UYAPOS O PIGSA: ANO SANHI, GAMOT, LUNAS AT PAANO MAIWASAN ANG BOILS O CARBUNCLE?

Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia

Ano nga ba ang Pigsa?

Isang masakit na bukol na mayroong nana, na nabubuo sa ilalim ng balat ang pigsa. Ito ay isang impeksiyon sa balat na nagsisimula sa mga hair glands na pinapasukan ng mga bakterya. Sa umpisa, namumula muna ang bahagi ng balat na may impeksiyon pagkatapos ay tutubuan ng bukol. Matapos ang apat o pitong araw, magkukulay puti ang pigsa dahil sa napupuno ito ng nana. Sa pag-ipon ng nana, tuluyan ang paglaki at pagsakit nito hanggang sa pumutok at matanggal ang nana. Kadalasang nagagamot ang pigsa ng walang reseta ng doktor, pero hindi dapat ito tirisin o paputukin dahil maaaring kumalat ang impeksiyon sa ganoong paraan.

Makirot na Pigsa
Makirot at namamagang bukol sa balat ang pigsa, kaya nakakapagpahirap ito sa mga tinutubuan nito. Ano pinagkaiba nito sa alipunga? Ang alipunga naman ay bukol na kulay pula o ube na lumilitaw sa balat kapag nainitan ang katawan pagkatapos malamigan. Pwede ring magkaroon nito sa mga daliri, kamay, tuhod, paa, tainga, pingol o sa loob ng tenga at sa ilong. At pwede din itong lumitaw sa bukung-bukong, binti, o hita ng mga nangangabayo. May ilang tao na madaling kapitan ng alipunga pero merong mga tao naman na hindi nagkaroon nito kahit minsan sa buhay nila.

Sanhi ng pigsa ang bakterya mula sa mga buhok sa balat at pwedeng tumubo kahit saang parte ng balat at kahit kanino. Kapag ang magkakalapit na hair follicle ay may impeksiyon,  mamaga ito at magiging pigsa. Sa simula, kulay pula ang pigsa hanggang sa magkaroon na ito ng nana. Kikirot ito ng kikirot habang padami ng padami ang nana.

Ano mga Sintomas o Senyales ng Pigsa?
Maaaring magkaroon ng pigsa sa kahit na anong parte ng katawan ngunit mas karaniwang nagkakapigsa sa mukha, leeg, kili-kili, balikat, hita at sa mga pisngi ng puwet. Ito ay mga parte ng katawan na tinutubuan ng buhok, pinapawisan o kaya nakiskiskis. Kadalasang sinyales at sintomas ng pigsa ang mga sumusunod:
· Matigas, masakit at mapulang bukol na kalahati ng isang pulgada sa liit lamang
· Mapula at namamagang balat sa paligid ng bukol
· Lumalaki at lumalambot na bukol matapos ang ilang araw dahil sa pagkakaroon ng nana (Kung minsan umaabot ang laki nito kasinlaki ng kamao)
· Pagkakaroon ng madilaw o maputing dulo ng bukol na sa kalaunan ay puputok at lalabas ang nana

Ang boil, o tinatawag din na furuncle sa Ingles, ay isang klaseng impeksiyon ng balat na nagmumula sa lukab ng buhok. Sa umpisa, mamumula ang balat kung saan mayroong impeksiyon, at magkakaroon ng bukol. Maninigas ang bukol at kikirot hanggang sa lumaki ito ng mga kalahating pulgada. Pagkalipas ng ilang araw, lalambot at lalaki pa ang pigsa at makakaramdam ng hapdi at kirot. Pagkaraan ng apat hanggang pitong araw, mamumuti ang bukol pagka naipon na ang nana sa ilalim ng balat. Kadalasan na nakikita ang pigsa sa may mukha, leeg, kili-kili, balikat, at puwet. Kapag isang grupo na magkakalapit na pigsa ang namuo, mas malalang klaseng impeksiyon ito na tinatawag sa Ingles na carbuncle.  

Ano Dahilan o Sanhi ng Pigsa?
Karamihan sa mga pigsa ay dulot ng mga mikrobyo o ang mga staphylococcal bacteria. Normal na nakikita ang bakterya na ito sa balat at sa loob ng ilong. Kung minsan, nagiging pigsa yung bahagi ng balat na nasugat o nakagat ng insekto. Nagbibigay daan ito sa bakterya papasok ng balat o kaya maaaring dumaan ang kagaw mula sa buhok papunta sa follicle. Mas mataas ang panganib na magkaroon ng pigsa ang mga sumusunod:
· Pagkakaroon ng diabetes
· Problema sa immune system
· Mababang nutrisyon
· Mababang kalinisan ng katawan
· Pagka-expose sa mga kemikal na nagdudulot ng iritasyon sa balat

