Appendicitis o apendisitis: Ano Sanhi, sintomas, lunas, gamot, paano maiwasan, Signs, symptoms

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ang appendicitis ay isang kondisyon kung saan ang iyong appendix ay namamaga at nagkakaroon ng nana sa loob. Ang appendix (apendiks) ay isang “finger-shaped pouch” na nakausli palabas sa colon sa ibabang bahagi ng kanan na bahagi ng tiyan. Ang bahagi na ito ng katawan ay walang naitalang gawain o responsibilidad, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito magdadala ng problema. Ang appendicitis ay nangyayari kapag may bacteria na lumulusob sa appendix at nag-infect sa wall nito. Dahil paiba-iba ang laki at lokasyon ng appendix at malapit ito sa ibang organs, kung minsan ay mahirap tukuyin ang kaibahan nito sa iba pang sakit sa tiyan at pelvic diseases. Alamin kung ikaw ay sinisikmura.


Ano ba ang appendix?
Ang appendix (apendiks) ay isang sarado, maliit at masikip na tubo na naka-attach sa cecum (ang unang parte ng colon). Ang bukas na parte ng appendix ay nagde-drain patungo sa cecum. Ang dingding ng appendix ay gumagawa ng mucus na may halong lymphatic tissue na parte ng immune system para makagawa ng antibodies.

Ano ang Sanhi o Dahilan ng Appendicitis? Anong pangontra?
Sa simpleng pagkasabi, ang appendicitis ay ang pamamaga ng appendix. Sinasabing ang appendicitis ay nagsisimula kapag ang bukas na parte nito ay natabunan. Ang blockage ay maaaring naimbak na mucus mula sa loob ng appendix o kaya naman ay dumi na pumasok sa appendix mula sa cecum. Ang mucus o ang dumi ay tumitigas na parang bato at nagsasara sa opening. Ang tawag sa batong ito ay fecalith. Matapos maganap ang pagkakasara ng appendix, ang mga bacteria na karaniwang nasa loob ng appendix ay nagsisimulang atakihin ito at i-infect ang appendix. Ang katawan naman ay rumeresponde sa atakeng ito sa pamamagitan rin ng pag-atake sa bacteria na tinatawag na inflammation. Kapag ang infection at inflammation ay kumalat na sa wall ng appendix, ito ay maaaring pumutok. Pagkatapos pumutok, ang infection ay maaaring kumalat sa tiyan. Kung minsan, ang katawan ay nagagawang pagalingin ang appendicitis kahit walang operasyon. At ang sintomas, inflammation at infection ay tuluyang nawawala.Karaniwan nagkaroon ng appendicitis ang mga taong mula 10-30 na taon.

Hindi pa lubos na naiintindihan ang ugat ng sanhi ng appendicitis. Ganun pa man, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring 2 ang pinaka dahilan ng pagkakaroon ng appendicitis. Isa na rito ang impeksiyon sa tiyan, na nakapasok sa ating appendix. Sa kabilang banda, mayroon din na nagsasabi na ang posibleng ugat ay kapag naiwan ang dumi sa appendix. At ang bacteria sa naiwan na dumi ay naka-sanhi ng impeksiyon sa appendix. 

Ano Sintomas/Signs , Symptoms, Senyales?
Ang mga sintomas ng appendicitis ay masakit na pakiramdam na nagsisimula sa pusod at karaniwang napupunta sa kanang parte ng tiyan sa ibaba na parte, sakit na mas lumulubha pagkalipas ng maraming oras, masakit hawakan ang right abdomen, parang tinutusok na klase ng sakit sa lower right abdomen kapag dinidiin ito at biglaang binibitawan o “rebound tenderness”, guma-grabeng sakit kapag inuubo, pakiramdam ng nasusuka, pagsusuka, walang ganang kumain, hirap sa pagbawas ng dumi, hindi maka-utot, pagtatae at pamamaga ng tiyan. Maaari ring magkaroon ng lagnat (fever) at panginginig (chills).

