Virgo Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Virgo Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Virgo

Ang guhit ng iyong kapalaran sa 2018 ay nakaayon sa pagpapaunlad sa sarili mong kakayahan at magandang estado ng pinansyal. Subalit, maraming mag-aagaw ng iyong atensyon at kailangan mong magpokus upang makamit ang iyong inaasam na mabuting kapalaran.

Bubuhos ang iyong atensiyon sa pagpaplano upang bumuti ang iyong buhay pinansyal ngayong darating na 2018. Kailangan mo lamang na mahabang pasensya upang makamit ang mga ito. Panigurado na darating ang inaasam mong biyaya dahil pinagsikapan mo pagtrabahuin ang mga ito. Isabay mo na rin sa iyong pag-asensyo ang pagpapakalma sa iyong sarili at lubayan ang mga bagay na umaagaw sa iyong atensyon, katulad ng panonood, paglalaro, at iba pang pampatay oras na gawain. Sa kalagitnaan ng taong 2018, may posibilidad na ikaw ay magsusubsob nang husto sa iyong trabaho dahil sa pangangailangan na isumite ito sa tamang oras. Kailangan mo rin bantayn ang iyong kalusugan upang sa ganoon ay mahusay mong gampanan ang iyong mga gawain. Sa kabuuan, ang taong 2018 para sa mga Virgo ay taon ng pagpapaunlad sa sarili at pagpapabuti sa usaping pananalapi.

Buhay Pag-ibig
Mapalad ang buhay pag-ibig ng mga Virgo dahil ang posisyon ng mga bituin at planeta ay mananatiling magbibigay ng init sa relasyon ng kanilang mga kapareha. Subalit asahan din ang balakid na darating. Kung may hindi pagkakaunawaan sa iyong kapareha, kailangan itong aksyunan agad-agad dahil maaari itong mauwi sa hiwalayan kung hindi kayo nagkasunduan.

Para sa mga single na Virgo, hindi paborable ang unang bahagi ng 2018 para sa kanila. Kung ikaw ay matagal na naghahanap ng kapareha, ang iyong makakasalamuha ay hindi sumasang-ayon sa iyong pamantayan. Sa madaling salita, nag-aaksaya ka lamang ng panahon sa kanila. Huwag mo ding hayaan ibaba ang iyong pamantayan na tipong aabot sa pagiging desperado. Kailangan mo lamang maghintay sa taong halos perpekto para sa iyo sa tamang panahon. Kung ikaw naman ay magkakaroon ng panibagong relasyon, ito ay magiging panandalian lamang.

Buhay Karera
Kailangan buhusan ng atensyon ang anumang ipapagawa at paghusayan gawin ito. Kung ikaw ay naghahanap ng pagbabago, hindi pabor ang mga planeta at mga bituin sa iyo. Bagkus, kailangan mong higitan at paghusayan ang anumang gawain na ibibigay sa iyo at huwag na maghanap ng iba.

Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril, magiging maganda ang takbo ng iyong trabaho. Mayroon kang magandang panahon upang ipamalas ang iyong talent at abilidad. Kailangan mo lamang maging pasensyoso at huwag magmadali sa anumang bagay. Kailangan mo rin maghintay bumunga ang paghihirap na iyong gagawin. Mararamdaman mo ang ginhawa sa huling bahagi ng taong 2018 kung ikaw ay nagpundar at nagsakripisyo sa unang bahagi ng taon.

Buhay Pinansyal
Maganda ang presensya ng planetang Venus sa iyong kapalaran dahil mapapabuti ang estado ng iyong pinansyal. Mararamdaman mo ang unti-unting pag-angat nito sa unang linggo ng Marso. Ang kalagitnaan ng buwan ng Abril at Mayo ay panimula ng unang bugso ng iyong pag-unlad. Subalit asahan mo din ang biglaang gastos o paglabas ng salapi sa buwan ng Mayo hanggang sa Nobyembre. Kahit bumubuti ang estado ng iyong pinansyal, kailangan mong magplano o magkaroon ng long term plan upang hindi agad mawala sa iyo ang natanggap mong swerte. Kung ito ay iyong gagawin sa unang bahagi ng taon, asahan mo ang positibong resulta ng iyong plano sa huling bahagi ng taong 2018.

Dahil sa pakiramdam mo na ikaw ay may limpak-limpak na salapi, maaaring sumagi sa isip mo ang mamuhunan o hindi kaya ay bumili ng ari-arian. Kung matagal mo na itong pinaplano, mabuting gawin ito sa buwan ng Abril. Dahil ikaw ay pihikan o may masusing pamantayan kang sinusunod o hinahanap, magandang kumuha ng lupain na malapit sa kalsada at may malawak na bungad o garahe. Subalit huwag kang basta-basta magbibitaw ng desisyon lalo na kung pinagbasehan mo lang ito sa iyong kutob at hindi sa masusing pagpaplano. Magdesisyon lamang pagkatapos ng iyong konsultasyon at deliberasyon sa iyong mga kaibigan o kamag-anak. Gamitin ang pagkakataon na ito dahil paborable sa iyo ang buwan ng Abril kung ikaw ay mamumuhunan o hindi kaya ay bibili ng ari-arian.  

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.