Ang dumi na Staphylococcus aureus ang sanhi ng pagkakaroon ng pigsa, na hinahawaan ang mga lukab sa ilalim ng buhok. Maraming maaaring dahilan kung bakit madaling tablan ng pigsa ang isang tao katulad ng  pagbabago sa hormones ng isang nagdadalaga o nagbibinata tuwing puberty, kung kailan mamantika ang balat at madaling kapitan ng bacteria. Nakakahawa rin ang pigsa, kaya maaaring magkaroon ng pigsa kapag dumikit ka sa taong mayroon pigsa sa katawan. Madalas din magkaroon ng pigsa ang mga taong pawisin at naglalaro ng sports, lalo na ang mga larong dumidikit sa ibang tao o nakikiskis ang balat, katulad ng wrestling, soccer at basketball. Pwera dito, maselan rin sa pigsa ang mga nakatira sa lugar kung saan masikip at punung-puno ng tao at hindi malinis ang kapaligiran. Panghuli, ang pagkakaroon ng ibang sakit sa balat tulad ng eczema, scabies at pagkamatabain o obesity ay nakakapagdulot din ng pigsa.

Ano Pinaka mabisang GAMOT o LUNAS sa Pigsa?
Ayon sa mga doktor, pwedeng gamutin sa bahay ang maliit na pigsa. Hindi ito dapat kutkutin o paputukin para lumabas ang tubig sa loob, maliban nalang kung doktor ang gagawa nito. Kung walang-ingat na puputukin ito, baka kumalat ang impeksiyon. Sa halip na putukin, idampi ang maligamgam at basang tuwalya sa pigsa ng 10 minuto, ilang beses sa isang araw. Gumamit ng maraming tuwalya o maliit na bimpo kapag ginagawa ito para tuloy-tuloy na matakpan ng singaw ang pigsa.

Nadadag-dagan ang daloy ng dugo sa lugar kung saan may pigsa dahil sa init mula sa ibabaw nito. Nakakatulong ang white blood cell ng dugo at antibodies na lumalaban sa bacteria. Kapag nababad ang pigsa sa maligamgam na singaw, mawawala ang sakit kasi sisingaw ang pigsa at lalabas ang mga nana. Kapag natuyo na ang tubig sa loob ng pigsa, kusa na itong gagalaw. Kailangan palaging hinuhugasan ang pigsa kapag sumingaw na ito at takpan ng pantakip na hindi papasukin ng mikrobyo.

Paano maiwasan magkaroon ng pigsa? Pag-iwas na Mailipat ang Bacteria
Mahalagang maiwasang mailipat ang bakterya ng pigsa sa ibang parte ng katawan o sa ibang tao. Kailangang mahugasan ng mabuti ang kamay matapos linisin ang pigsa, dahil maaaring makalason sa pagkain o magdulot ng iba pang sakit sa balat ang Staphylococcus aureus. Hindi rin dapat ipagamit sa iba ang tuwalya na ginamit sa paglilinis ng pigsa at dapat na linisin ito  gamit ang mainit na tubig bago gamitin ulit. Ang mga damit o tuwalya na ginamit mismo sa pigsa ay dapat hugasan ng mainit na tubig. Kailangang itapon ang mga damit ng maingat. Kung hindi pa din napigilan ang pagkalat ng impeksiyon sa kabila ng pag-iingat, kailangan ng humingi ng tulong sa doktor.

Pag-hingi ng Tulong sa Doktor
May mga pigsa na kailangang ipatingin at gamutin. Kailangan mong humingi ng tulong sa doktor kapag napakalaki ng pigsa o kapag hindi ito nawala sa loob ng dalawang linggo. Dapat kang magpatingin kapag masyadong marami ang pigsa o kapag ang pigsa ay nasa mukha o gulugod. Kapag may ilang sintomas gaya ng lagnat, panginginig, pagkahapo, pamumula sa paligid ng pigsa, namamagang kulani o lymph node o pag hindi na maayos ang pakiramdam mo, dapat kang magmadaling mag-patingin sa doktor.

Gaya ng alipunga, ang pigsa ay nakakayamot pero hindi naman ganoon ka seryoso. May mga panahong pwedeng maging seryoso ang ganitong kondisyon sa balat kaya mahalagang palagi itong gamutin at ingatan.