Napakahalaga ng maagang pagtuklas ng pagkakaroon ng appendicitis upang maiwasan posibleng komplikasyon, tulad ng pagkilala sa mga senyales at sintomas. Kaya kailangan na maging alisto tayo kung posible ba tayo merong appendicitis. Iilan sa mga karaniwan na sintomas nitong kalagayan ay ang mapurol na sakit sa banda taas at ibaba ng pusod na lalong sumasakit habang lumilipat ang sakit sa bandang mas mababang kanang bahagi (lower right) ng tiyan (kadalasan ito ang unang senyales ngunit hindi nararanasan ng lahat ng pasyente), kawalan ng gana kumain, pagduduwal at pagsusuka pagkatapos magkaroon ng pananakit ng tiyan, pamamaga ng tiyan at lagnat, lagnat (37-30 degrees Celsius), pagtitibi o hirap makadumi, pagtatae, kabag at hirap umutot. Mayroon ding mga kakaibang senyales o sintomas na hindi karaniwan na nararanasan ng pasyente. Halimbawa, ang pananakit ng tiyan sa kahit anong parte ng tiyan, likod, pati puwet/pwet, pag-ihi, at pagsusuka bago sumakit ang tiyan.

Paano nada-diagnose ang appendicitis? Paano malalaman kung meron ako?
Nag-iiba-iba ang sakit na nararamdaman ng pasyenteng may appendicitis kaya naman mahirap itong i-diagnose kung minsan. Upang matulungang madiagnose ang appendicitis, ang doktor ay kukuha muna ng history ng signs at sintomas at magsasagawa ng masusing physical examination sa tiyan. Ang mga tests at procedures upang madiagnose ang appendicitis ay ang sumusunod: Physical exam para masuri kung gaano kasakit ang sakit na nararamdaman, kailangan rin ng blood test. Nakakatulong ito sa doktor para makita kung may pagtaas ba ng white blood cell count na senyales ng infection. Dapat ring ipa-check ang ihi upang masiguro na hindi urinary tract infection o kidney stone ang dahilan ng pagsakit. Mayroon ring imaging tests tulad ng abdominal x-ray, ultrasound o CT-scan upang makompirma ang appendicitis o kung ano man ang dahilan ng sakit na nararamdaman.

Ano ang pinakamabisang Lunas o Gamot sa appendicitis (apendisitis)?
Ang karaniwang lunas sa appendicitis ay ang operasyon upang i-remove ito (tinatanggal ang apensitis sa operasyon). May operasyon na maliit lang ang ginagawang incision na tinatawag na laparoscopic operation. Kung ang appendicitis naman ay pumutok na at ang infection ay tuluyan nang kumalat, maaari kang sumailalim sa open appendectomy kung saan ang surgeon ay maaaring linisin ang iyong abdominal cavity.

Ang pangunahing layunin ng panglunas sa appendicitis ay ang pagtanggal ng appendix sa pamamagitan ng surgery (pagtitistis). Kadalasang pinapayuhan din ang surgery sa pasyente kapag may tsansa na mayroon kang appendicitis, kahit hindi pa ito na ito natiyakan. Ito ay dahil kinikilalang mas ligtas ang pagtanggal ng appendix, kaysa isugal ang posibleng pagputok ng appendix.

Kinakailangan na may anesthesia ang pasyente gamit ang isa sa dalawang paraan: keyhole (laparoscopy) or open technique. Mas mabilis ang paggaling kung keyhole technique ang ginawa (keyhole technique, recovery time tends to be short). Kung kaya't, ang mas maiksi ang pamamalagi sa ospital, at karamihan sa mga pasyente ay maaari nang umuwi pagkaraan ng ilang araaw. Kapag kaagad na-opera at natanggal ang appendix, makakauwi ang karamihan sa mga pasyente sa loob ng 24 oras. 

