Virtual assistant

Herlyn Pandongon
is in the Philippines

Panu pmasok bilang virtual assistant?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Pinky De Leon
is a Retired Government Employee in the Philippines
Ang unang kailangan upang maging isang Virtual Assistant ay dapat ikaw ay may computer at internet connection. Mahalaga ang mga bagay na ito dahil and trabaho ng isang Virtual Assistant ay nakasalalay sa computer at internet.

Mga kasanayan upang maging isang Virtual Assistant:
1. Ikaw ay mag kasanayan sa Office Applications gaya ng MS Excel at MS Word.
2. Maaari kang mag apply bilang Admin Assistant, Transcriptionist, Data Encoder at Internet Researcher.
3. Ang ilang kasanayan pa na maari mong gamitin upang maging isang Virtual Assistant ay maging isang Social Media Manager kung hilig mo ang mag Facebook, Instagram, Twitter o kaya naman ay Pinterest.
4. Maari mo pang dagdagan ang iyong kasanayan sa Email Management, Calendar Management at Wordpress Management.

Malawak ang trabaho ng isang Virtual Assistant. Maraming free online training na maaari mong salihan upang madagdagan ang iyong kaalaman at kasanayan.

Base sa iyong kakayahan at kasanayan (skills) ang isang bago o newbie na Virtual Assistant ay maaaring kumita ng $3-$12/hour.

Mag apply sa mga online jobs at sumali sa mga grupo ng mga Virtual Assistant sa mga social media groups. Dito ay makakakilala ka nang mga kapwa mo Virtual Assistant at maaari rin tumulong sa iyo upang makahanap ng trabaho.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.