Anong pwedeng gawin para pumutok ang pigsa?
Ang ckarbunkol ay mas malaki pero kagaya din naman ng karaniwang pigsa. Kailangan din nito na ng tulong-medikal. Gagaling ang pigsa sa loob ng 7-20 araw. Kadalasan, hindi gagaling ito kung hindi it sisingaw at patutuyuin nainaabot ng lima hanggang 7 araw. Ang isang simpleng pigsa ay puwedeng gamutin sa bahay at hindi naman kailangang dalhin pa sa doktor. Ang basta pagbutas sa pigsa sa inyong tahanan ay hindi ipinapayo ng mga eksperto dahil pwedeng magresulta sa impeksiyon ang pwersahang pagpapalabas ng nana. Kung bubutasin o kusang pumutok ito, siguraduhing nalinis ang paligid at nahugasang mabuti ang kamay mo na ipinanghawak sa apektadong parte.

Pwede bang lagyan ng toothpaste ang pigsa?
Tanong ng isang pasyente: Natuklasan ko na may pigsa pala ko sa may parting singit kagabi. Sinubukan ng boyfriend ko na putukin ito pero mas lalo lang sumakit. Noong buong araw na iyon, sinubukan kong dampian ng mainit na tuwalya ng pauli-ulit at baka sakaling humapa na pero walang nagyari. May mga nagsasabi na pwede ko itong lagyan ng toothpaste para matuyo, kasi ganoon yung ginagawa nila kapag may pinapatuyo silang tigyawat. Magagamot kaya yung pigsa ko? Baka may alam kayo na paraan para mapaliit yung pigsa ko o kaya mawala na ng tuluyan. Tumubo kasi yung pigsa sa pinaka-nakakairitang parte at kasing laki na ng barya. Tulong naman!

Sagot: Makakatulong din naman siguro kasi ang toothpaste ay may kakayahan na magpatuyo. Siguro depende iyan kung nakasingaw na yung pigsa. Dahil sa Staph aureus kaya nagkakaroon ng pigsa kaya kung hindi iyan gagaling agad, kailangan ng antibiotic.

Eh yung pigsa sa gitna ng loob ng hita at singit?
Tanong ng pasyente: Nagkaron ako ng napakasakit at namamagang pigsa sa loob ng mahigit 4 na linggo. Hawakan lang eh sobrang sakit na. Pumunta ako sa doktor na nagsabing pigsa daw iyon. Binigyan niya ako ng Flucloxacillin na dapat inumin sa loob ng 7 araw.

Lumiit yung pigsa ko at nawala ang pamamaga ng mahigit 95%, pero hindi nito napawala yung pigsa ng tuluyan.

Ngayon, wala na akong kahit anong pamamaga sa balat pero nararamdaman ko na sa loob ng balat ko ay may bukol pa din na kasing laki ng gisantes. Hindi siya lumalaki o lumiliit at hindi din naman siya nagdudulot ng sakit. Wala na siya sa labas ng balat at hindi din naman natuyo kahit noon.

Mawawala nalang ba ito ng kusa o tutubo ulit at puputok? Mag-aapat na linggo na kasi sa Myerkules at pakiramdam ko malalim pa din, kahit na wala ng sakit magmula noong uminom ako ng antibiotic.

O kailangan kong putukin? Noong huli kong tinignan, mukang wala namng epekto yung pag tusok ko.
---------
Sagot: Okay ka na. Ang nararamdaman mo nalang ay yung natitirang peklat ng pigsa mo. Kapag gumaling na ito gamit ang antibiotic, may mabubuong patay na laman (iyon naman talaga ang pigsa) sa selula ng nana at patay na bacteria. Paliit ito ng paliit sa loob ng maraming buwan o pwede din namang hindi na maalis. Wala kang dapat gawin dito. Hindi ito lalaki, hindi kailangang putukin, at hindi ka na talaga magkakaroon ng pigsa sa mismong parte na iyon. Wag mo nalang pansinin.

Nagkaroon ako ng pigsa sa may ari. Paano ko gagamutin iyon?

Sa una, masakit yon at namamaga hangang sa lumabas ang pinakabukol nito. Habang natutuyo, sobra itong kumirot at nangati. Tapos, naging dalawang pigsa na sila.

Ano Mainam na Solusyon o Gamot sa Pigsa?
Kadalasang nagagamot ang pigsa mula sa mga simpleng home remedies. Para sa mga malalaki o mas malalang pigsa, makakagamot ang mga sumusunod:
· Hihiwain pagkatapos papaagusan ang nana. Nagagawa ng doktor ang pag-drain o pagtanggal ng nana mula sa pigsa sa pamamagitan ng maliit na hiwa sa tuktok nito. Ang mga malalim na impeksiyon na hindi kayang i-drain ay binabalutan ng sterile na gauze at binababad para makatulong sa pag-drain.
· Antibiotic. Kung minsan, nagrereseta ang mga doktor ng mga antibiotic para gamutin ang mga malala at pabalik-balik na impeksiyon.