Home Remedies o mga simpleng tips at pag-iingat na dapat sundin
Kung kagagaling inoperahan ng appendix, maaaring sundin ang mga tips na ito para matulungan ang iyong katawan na maka-recover nang mabilis. Iwasan ang mabibigat na trabaho, suportahan ang iyong tiyan kung umuubo, tawagan ang doktor kung ang mga gamot para sa sakit ay hindi umeepekto, kung kaya nang gumawa ng mga aktibidad tulad ng kaunting palakad-lakad ay mas mabuti, magkaroon ng sapat na pahinga at kumain ng masusustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig. Huwag ding uminom ng laxatives, pain killers, o antacids.

Continue: Kabag o Gastritis

About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Paano ko po malalaman kung meron appendicitis anak ko?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Kung may nararamdamang sakit ng tiyan ang iyong anak, na may kasamang pagtaas ng temperatura o lagnat at kung siya ay nagsusuka, makabubuting dalhin na siya kaagad sa doktor.
Ang unang sintomas ng appendicitis ay pananakit ng tiyan. Nagsisimula ito sa gitnang bahagi ng tiyan papunta sa ibaba ng kanang bahagi. Ang iba pang sintomas ay mataas na lagnat, pagsusuka at pagtatae.
Kung nakakaranas ng ganitong mga sintomas ang iyong anak, dalhin siya sa doktor kaagad.
Kung hindi naagapan ang appendicitis, maaaring pumutok ang appendix ng bata. Maaaring magsanhi ito ng infection na tinatawag na peritonitis. Ang peritonitis ay mas madaling makuha ng mga bata at isa itong medical emergency.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Appendicitis na po ba pag sakit ang tiyan sa bandang kanan at ibabang bahagi ng tiyan?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Hindi lahat ng nararamdamang sakit sa kanan – ibabang bahagi ng tiyan ay appendicitis.
Ang appendicitis ay karaniwang magdudulot ng acute abdominal pain. Ngunit, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa tiyan sa kanan – ibabang bahagi. Maaaring ang sakit ay dulot ng gastroenteritis, gallstones, Chron’s disease peptic ulcer disease o urinary tract infection (UTI). Sa mga kababaihan, ang sakit ay maaaring dahil din sa ovarian cyst, ectopic pregnancy o maaaring dahil din sa ovulation. Kadalasan ang mga kababaihan ay binibigyan muna ng pregnancy test upang makasiguro. May mga pagkakataon na walang makitang dahilan ng pagsakit ng tiyan at kusa itong nawawala. Tinatawag itong non-specific abdominal pain o NSAP.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Mas mataas ba tsansa na makakuha ng appendicitis ang mga bata kaysa matatanda?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Karamihan sa mga nagkakaroon ng appendicitis ay mga teenagers at young adults pero kahit sino ay maaring magkaroon nito.
Kahit anong edad ng tao ay maaari siyang magkaroon ng appendicitis. Madalas magkaroon nito ang mga batang nasa 10 hanggang 19 years old. Kung may mga nararamdaman ka o ang iyong anak ng mga sintomas ng appendicitis, kasama dito and pananakit ng tiyan, mataas na lagnat, panghihina at pagtatae o ang kawalan ng ganang kumain, pumunta kaagad sa doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May mga advantages po ba ang keyhole surgery kumpara sa open surgery?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
May mga advantages ang pagkakaroon ng keyhole o laparoscopic surgery. Ngunit, ang mas magandang paraan ng surgery ay specific sa mga tao. Ang surgeon ang makapagsasabi kung anong klase ng surgery ang pwede sa iyo.
Ang mga advantages ng keyhole surgery ay ang mga sumusonod:
• Mas maliit na posibilidad na magkaroon ng infection sa sugat
• Hindi gaanong masakit pagkatapos ng operasyon
• Mas maikling panahon na pananatili sa ospital
• Pagkakaroon ng maliit na sugat kaysa sa isang malaking sugat
