumutukoy sa unsweetened cranberry juice o iyong hindi pinatamis o linagyan ng asukal, na kadalasang binebenta sa merkado.
Kapag walang mabili na cranberry juice, maaari ring kumain ng grapes o ubas.
 
4. Atchara – Kapag tayo ay nagkakasakit, pumapasok ang mga bad bacteria sa ating katawan at dumadami. Buti nalang at may mga good bacteria din sa ating katawan na lumalaban sa mga bad bacteria. Pinapanatili nilang balanse ang good at bad bacteria sa ating katawan. Ang mga mabubuting bacteria na ito ay tinatawag na Probiotics. 
Makikita ang probiotics sa mga fermented foods tulad ng pickles, kimchi, yogurt at atchara.
Napatunayan sa ilang pagaaral na ang iilang klase ng probiotics ay nakakatulong labanan ang UTI.
Ang kagandahan ng mga ito kumpara sa antibiotics ay wala itong side effects, hindi tulad ng mga antibiotics.
 
5. Palaging uminom ng tubig
Ito yung isa sa pinaka mahalagang dapat mong gawin kapag nalaman mo na may UTI ka. Ayon sa mga doktor, kapag regular kang umiinom ng tubig, mas madaling makaka-recover ang katawan mo dahil nalilinis ang bacteria.
Sikapin na uminom ng hindi bababa sa 8-10 baso kada araw.
 
Kapag madalas na nagkaka-UTI, ang iyong doktor ay magmumungkahi ng ibang gamutan tulad ng Mababang dosage ng antibiotics, panguna para sa anim na buwan ngunit tumatagal paminsan-minsan.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.