Madaling gamutin ng sarili sa bahay ang mga Pigsa kapag ito ay walang ibang komplikasyon. Isang panlunas ang paggamit ng warm compress upang mabawasan ang impeksiyon. Maaari ring subukan ang pagbabad ng isang pirasong tinapay sa mainit na gatas at ipahid ito sa pigsa ng dalawang beses isang araw, hanggang ito ay gumaling. Maaari rin gumamit ng tea trea oil, na mayroong antibacterial, antifungal at antiseptip na katangian.  Ang sunud-sunod na paggamit ng tea trea oil ay nakakapag pabilis ng paggaling ng pigsa at maaaring magbigay ng ginhawa sa kirot na nararamdaman sa pigsa. Nabibili ang tea trea oil sa mga beauty stores o body shops. 
(Last reviewed 25 March 2019)

References:

MedlinePlus. (n.d.). Boils. Retrieved from https://medlineplus.gov/ency/article/001474.htm

Mayo Clinic. (2018, March 6). Boils and carbuncles. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/boils-and-carbuncles/symptoms-causes/syc-20353770


Next: Ano pinakamabisang halamang gamot o home remedy panlaban sa Pigsa?
Related Posts:
Bukol sa bayag: Lump on testicles
Kumikirot pigsa sa puwet: Carbuncle Boils remedy
Makakasama ba sa baby ang pigsa? Boils on pregnant women


About the author

Dr. Ed Santos

My uncles and aunts were pediatricians and family physicians, so I had an inkling that I would do primary care. So at a young age, I dreamt of becoming a physician.
Profession: Family Medicine
Saudi Arabia , Jeddah
 

 