Maaari ding mas mabilis ang recovery at maibabalik kaagad ang mga normal na gawain sa keyhole surgery kung ikukumpara sa open surgery.
Ngunit, ang keyhole surgery ay mas matagal ng konti kaysa sa open surgery.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
My sumasakit po sa kanan side ng puso ko evry time mgkakaperiod ako masakit po sya ngayon bgla po sumakit pte buong puson ko na at minsan balakang.. nkirot po ng konte konte at pkiramdam ko s tyan ko puno.. appendicitis po kya? Acidic po ako at may uti dte.. gusto ko po malaman kung appendics ba kc nag aalala ako.. tnx po
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maaaring menstrual cramps yan, dahil hindi buwan-buwan (monthly recurring) lang ang appendicitis, tulad ng menstrual cramps. Appendicitis also does not resolve on its own and usually is 24-48 hours of worsening pain. Kadalasan lumalala ang sakit appendicitis (acute progressive condition), at maaaring magkaroon ng lagnat. Kung pakiramdam mo may appendicitis ka, magpatingin kaagad sa doctor at magpa physical exam, dahil nakamamatay ang appendicitis kapag pinabayaan lang.
YEHL REPIZO
is in United Arab Emirates
usually po ba kpag appendicitis gano katagal? kxe may nrrmdaman din po ako sa kanang bahagi ng tsan ko pro matgal na xa halos 6 months na, maari po bang ibang sakit ito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Malabong appendicitis yan kapag 6 months mo na nararamdaman. Kadalasan lumalala ang sakit ng appendicitis (acute progressive condition), at maaaring magkaroon ng lagnat. Kapag nakaramdam ng sintomas at napabayaan ang appendicitis, kadalasan mula 36 hanggang 48 hours bago sumabog ang appendix. Maraming pwedeng posibilidad ng sintomas ng iyong nararamdaman, tulad ng gastritis, gallstones, gastroenteritis, atbp, kaya pinakamabuti ay magpatingin ka sa doctor.
YEHL REPIZO
is in United Arab Emirates
eh, doc. ng pablood test na po aq @ ultrasound din prehas normal nman po ang result, mhal pa nman pacheck up d2 sa UAE kaya po sa online din ako nag tatanong tanong. nag-aalala na po ako kung anu to. hindi po ako makatulog sa right side ko, kxe pag matagl na ako sa position naun, bglang kikirot prang pulukat sa tyan yung feeling.
Jhoanne Wilth Gapuz
is in the Philippines
paano po ba matukoy kung appendicitis po ang aking nararamdaman ngaun masakit po ang aking tiyan tapos po pati tagiliran di ko po matukoy kung apdo sa bato o appendicitis
Analyn Andrino
is in the Philippines
Yung Masakit ang kanang Bahagi sa May bandang Puson? May tendency kaya na appendicitis yun?
Khem Querubin
is in the Philippines
May naararamdaman po akong sakit sa aking right side abodomen at tumatagos ipo ang sakit sa aking balakang mga 3 days narin po ito. Hindi naman ako nilagnat at Hindi naman ako naconstipate. By the way isa po akong mother 30years old.
1 person likes this
Novelyn Basiana
is a Care Giver in the Philippines
magandang hapon po doc. sumasakit po palagi ang kanang bahagi ng aking tyan. sa may bandang ilalim ng aking rib cage. posible po bang appendicitis ito? sa nabasa ko po kasi sa sintomas may iilan na nararamdaman ko. like nasusuka, walang ganang kumain at masakit na tiyan. subalit pag dinidiin ko potas biglang binitawan ay mawawala na konti pero bumabalik ulit ang sakit. hindi din naman ako nilalagnat. ano po kayang problema sa tyan ko doc? maraming salamat po.
Ervito Cayetano
is in the Philippines
natural lang po ba ang madalas na pagsusuka matapos operahan dahil sa appendecities?
Medical Team
is a Medical expert in United States
