Working Conditions Dito Sa South Korea

Massuline Antonio  Dupaya Ligaya
is a Teacher in Korea, Republic of

Isang napakagandang oportunidad na ako’y nakapag-trabaho dito sa South Korea. Ito’y maituturing kong isang napakagandang biyaya na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon. Ang pagtuturo ko dito, ay talagang bahagi ng aking “career pathing.”

Itinuturing kong magandang biyaya na ako’y nakapagturo sa isang university dito sa South Korea (una sa Gyeoungju University [2013] at ngayon naman ay dito sa Hanseo University [2014-present]). Hindi lamang dahil sa mas malaki ang sweldong tinatanggap ko dito kumpara sa sweldo ko sa ‘pinas (given na iyon) kundi napakaganda ng “working conditions” sa mga universities dito.

Ako, halimbawa, sa isang linggo, ay magtuturo ng 8 tig-100 minutes na klase sa loob ng apat na araw, mag-stay sa office ng 3 hours a week para sa paperwork at baka pumunta rin ang mga estudyante for consultation  o magpraktis ng “conversation.” Kung susumahin ay required akong magreport sa school ng kulang-kulang na 17 hours a week.

At iyon ay sa apat na araw lang dahil may isang araw na tinatawag na “research day.” Pwedeng hindi pumunta sa school.

Bilang isang “head professor” (dati) ay kaylangan kong mag-attend ng meeting, magpa-meeting sa members ng team ko (once a month lang naman), at bigyan sila ng mga updates at reminders. At sanay naman ako sa ganung gawain dahil mahigit 2 dekada akong may supervisory functions sa mga schools na pinasukan ko sa ‘pinas. At heto pa, sa kaunting gawaing nadagdag sa akin bilang “head professor” ay tumatanggap din ako ng dagdag na sweldo na kasyang budget sa pagkain ko for 2 weeks.

Sa apat na araw na pasok na iyon ay kadalasang hapon na ang simula. Madalas na minsan lang sa isang linggo na may pasok akong umaga. Ganun pa man, pumapasok din ako ng umaga madalas dahil kadalasang sa labas ako nananghalian.

Nakakatawang nakakainis nga na ang mga “native speakers” na kasamahan namin ay nagrereklamo pa sa trabaho. Minsan nga ay may nadaanan akong 2 Amerikanong guro na puro reklamo ang pinag-uusapan. Huminto ako sandali at nang ako ay binigyan ng pagkakataong magsalita ay sinabi ko sa kanila na…s’ympre sa English (Ilocano accent, hehe)…“How can I complain about anything…in the Philippines we are required to stay in school for 40 hours a week. And if you are a school administrator, even if nobody is asking you to do it you need to report to work earlier than the required time and be the last to leave the campus to ensure that everything is fine.” Idinagdag ko pa na dito ang paperwork ay kilo-kilo, sa ‘pinas (lalo na kung sa RVM schools ka connected) ay tone-tonelada. Nagulat pa sila nang sabihin ko na kapag guro ka ay asahan mong sa isang semester ay oobserbahan ang klase mo ng hindi lamang isa o dalawang beses kundi higit pa.

Actually, dito ay hindi naman talaga required na sumulat  ng research. (Pero kamakaylan lang ay naglabas na din ang university ng order na at least sa loob ng 3 taon ay may isang paper ka na mapa-publish.) Nagsusulat lang ako dahil nga napakadami kong bakanteng oras at bukod doon ay libangan ko naman talaga ang magsulat. At ang maganda ay nagbibigay ang university ng cash incentives kapag na-publish sa isang international journal ang research paper mo. At iyong bagay na iyon ang ikinagagalak ko sa “working conditions” dito. It enables me to pursue vigorously my other passion…WRITING. Kaya nga ako naka-gawa nitong website na ito, dahil marami akong free time.

Isa pa nga pala eh walang “time-in, time-out.” Hindi uso ang bundy clock. Kaya nga kung walang sense of professionalism ang isang nagta-trabaho dito ay sasabihing “Hayahay ang buhay.” Ganun pa man, wala ngang bundy clock pero kapa 'di ka papasok o lagi kang late eh t’yak ire-report ka ng mga estudyante mo sa department head nila at malamang na hindi ka mabibigyan ng “contract extension.”

Maganda ang working conditions dito at maayos na maayos ang pa-sweldo. Wala akong nakikitang problema. Hindi naman perpekto ang sistema, may mga negative din. Eh wala namang perpektong sistema.

Basta ako eh pinagsisikapan kong pagbutihin ang performance ko dahil hangga’t pinahihintulutan ng Panginoon at binibigyan ako dito ng pagkakataong mag-stay eh balak kong mag-turo dito ng matagal.

About the author

Massuline Antonio Dupaya Ligaya

Teacher-Writer-Blogger (https://madligaya.com)
Profession: Teacher
Korea, Republic of

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Aleeza Muhammad
is a non-Filipino member from Senegal

My Dear,
How are you and your family?
Please dear contact me on email.
[email protected]
Massuline Antonio  Dupaya Ligaya
is a Teacher in Korea, Republic of
I am okay Aleeza. Thanks!

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.