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Paano po ba mababawasan ang peklat dulot ng pigsa?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Ang peklat ay nabubuo kapag ang pigsa ay hiniwa ng doktor o napisa ng kusa. Kung maliit ang pigsa, maliit din ang hiwa kaya mas mabuting magpagamot habang maaga pa.
Kadalasang nawawala ang peklat sa loob ng ilang buwan, pero maaari ding umabot ng ilang taon. May mga tao na malinaw ang peklat (hypertrophic o keloid scars). Ang klase ng paghiwa ay maaaring makaapekto sa peklat sa huli.
Pwedeng gumamit ng camouflage creams para matabunan ang peklat. Ang mga waterproof camouflage creams ay tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw sa katawan. Ang cream ay humahalo sa kulay ng balat para matabunan ang peklat. Kung interesado ka dito, kausapin ang iyong doktor. Maaari ka niyang bigyan ng impormasyon tungkol sa mga organisasyong makakatulong sa iyo tulad ng British Association of Skin Camouflage, o Red Cross Skin Camouflage Service.
Kung gusto mong mawala ng tuluyan ang peklat, pwede mong pag-isipan ang plastic surgery. Subalit, dapat munang tuluyang gumaling ang iyong pigsa bago ito gawin. Kausapin ang iyong doktor para sa dagdag na impormasyon.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano pa po ang ilang ibang kondisyon na parang pigsa?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maaari kang magkaroon ng ibang kondisyon na parang pigsa pero iba ang mga sanhi at gamot.
Maraming mga sakit sa balat na aakalain mong pigsa. Ilan sa mga ito ay ilalarawan dito. Kausapin ang iyong doktor kung meron ka ng ilan sa mga sintomas. Malalaman niya ang problema at matutukoy ang nararapat na gamot.
Ang carbuncle ay isang kumpol ng maliliit na pigsa na mas malalim na nakasuot sa balat kaysa sa ordinaryong pigsa. Kadalasan itong namamaga pati na ang balat sa paligid nito at masakit hawakan. Karaniwang tumutubo ang carbuncles sa balikat, hita, balakang at batok. Marami ding mga pwedeng labasan ng nana. Kapag malaki ang carbuncle, nagdudulot ito ng panghihina at lagnat. Ang treatment para sa carbuncles ay pareho ng sa pigsa.
Kapag meron kang malalang (cystic) acne, kadalasan itong natatagpuan sa mukha at itaas na bahagi ng katawan. Mas malalaki ito kompara sa karaniwang acne at namamaga na parang pigsa. Makakapansin ka ng mga bilog na umbok sa iyong balat. Ito ay maaaring epidermoid cysts na naglalaman ng fluid o semi-fluid na bagay. Ang cyst ay pwedeng mamaga at magkanana. Gaya ng pigsa, pwede itong operahan sa ilalim ng lokal na anesthesia.
Maaari ka ring magkaroon ng impeksyon sa hair follicles. Ito ay tinatawag na folliculitis. Ang impeksyon ay nagsisimula sa maliit, at namamagang umbok na may nana o wala. Maaari kang magkaroon nito sa anomang bahagi ng katawan na may buhok.
Ang Hidradenitis suppurtiva naman ay pangmatagalang pamamaga ng sweat glands na nagdudulot ng masakit at namamagang pigsa na wala naming bacteria. Kung meron kang pamamaga sa kilikili at singit lamang, ito marahil ang dahilan. Karaniwan ito sa mga taong labis ang timbang at mga naninigarilyo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ba ang ibang pwedeng gawin bukod sa pagpisa ng pigsa?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Depende kung gaano kalala ang iyong pigsa, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng non-surgical na paraan. Kadalasan ay bibigyan ka ng antibiotics para mapabilis ang pag-galing. Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam o may lagnat ka, maaaring kailanganin ang intravenous antibiotics (ipinapasok sa mismong ugat na dinadaluyan ng dugo), lalo na kapag mayroon kang ibang sakit tulad ng diabetes. Kadalasan, kakailanganin mong magpa-ospital.
Kung malaki ang iyong pigsa, o mabagal gumaling gamit ang non-surgical na paraan, kailangan nitong operahan sa ilalim ng local o general anesthesia. Papayuhan ka ng iyong doktor sa pinaka-angkop para sayo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Madalas akong nagkakaroon ng pigsa. Ano po ang gagawin ko para pigilan ang pagbalik nito?
Dr. Ed Santos
is a Medical expert in Saudi Arabia
Maraming mga bagay ang pwede mong gawin para mapigilan an gpagbalik ng pigsa. Ang pigsa ay madalas na sanhi ng bacteriang tinatawag na Staphylococcus aureus. Ang bacteriangi to ay maaaring makapasok sa balat sa pamamagitan ng maliit na gasgas o sa follicle ng buhok. Karaniwan din para sa bacteria na tumubo sa ilong.
May ilang dahilan kung bakit malamang ay magkakaroon ka ng pigsa. Kabilang dito ang:
• Paninigarilyo
• Pagkakaroon ng sakit sa balat
• Pagkakaroon ng mahinang immune system
• Pagkakaroon ng chronic disease tulad ng diabetes
• Labis na katabaan
Kausapin ang iyong doktor kapag meron kang pabalik-balik na pigsa. Maaari siyang kumuha ng sample ng nana gamit ang isang swab. Ito ay ipapadala sa isang laboratoryo para matukoy ang bacteria. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor na gumamit ka ng antiseptic wash para linisin ang bahagi ng iyong katawan kung saan madalas na nabubuhay ang bacteria kabilang ang kili-kili, singit at anit. Pwede mo ring dagdagan ng antiseptic ang iyong paligo. Madalas na labhan sa mainit na tubig ang iyong mga damit. Panatilihing malinis ang iyong mga kamay at huwag tusukin mag-isa ang mga pigsa.
Maaari kang payuhan ng doktor na uminom ng antibiotics sa loob ng ilang buwan. Kapag merong bacteria sa iyong ilong, maaari ring magreseta ang doktor ng antibiotic o antispectic na pwedeng ipahid sa loob ng iyong ilong.
Jeffri Pangan
is in the Philippines
Please read my message and please kindly answer tnx..

nitong mga nakalipas na dalawang buwan, ndi na ako tinigilan ng pigsa, tinubuan na po ako sa bewang ng 3 beses, 2 beses sa pisngi ng pwet, at sa tiyan.. bkt po ba pabalik balik pigsa ko? baka po may malala na akong sakit, wala nmn po akong diabetis o kung ano pa man. ngaun po may pigsa nanaman po ako sa pisngi ng pwet. please help
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang pigsa ay isang infection sa balat na kadalasang kusang gumagaling. Ang paulit ulit na pagkakaroon nito ay maaring konektado sa mahina na immune system.
Pumunta sa doktor para malaman ang dahilan ng paulit ulit na pagkaroon ng pigsa. Maaring kailangan mo ng mahabang gamutan ng antibiotic. Maaari kinakailangan din magpatingin kung may Methicillin-resistant Staphylococcus aureus (MRSA) infection. Tingnan din kung meron kang immunodeficiency disorders o ang mabilis kapitan ng bacteria o virus sa katawan.
Xany Xany
is in the Philippines
ganun din po sa akin..

nitong nakaraang buwan lamang po nagsimula na ako'y tubuan ng pigsa, hanggang sa ngayon po patuloy pa din sila sa sibol.

