Ano lunas sa pamamaga ng pwet-Swollen anus or rectum treatment?

Novena Margos
is a student in the Philippines

Gusto ko lang po sana itanong kung ano po ba ang lunas sa pamamaga ng pwet o almuranas?


Question: What is the remedy, treatment or cure for swollen rectum or anus or hemorrhoids?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
May Gablinez
is in United States
Question: Bakit ba namaga yan? What caused the problem?
Mabuhay Pilipinas
is a Medical expert in Nicaragua
Hello Novie,

Kumusta na ang iyong hemorrhoids? Nagpatingin ka na ba sa doctor? Lalo na't sagabal ang almuranas sa ibat ibang gawa gaya na lamang ng pagdumi o minsan kahit sa ordinaryong pag-upo lamang. Sa katanungan kung anong lunas sa almuranas, masasagot ko yan sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga iba't-ibang grado ng almuranas. Nga pala may 2 klase ng hemorrhoid, ito ay ang internal at external hemorrhoid. Ina-assume ko na ikaw ay namromroblema sa hemorrhoid sa labas o external hmd. Ito ay yaong may simptomas na nararamdamam kapag ikaw ay dumudumi, kumakain ng maanghang at mga gawaing nangangailangan ng pagpupwersa o straining.

1) Grade 1 external Hmd:- halos walang makita o makapa kapag na-RE or rectal exams. Pero may pamamaga at pangangati sa anal canal. Ang lunas ay sadyang preventive lamang o yaong pagiwas sa spicy foods, pagkain ng high fiber foods gaya ng oatmeal, brownrice at gulay. Uminom ng NSAID o mga anti-inflammatory drugs. Magpahid din ng ointment o petroleum jelly sa anal sphincter o puwitan para mabawasan ang friction.

2) Grade 2 external Hmd: may kaunting nakausli na makakapa sa pamamagitan ng RE. Ang lunas ay pareho sa grade 1 hmd. Idagdag din ang hot sitz bath o pag-upo sa mainit na tubig sa isang tub o kahit sa bote na may mainit na tubig.

3) Grade 3- halos pareho sa grade 2 subalit mas mahaba ang tissue na nakausli. Minsan may pagdurugo at matinding pamamaga. Ang gamutan ay lahat gaya ng Grade 2, subalit pwede ring ang hemorroidectomy o ang surgical na pagtatanggal ng hemorroid. Depende sa resulta ng rectal exam.

4)Grade 4- Matinding pamamaga, pagkabulok ng tissue. Kinakailangan ng hemoroidectomy sa pinakamadaling panahon. Hindi ito kayang ibalik sa pamamagitan ng pagtulak ng nakausling balat sa loob ng anal sphincter. Di gaya ng grade 1 hanggang grade 3 na naibabalik pa sa loob, ang grde 4 ay mahirap ibalik at kadalasang mahaba at malaki ang hemorroid. Surgery o tinatawag na hemoroidectomy lamang ang gamutan dito.

Tandaan, umiwas sa pagkain ng karne, spicy foods, at mga matitigas na prutas gaya ng bayabas kapag may almuranas. Sana nakatulong ako sayo.
STEPHEN CHUA
is a non-Filipino member from United States
Tanung ko lng po,bkt sa first page na article ng BUHAYOFW.COM nabasa ko po ang sbi po ay kelangan po kumain ng high fiber na gulay pra sa almuramas.bkt po sa inyo po pinapayo nyo pong iwasan ang high fiber vegetables.magkaiba po ba ang pamamaga ng anus at almuranas?salamat po.
Zhyrelle Villareal
is in the Philippines
pag my naka usli ba na laman sa may puwetan,almoranas na po ba yun?tnx

About the author

Mabuhay Pilipinas

Profession: Adolescent Medicine
Office Address: Tandang Sora, Q.C
Nicaragua , Managua
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.