Vomiting can be a symptom of appendicitis but should normally not occur after an appendectomy. You should have a follow up visit to either the surgeon or the ER immediately. An abscess after surgery is a common complication of appendectomy. You may be experiencing a serious complication from the appendectomy like a mechanical obstruction.
The inflammatory process of the disease, and the surgery could entangle the bowels and cause blockage. This is something that needs to be seen by the doctor/surgeon who operated as soon as possible.
Lirasan Chela
is in Hong Kong
Magandang gabi po,tanong kulang 5 days na po sumakit ang gilid ng tyan ko una po sa may puson ngayon po sa gilid na sumakit kon uubo po ako yon sasakit cya,kon hihinga po ako ng malalim sasakit po cya.lalo na po pag natulog ako pag gising ko sa umaga sumakit po gilid ko at nilagnat po ako ano po kaya ito,maraming salamat po..
Rose Reyes
is in the Philippines
kagagaling ko lang po sa procedure last 3 weeks ago... yung appendectomy. kayalang po more than 3 weeks na po my nararamdaman po akong kumikirot na parang ugat po sa loob right side ng puson. minsan po umaabot ng 10 mins mahigit, minsan naman pag naglalakad yung sakit po. Normal lang po ba yun or hindi na po. kailangan ko po bang ibalik sa dr? magaling na po yung sugat ko sa labas pero my sakit pa rin po sa loob. hindi naman po nainfect yung sugat sa labas.
Cesar Sierte
is in the Philippines
Doc pag nag ka appendicitis na po dati tas na operahan na may posibility na magkaroon pa ulit nito ??
JD ESteban
is a non-Filipino member from the Philippines
Ang appendix po nag sisimula sa mahinang kirot?
Jenelyn Cale
is in the Philippines
Anu po ang dapat ko pong gawin pra mwala ang sakit ng kanan kung tagiliran khapon pa po ng simula
Adrian Sevilla
is in the Philippines
Nagzumba po gf q knina tpos sumakit ung kanang ilalim na malapit sa pusod sintomas na po ba na dapat magpaopera na po ? Pero ngaun hndi na sumasakit ? Mga doc pasagot naman po salamat ng madami Godbless po
Marc Wayne Velasco
is in the Philippines
doc kumikirot po yung kanan ko apoendicitis po ba yun??
Adriane Salazar
is in United States
Ako Po'y isang lalake 15 anyos .... wala po akong appendicitis Ngunit.... sumasamit po ang aking tiyan at nagkakaroon ng kabag(gastritis) tuwing akoy yuyuko (hindi sigurado kung ito ba'y sa pag yuko) ... pa sulpot sulpot po ang pagsakit ... at napupunta ito sa pag tatae ... di ko po alam kung may kinalaman dito ang pagiging anxiety o kailangan talaga ng medical na panggagamot ... maaari nyo po ba akong tulungan... 5 araw napo akong ganito ... hirap makapasok sa iskwela ... salamat :)
Centina Magkidong
is in the Philippines
Hi po pano ko po ba malalaman kung may appendix ako kase sumasakit po yung tyan ko sa ibaba ng ribs ko, pero di pa po ako nagsusuka pero lage pong sumasakit ulo ko, ano po bang dapat kong gawin doc, salamat po
JR  Camba
is in the Philippines
Doc sumasakit po and kanang bahagi na tiyan ko, 4 to 5 days ko na po itong nararamdaman , hindi naman po ako nasusuka , regular din po ang pagbabawas ko , wla ring lagnat , anu po kaya itong nararamdaman ko , ?
JR  Camba
is in the Philippines
Doc sumasakit po and kanang bahagi na tiyan ko, 4 to 5 days ko na po itong nararamdaman , hindi naman po ako nasusuka , regular din po ang pagbabawas ko , wla ring lagnat , anu po kaya itong nararamdaman ko , ?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sir eve po anak ko po kcng 2 yrs old my nararamdamang sakit ng tyan pabugso bugso po ito lalo pag gabi...nd nmn po nmin malaman kng san banda msakit kc dpa ganung nkkapagsalita...khit po nkktulog sya bgla nalng pimipitlag dhil sa sakit anu po kaya sakit nya sir pang 3days na po kc nraramdaman nya wla nmn po sya lgnat o anu pa basta po sakit lng ng tyan....
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.