ano po ba ang aking maaring gawin? ito po ba ay isang sintomas ng mas malalalang sakit gaya ng kidney problem?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang pabalik balik na pigsa ay maaring sanhi ng Immunosuppression, tulad ng galing sa diabetes or HIV infection. Maaaring kailangan ng antibiotic upang maiwasan ang pagkalat ng kadalasang bacteria ( Staphylococcus), at para maibsan ang pabalik balik na pigsa. Pumunta sa doktor para mabigyan ng tamang gamot.
Jona Forte
is in the Philippines
anu pong sakit yung nasa banda singit tas ang sakit po parang bukol s laki, lalagnatin ka po at mhgit 1wik po xa, gagaling lang po siya kung nalabas na yung secreation na brown na parang ihi po. kc lumalabas po xa sa labasan ng ihi.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
anu po yung sakit na sa singit at malaki bukol, ang sakit po at ngkakaroon ng lagnat, mga 1week dn po xa. gumagaling lang po siya kung lumabas na yung brown po kulay para po sya ihi pero kulay brown at ng secrete nalang siya sa labasan ng ihi.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Sir may tanung po ako sana ay masagot po ninyo ito... meron po bukol ako sa may puwet po malake po yung bukol at yung gitna po ay patulis ang itsura.. pag naupo po ako ay napaka sakit po .hirap po akong umupo dahil sa bukol na ito.. pigsa po ba ito? at saan pong doctor na pwedeng magpakunsulta at magkano po ang aabutin nito? sana po ay masagot nyo po ang aking mga katanungan.. nahirapan napo ako sa bukol nato lalo na sa pag-aaral kupo.. salamat po..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
sir may tanung po ulet ako at sana masagot nyo ang mga katanungan ko.. paano po kung hindi sadyang sumabog po yung boils MAIIMPEKSYON po ba ito? ano po ang gamot na kaylangan kong mailunas dito? sana po masagot nyo po ang aking mga katanungan .SALAMAT po..
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Maari makakatulong ang warm compress, ipatong ito sa pigsa. Iwasan ang pagpisa para makaiwas sa infection at maaring bumaon pa lalo ang bacteria. Para makasigurado magpatingin sa doktor.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ano po lunas o natural gamut o remedy sa kumikirot at malaking pigsa sa pwet?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Masakit talaga ang pigsa, lalo na kapag nasa pwet, dahil mahirapan kang umupo ng maayos. Minsan nakakatulong ang warm compress (pwedeng bimpo na binabad sa mainit na tubig), lalo na kapag maliit lang ang pigsa. Nakakatulong din ang pain reliever upang maibsan ang sakit.
Pero kapag malaki ito, kadalasang kailangang mabuksan ang pigsa (boil o abscess). Magpatingin ka sa doctor, at hindi rinirikomenda na tirisin o hiwaan mo ito ng sarili. Depende sa laki ng pigsa kung anong gagawin ng doctor. Maaaring hiwaan at tangalan nito ng nana ng doctor, at pagkatapos bibigyan ng antibiotic course.
Jas Cariano
is in the Philippines
ano po ang epekto ng pigsa sa katawan ng tao?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Karaniwang epekto ay pagkaroon ng pamamantal, pangangati, pagkaroon ng rashes, pagkasunog ng balat dahil sa laging paggamit ng gamot, stinging skin.
Bihirang epekto ng pigsa ay ang pagiging abnormal ng pagtibok ng puso, abnormal na pagbaba ng dugo, pagkaantok, sakit ng ulo.
Anonymous Anonymous
is in the Philippines
isang linggo na po yung pamamaga ngunit wala pa rin na nana na lumalabas, patuloy din po ang paglaki a yug sakit na dulot ng bukol. ano po ang dapat kong gawin?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Ang pigsa ay parang pimple. Maari nawawala ito kahit na walang lumabas ng nana. Maaring pabayaan lamang ito dahil kadalasan kusa itong gumagaling. Kapag patuloy ang paglaki gaya ng kaso mo, mas maiging pumunta agad sa doktor para matingnan upang mabigyan ng tamang lunas.
Nest Jand
is in Thailand
Merun akong maliit na pimple ngaun. Feeling ko pigsa to. Pano ko cya maiiwasan bago maging pigsa ito. Please help
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Iwasan ang paghawak dito palagi at laging linisin ng malinis na sabon (mild soap) at tubig. Hindi mahalaga kung pimple man o pigsa yan, ang paggamot nito ay walang pagkakaiba. Upang mabigyan ng tamang paggamot, mainam na magpatingin sa doktor.
JC Khennerly  Oagyre
is in the Philippines
3 days na po akong may pigsa. Nung 2nd day ng pagkakaroon ko nag pigsa ay uminum po ako ng antibiotic. Ngayon po ay natanggal na yung Nana sa loob nito pero may butas po na naiwan. Ano po ba ang pwedeng gawin para mawala yung sugat at pano ko po ba'to malilinisan? Pinunasan ko po kase ng bulak na may Isopropyl Alcohol.

