Ano mga Bagay na Magdadala ng Swerte sa Loob ng Bahay sa 2019? Lucky Charms, Good luck things

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Sa taon ng red cock rooster nitong 2019, may mga gamit o bagay na maaaring magdala ng buwenas o swerte sa atin, upang magkaroon ng kasaganaan. Tulad nito ang mga dekorasyon sa bahay at kwintas o damit. Mayroon ding mga bagay na dapat iwasan o suotin upang lumayo sa malas. Basahin ang mga ito sa ibaba:

Sariwang halaman o bulaklak - Ayon sa feng shui masuwerte ang bahay kapag may tanim na halaman o bulaklak.Tandaan huwag magtanim ng mga bulaklak na may tinik upang maiwasan ang pagpigil o pagharang ng swerteng pumapasok sa tahanan.

Four Leaf Clovers - Ang halamang ito ay isa sa mga pinaniniwalaan ng mga Irish na isa sa mga maswerteng halaman. Ang kahulugan ng Four leaves ay “Pananampalataya o Faith o Paniniwala, Hope o Pag-asa, Love o Pag-ibig, At Luck o Swerte. Ang ganitong klaseng halaman ay bihira ngunit maraming paraan sa paggamit para pampaswerte.


Lucky Bamboo - Ang lucky bamboo ay hindi talaga isang kawayan, kundi uri ng halaman na kamag-anak ng Dracaena o kilala din siya sa tawag na Madagascar dragon tree. Ito ay isang uri ng halaman na matigas at pangmatagalan ang buhay o matagal mamatay. Ayon sa Feung shui mas maraming tangkay o stem ang Lucky bamboo mas maraming swerte ang papasok. Kapag tatlo ang tangkay nito nagdadala ito ng kasiyahan, kayamanan at mahabang buhay sa may-ari ng tanim. Subalit may mga halaman na mas maraming tangkay at ayon sa iba mas hingit pa itong magdadala ng swerte sa tahanan.


Kulay ng pintura sa pintuan - Ang paggamit ng kulay ng pintuan ay naaayon sa kung saang direksyon ito nakaharap. Kung ang pintuan mo ay nakaharap sa timog o south mas maigi kung ang kulay ng pintura ay pula o orange. Kapag nasa hilaga o north o norte naman kailangang asul o itim. Samantala kung nakaharap ang pintuan sa kanluran o west maswerte ang gray o puting kulay. At kapag nasa silangan brown o gray naman ang swerte.

Lucky Dice - hindi nakakapagtaka kung isa sa mga maswerteng bagay ang dice dahil madalas ginagamit ito sa mga laro. Itinuturing na isa sa mga maaring gamiting anting anting ang dice.

Horseshoe - Ang horseshoe ay isang uri ng bakal at maraming tao ang naniniwala na magdadala ng swerte kapag nagsabit ka nito sa taas ng pintuan ng bahay niyo. Ang ilan ay naniniwala na sa pamamagitan ng pagturo paitaas ay matiyak na ang suwerte ay hindi tatakbo palabas at kapag nakaharap ito pababa ay palabas naman ang suwerte sa pinto.


Ladybugs - Ito ay sikat ng insekto at kilalang kilala sa buong mundo. Maraming mga kultura ang naniniwala na nagdadala din ito ng swerte. Sa Australia tinatawag nila itong “Glueckskaefer”. May iba na nakakapagsabi na kapag dinapuan ka ng ladybug at kapag hindi mo ito pinaalis, may swerteng darating sayo. May nakakapagsabi naman na kung may babae at lalaki na sabay makakita ng ladybug, sila ay magkagustuhan o mainlove sa isa’t isa. Mas maswerte ang ladybug kapag ang kulay nito ay pulang matingkad at maraming mga bilog bilog o spot sa likuran nito.

Paa ng Rabbit - Ang paa ng rabbit o kuneho ay isa sa mga maswerte. kadalasan ito ay ginagawang keychain, mapatunay man o plastic tinuturing pa din itong maswerte. Maraming paraan kung paano gamitin ang paa ng kuneho bilang isang personal na pampaswerte.

Lucky coins - May sikat na salita tungkol sa barya na “Find a penny, pick it up, and all that day you'll have good luck!”. Isa din sa mga maswerteng barya ay ang Chinese I-Ching kung saan nireregalo ito kapag Chinese New Year at kasal. Ang Lucky coins at I-Ching ay magandang pandekorasyon sa loob ng bahay upang magdadala ng swerte sa loob ng tahanan.


Dreamcatchers - Nagmula ito sa tradisyunal ng mga Amerikano. Ito ay parang isang sapot ng gagamba kung saan pinapalamutian ng mga maliliwanag ng beads o ginagamit sa paggawa ng mga kwentas at balahibo ng ibon. Ang pagkakaroon ng dreamcathers sa bahay ay nagbibigay ito ng masaya, mas balanseng pamumuhay at swerte sa mga nakatira. Maliban sa mga magagandang dulot nito, maganda din itong pandekorasyon sa pamamagitan ng pagsabit sa bintana ng opisina o bahay. Mas mainam din kung bumili ng kwentas o hikaw nito upang dala dala mo ang swerte saan ka man magpunta.

Next: Swerteng pagayos ng kagamitan sa bahay sa 2019

Ano mga swerte at malas na kulay sa 2019?

Ano mga buwena at malas na numero?

Ano kapalaran ko sa Pag-ibig sa 2019?


updated: January 2019

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.