Warts o butlig sa ari

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nagpagamot po ako kasi may warts o butlig po sa ari ko, marami po siya. Pinagamot ko po halos 5-6weeks ago nawala naman po yung iba pero habang tumatagal nagkakaroon po ulit. Pinaso po gamit yung machine na di-kuryente yung ginamit para pang tanggal ng mga warts o butlig pero nagkakaroon pa rin po talaga. Gusto ko na po talagang matanggal o mawala ito kasi sobrang stress na po talaga ko pero hindi pa rin nawawala, malaki laking pera na din po ang nagastos ko. Yung sa machine na di kuryente halos 5.5k na po nagastos ko doon pa lang po iyun pero hindi pa rin nawawala kaya natatakot po ako na baka lumala pa siya. Bukod po sa machine na di-kuryente may iba pa po bang paraan para matanggal o mawala tong warts o butlig ko? Yung 100% po na mawawala, yung sa paso kasi mukha naman pong hindi napapaso lahat kaya nagkakaroon pa rin po. Sa mga Dr. po na Specialist sa pagtanggal ng warts o butlig sa ari sana matulungan niyo po ako, willing po akong mag pagamot sa inyo para hindi na po ako ma stress kakaisip po dito. Sa mga Specialist po sa pagtanggal ng mga warts o butlig sa ari na marami na pong nagamot, willing po talaga kong mag punta sa Clinic niyo para po magpagamot para sure na mawala na po itong mga warts ko. Sana matulungan niyo po talaga ko, salamat po. Eurology po yung pinag gamutan ko tama naman po yun diba. Sa mga makakabasa po nito na mga Dr. po o may mga karanasan na tulad ng nararanasan ko ngayon sana matulungan niyo po ako't mabigyan ng magandang payo para mawala na po itong warts ko o butlig sa ari ng 100%. Maraming maraming salamat po. Godbless po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Maaring hindi nagagamot lahat ng genital warts kaya ito ay bumabalik. Sa asking opinion, mas mainam na makpagkinsulta kayo sa isang dermatologist. Ang warts kasi ay persistent pero dapat nawala ito sa electro cautery o pagsunog gamit ang kuryente. Kung ito ay pabalik balik. Mainam na gumamit ng iba pang paraan para matnggap ito. Kumunsulta po kayo Sir sa Ospital kesa sa maliliit na clinic upang Di masasayang ang inyong pera sa management na Di naman gumagana sa inyo.
Daniel So
is in the Philippines Medical History
ok eto gawin mo ha! sure epektib. bumili ka APPLE CIDER VINEGAR , braggs tatak . nabibili mercury/ Kumuha ka bulak at lagyan mo apple cider ari mo may mga butlig. ibabad mo overnight daily for at least5 days. makikita mo, mapipitas warts. yan ginamit ko warts sa tumbong ko super dami, lahat sila nag fall off.

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.