Pwede mo ba yung panglinis?
Medical Team
is a Medical expert in United States
You can try to minimize recurrence of the boils by keeping area dry, clean, avoid sweating and clean underwear. Wash towels in hot water after each use. You may also try antibacterial soaps
Anonymous Ako
is in the Philippines
Ano pong mainam na antibiotic and pwedeng inumin pra matigil na ang pagkalat ng pigasa? sana po masagot nyo ...salamat...
Fred Salameda
is in the Philippines
may tanong po ako habang nagwowork po ako ay nahulog ako sa taas at nakakapit pero yung paa ko o alulod ay tumama sa solidong bakal sa una namaga lang binalewala ko lang kasi kala ko nabugbog lang ang laman sa ikatlong araw biglang nag iba ang pakiramdam ko nilagnat ako at nahirapan na ko makalakad pumunta po ako ng hospital at nagpaturok ng anti tetano at antibiotic kaso hanggang ngaun namamaga pa din at di ako makalakad naging pigsa po ba ang sugat ko ano pong pwede kong gawin para mabawasan ang pamamaga pakisagot naman po dahil di na ko makapagtrabaho dahil sa nangyari saken salamat po
1 person likes this
Fred Salameda
is in the Philippines
wala po atang makakasagot ng tanong ko dito pls naman po
Grace Domingo
is in the Philippines
sir paano kpag yung pigsa ay tumubo po sa ulo at higit pa po sa isa and every summer po tinutubuan po ng pigsa ang 3 y/o son q. and nangangamba po ako na baka maulit po ulit ang pagtubo ng pigsa sa ulo ng anak sa darating po ulit na summer. sana po sir ako po ay inyong matulungan at umaasa po ako sa inyong tugon. salamat po.
Medical Team
is a Medical expert in United States
Kailangan magpatingin sa doctor and anak mo. He many need drainage, antibiotics. We can't tell if it is boil/pigsa or something else, unless seen by a doctor. The doctor may have the boils cultured to see what bacteria is causing them. Then appropriate antibiotic therapy can be instituted. Locally warm compresses can help.
Anonymous Asd
is in the Philippines
please help

nagkaroon ako ng pigsa noong December 2013 pumutok na siya noon ngunit hanggang ngayon ay sariwa parin ang pabalik balik ang pamamaga December 2014 na ngayon isang taon na ito (pigsa malapit sa butas ng pwet) ano po ang maipapayo nyo salamat
Medical Team
is a Medical expert in United States
See a doctor. This may be a boil or an infected cyst, since it's been there for more than a year. The infection needs to be drained and controlled with antibiotics first. If there is a cyst present, a simple local anaesthetic and removal may be needed.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi Doc. Tanong ko lang po kung anong topical cream ang mas mabisa sa pigsa, terramycin o foskina?
Thank you po.
Lana Lapuz
is in the Philippines
Ang anak kong dalawang taong gulang na babae ay nagkakaroob lagi ng pigsa. Pangatlo na yung ngayon. Sabi po ng kanyang Pedia e, baka sa poor hygiene. Eh sobrang linis naman na po ng aming bahay at panay alcohol muna ng kamay kung sino man ang humawak sakanila. Pabalik balik. Ano kaya ang magandang gawin para maalis na ng tuluyan? At ani pa ang maaring sanhi nito? Salamat po!
Nilo Bouy
is in the Philippines
May tanong po ako. Pigsa po ba itong tumubo mismo malapit sa labasan ng dumi sa pwet ko. At nasa may daanan po ng dumi lumalabas ang nana. Mga 6 months na po ang pigsa kong ito kung pigsa nga. At kapag hinahawakan ko. Parang muscle na matigas. Ano po ang lunas dito? Sana po ay matulungan nyo ako. Maraming Salamat Dok!
Rosemarie Magat
is a sales in United Arab Emirates
hello po sna masagot abdto po ako sa dubai at mahal pacheck up dok may pimples o boils ako sa loob ng ilong nsa pinas ako pinatgnn ko bngyn ako ng triderm lumiit lang xia pero d nwala pabalik balik halos every week putok xia may pinapahid ako oitment na antibiotics pra sa boils anu po ba mgnda ko gwn dto thanks po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Paano po ang pig sa na tumagal ng 3 yrs na? Paano ito magagamot? Meron po kasi itong parang bumukol na laman at laging namamasa ito at i feel a tube going inside the boil advance thank you po
Sherry Bolina
is in Macau
Ilang beses po b dapat uminom Ng antibiotic para s pigsa
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc may pigsa po ako mag 1week na so ang ginawa ko pk uminom po ako ng gamot na kung tawagin ay gloxaciline 500mg 3x a day every 8hours so nung umiinom po ako mejo lumambot po then ginawa ko po ung hindi dpat gawin na page pisil nung page pisil kopo. Madami pong lumabas nana!! So nung lumabas naman po lahat nagttaka lg po ako bat kapag tumatayo or naglalakad lg po ako bkit po nagdudugo at di humihinto. Thanks po sana masagutan nyo po ung akin tanong..
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Nagkaroon po ako ng pigsa sa banda sa may singit! Sobrang sakit po. :'( Dahil yun sa kakakamot ko nung nagkaperiod ako. Ano po ba dapat kong gawin? :(
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Kapag po ba may pigsa kailangan hindi siya maipit or madaganan? May pigsa po kasi ako sa kili kili. Sabi ng kapatid ko at ayon na rin po sa nabasa kong entry, pigsa nga siya. Pero since parang pasimula pa lang tumubo ang pigsa, tama po bang lagyan ito ng cream? Kasi sabi ng kapatid ko, yung kanya raw po nilagyan nila ng cream tapos naagapan naman daw po. Tsaka kasi ansakit po kada taas ko ng braso ko kaya ganun. Sana po matulungan niyo po ako. Thanks!



Ay! Pahabol pa po pala! Maliban po ba sa hot or warm compress, may iba pa po bang remedy na pwedeng gamitin? Kung meron po, pwede malaman kung ano? Tsaka yung sa cream, kung pwede man, ano po bang cream iyon? Yun lang po. Thank you ng marami! Sana po masagot niyo po ito asap. Salamat po!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hi doctors, ano po ang tumutubong parang bukol o pigsa sa magkabilang pisngi tapat ng tinggil ng ari ng babae,para po siyang Pigsa pero walanamang nana, bawat araw na dumadaan parang lumalaki po siya, ano po kya ito?may rashes po ako sa magkabilang ari nangangati po siya..ano po kayang magandang Gawin?Nakakaapekto po ba ang mandalas na pagtatalik naming magasawa.
Hi active pa po bato ? Ask ko lang po kung nakakahawa ba yung pigsa ? Yung baby kasi na pamangkun ng byenan ko may pigsa then yung sponge ng baby ko na lalagyan ng powder ginagamit nya sa baby na may pigsa hindi po kaya mahawa ang baby ko ? Di ako makatanggi na ipahiram dahil baka sabihin nila ang arte ko pero diba better safe than never?
Hi active pa po bato ? Ask ko lang po kung nakakahawa ba yung pigsa ? Yung baby kasi na pamangkun ng byenan ko may pigsa then yung sponge ng baby ko na lalagyan ng powder ginagamit nya sa baby na may pigsa hindi po kaya mahawa ang baby ko ? Di ako makatanggi na ipahiram dahil baka sabihin nila ang arte ko pero diba better safe than never?
Lea Santos
is in the Philippines
Ano pong gamot pwd inumin, kc pinisa ko agad ang pigsa ko, tas parang nmumula na sia sa loob, super kati
Iyeng Momot
is in the Philippines
Hi doc tanong lang bakit parang namaaga ang tenga ko parang my pigsa sa loob at prang puno na ng nana kaya mejo mahina na ang pandinig ko sa isa kong tenga, ngpakunsulta na po ako sa doctor pero niresetahan ako ng antibiotic at drops..pero ang drops hnd nman napupunta sa loob ng tenga dahil nga sa barado..ano po ba ang dapata gawin dito? Minsan po mahpdi tlaga wlang epekto ang gamot ninireseta no doc
Jaja Macatangay
is in the Philippines
Good day! Ano po ang pinaka mabisang paraan para madaling mawala ang pigsa na bago pa lang na tumutubo. Thank you.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Good day! Ano po ang pinaka mabisang paraan para madaling mawala ang pigsa na bago pa lang na tumutubo. Thank you.
Mira ACOPRA
is in the Philippines
Hi po sana may sumagot . Dko po alam kung pigsa po to o ano . Kc nung una sabi nila pigsa po kc as in namamga sya ang sakit at halos ika ika na ako maglakad kaya nagdesisyon po akong maghot compress after hot compress nilinis ko ng betadine after that nilagyan ko ng koyo kinabukasan po parang may namuing puti pero matigas sya hindi na sya ganung kakirot kagaya nung hindi kopa nilalagyan ng kuyo . After tangalin ng kuyo naligo ako sa hot shower binasa kopo sya kc mainit naman po yung water tapos nun nawala napo ang sakit . Hanggang sa napansin ko lumubo po sya at parang ang itsura nya napaso nagkatubig po sa loob pero dna sya masakit at ang kati ng gilid nya . Ano po kayang gagawin ko mga dok ?